Good morning mga boss. may nakuha kaming 94 Lancer GLI, carb'ed na, and manual na din steering. may ilang buwan din na hindi nagamit yung itlog bago namin nakuha. Bale ang problema ay kapag buhay yung AC, lumalamig naman as in, kaya lang yung AC belt nya squeals. At first i thought maluwag lang lang yung belt kaya dinagadagan ko tension, kaya lang dun ko na napansin na wala na syang hatak, di na ako makapag-pasok ng 3rd gear kasi sobrang bagal ng takbo kahit apakan ang gas, kaya naka-segunda na lang ako. Niluwagan ko nang konti ulit yung tensioner para lang gumaan ang load sa makina.
dinala ko na sa mekaniko at nakita na maitim yung mga spark plugs (powdery) kaya pinabili ako ng platinum. pinalitan din ng mas malapad na belt kasi makitid daw yung dati kaya squealing. nung ginamit ko kinabukasan, ganun na naman, sobrang gapang. buti naigapang ko pa pauwi. what i did was remove the spark plugs and saw the tips all powdery black na naman, so nilinis ko, tapos inalis ko muna yung AC belt completely.
ayun, tumakbo naman ng medyo ayos, ni-road test ko for about 10kms balikan, definitely better than when the belt was installed. yun nga lang walang AC. with no AC compressor loaded sa engine, bale napansin ko parang nabubulunan or nasisinok yung takbo, pakadyot-kadyot intermittently.
could this be a problem on engine timing mainly, o may iba pa akong malaking prob? Sunday pa kasi dating ng mekaniko kaya medyo uneasy na ako and to anticipate na rin kung ano yung possible pang dapat kong tingnan. salamat!




Reply With Quote
