New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

View Poll Results: Must there be an office to watch Service Centers poor in Service Performance?

Voters
3. You may not vote on this poll
  • We should be lenient to those Shops, they only sell Car Parts.

    0 0%
  • These Shops should prioritize their Client's Service Satisfaction.

    1 33.33%
  • These Shops who claim to be 5-star Service Shops should NOT employ inExperienced Mechanics.

    0 0%
  • There should be a Government Agency watching over Shops in the expense of unsuspecting Clients!

    2 66.67%
Multiple Choice Poll.
Results 1 to 17 of 17
  1. Join Date
    Jul 2005
    Posts
    10
    #1
    New comer here. Guys, need your professional advise... I just spent 7,500 for an aircon check-up. biglang nawala ang lamig. Pinalitan ng Evaporator, may leak daw. Pinalitan ng relay, sira daw. nire-wire yung Aux Fan connection, wala daw power. Tapos nung sinet-up ulit, hindi na maibalik ng maayos, naka tilt yung Evaporator sa ilalim ng dashboard, hindi tuloy maisara at mabuksan ng maayos yung glove compartment box. Since hindi naisalpak ng maayos yung evaporator, hindi swak sa ventilation box, malamig nga yung aircon, pumapasok naman lahat ng usok sa labas, parang may kasamang muffler yung aircon tuloy. Ayaw na nila ulit ibalik ng tama yung pagkakaset-up ng evaporator. Gusto ko sanang mag-complain. Saan ba dapat i-course? Sa Consumers Dept ng DTI (if theres one). Any suggestions?

  2. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    6,753
    #2
    paayus mo muna kay mang mario yang aircon mo.. ang reklamo mukhang mahirap bossing

  3. Join Date
    Dec 2003
    Posts
    11,316
    #3
    hindi kaya sinadya nila para marami ka paayusin...

  4. Join Date
    Jan 2005
    Posts
    3,231
    #4
    Where did you had it done?

  5. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    40,599
    #5
    una dapat hinde ka nagbayad kung hinde ka satisfied sa trabaho nila...anong sabi nung shop na gumawa? di ka ba nagreklamo?

  6. Join Date
    Jul 2005
    Posts
    10
    #6
    To Dehadista: Dating PitStop pero new management na pala. Binalikan ko, kasi maganda ang gawa at service nila dati sa Aircon ng kotse ko. Porke KIA Sedan lang, feeling ko para nilang tinratong Taxi. To some people, cars are their 2nd home, kaya I really resent how they treat my last visit.

  7. Join Date
    Jul 2005
    Posts
    10
    #7
    To Shadow: They gave me this false impression na sandali lang nila gagawin at parang pinalabas nga lang nila na cleaning maintenance lang at freon charging lang ang gagawin. Nung medyo natagalan ako sa trabaho nila, binisita ko, puro palusot ang narinig ko. Kung hindi ko pa personally na-check trabaho nila, ayos na daw, puwede na daw ilabas. Para akong batang pinapauwi. Nung nireklamo ko ang gawa nila dahil hindi ako satisfied personally, lahat sila kinausap ko. From the Aircon Technician daw, to the Service Manager, to the Shop Manager. Nag-usap usap sila. Ibalik ko na lang daw pag may usok na pumasok sa loob ng kotse. Nung binabalik ko na, di na daw nila sagot ang body works (dahil sa butas daw ng air ventilation ang problema),Aircon Service lang daw ang sagot nila. :<

  8. Join Date
    Jul 2005
    Posts
    10
    #8
    To BlueBimmer: Pakiramdam ko nga parang sinadya, kasi, unang araw namalagi ang kotse sa talyer nila, Aux Fan ang focus nila, hindi daw umaandar, walang power, chineck nila yung Relay, OK naman daw. Tapos Evaporator lang ang naging major na papalitan dahil pinakita nilang may leak sa loob (who knows? kung sila na ang nagbutas dahil hindi ako kaharap nung pinagkukumpulan nila sa isang tabi). Nung umokay ako, dinagdag yung receiver/drier, para daw sigurado ang trabaho nila at hindi ko na ibalik sa kanila. Humingi ako ng discount dahil doon ko nga pinagawa dati, at binalikan ko sila dahil natutuwa ako sa dating service. Binigyan ako ng 500discount. yung iba, 10% of the total Contract price kung ano man ang pinagawa nila. Tapos hindi nila natapos. Iniwan ko para kinabukasan ayos na. Kaya lang pakiramdam ko, binawi yung discount na binigay sa akin dahil siningil bigla yung relay ng 450, samantalang wala daw problema nung una. Tinanong ko kung bakit pinalitan. Nagturuan sila. Ayaw daw gumana. Nasa service din kasi ako. Gumagawa ako ng Computer at LapTops. Pag may pinapalitan akong parts, pinapaalam ko sa may-ari. Pinapaliwanag ko kung para saan. Dito sa shop nila, pinaramdam nila sa akin na wala akong alam at magtiwala na lang sa lahat ng sasabihin nila. Nakita ko yung Evaporator hindi nila maibalik ng tama, ayos na daw yon. Doon nawala tiwala ko sa kanila... :<

  9. #9
    Toch: If your near the makati area, PM mo si zeagle, or check out their website at http://www.densoservice-phil.com

  10. Join Date
    Dec 2003
    Posts
    11,316
    #10
    wag kana bumalik dyan...obvious na may tinatago na e..mga bwisit

  11. Join Date
    Jul 2005
    Posts
    10
    #11
    To odell: Talagang bibisita ako kay Mang Mario. Pag naibalik ito ni Mang Mario ng walang hassle, babalikan ko ang shop na pinagpagawaan ko at ipaparating sa kanila na hindi maganda ang serbisyo nila. I'm sorry to say this but I don't agree with how you feel on the count of justifiable complaints against Service Shops that promises jobs with a 5-star rank as their service medal. Very misleading sila at nag-a amass ng client resentments against poor services rendered. Dapat i-uphold nila yung 5-star shop banner nila. They should consider putting up a customer satisfaction and client follow-up project. Otherwise they will end up losing valueable clients. Hindi yata alam ng may-ari ng shop na meron siyang trabahador na nakakasira ng negosyong itinayo niya eh. They should be reminded why they are there, to serve client's car requirements, and to keep them coming back, they should make sure maayos ang trabaho nila. Dapat may Government Agency na humahawak ng mga client and consumer complaints against service centers that charges so much for a very poor service due to employing incompetent staffs. OO mahirap ngang magreklamo because it will be such a waste of time, but someone has to do it para hindi mawili ang mga service establishments mag-operate ng lousy service sa mga gullible clients. Kailangang matawag ang pansin ng mga yan... o baka nga talagang hindi alam ng may-ari ng negosyo na meron siyang mga tauhang nananamantala. Ano sa tingin mo ser?

  12. Join Date
    Jan 2005
    Posts
    6,107
    #12
    Patignan mo kay Mang Mario, then pagkatapos niyang ayusin ito, pakita mo sa mga bugok na yan.

  13. Join Date
    May 2004
    Posts
    1,175
    #13
    i-report mo sa dti para matauhan. papadalhan ng invitation yan (pero required sila pumunta) para magharap kayo sa reklamo mo.

    i sugget the same...dalhin mo na kay tatay mario.

    ciao

  14. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    6,753
    #14
    sa gobyerno natin kahit anung gawin natin.. makakalusot din mga yan konting padulas lang.. next time check ka sa boards ng recomended shops para paniguradong maayus.. madame willing tumulong sayo dito bro

  15. Join Date
    Jan 2003
    Posts
    973
    #15
    kung mag cocomplain ka, dapat di mo muna pagawa. para me evidence...
    problema nito hassle.

    try mo search website ng dti. alam ko meron silang i reklamo hotline or website.

    pag wala nangyari, punta ka sa website ng civil service commision. don ka mag reklamo. pag may complain ako sa govt agencies. dito ko complain.

    di ko lang sure kung entertain nila complain ko na mag resign si gma =)

  16. Join Date
    Jun 2005
    Posts
    1,455
    #16
    can somebody pls post seketches and or mang mario's exact adress pls?

  17. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    22,658
    #17
    It's buried somewhere in his thread here at the Workshop.

    http://docotep.multiply.com/
    Need an Ambulance? We sell Zic Brand Oils and Lubricants. Please PM me.

AirCon Service dismay