Quote Originally Posted by Galactus View Post
Abnoy talaga yata yung owner ng LA Cars na yan. Daig pa trader sa Wall Street, paiba-iba ng presyo tapos andami pang rason na palpak.

Makes me wonder why others are still patronizing his shop? Andami nang car forumers na may reklamo sa kanya (mapa-Honda, Ford, Toyota or Mitsubishi), and they can't all be wrong.

IMO, pag di pa talaga siya magbabago, lulubog na talaga yung shop niya. Ang masama pa kasi, pati yung mga empleyado niya, mukhang tinuturuan ng dugas-style marketing. Buti na lang malayo ako sa Makati, so I have no plans of visiting his shop soon.


tayo na gusto bumili ng isang bagay na relatively "malaki-laki" ang halaga ay natural lamang na magtanong-tanong ng presyo. at kung sa pagtatanong natin ay nakarinig tayo ng presyo na swak sa budget natin, di ba babalikan o pupuntahan natin yun tindahan? pero, dahil nagtanong-tanong pa lang tayo ng presyo ay posibleng itanong uli natin ang price para makasigurado na ang dala nating pera ay talagang sapat sa ating balak bilhin na produkto.

pero, kung sa pagkakataon na "bigla" naiba ang presyo (na hindi naman katagalan ang lumipas na araw), di ba magugulat ka na may halo pa sigurong inis?

marahil kaya meron pa rin tumatangkilik sa tindahan na ito ay naibibigay pa rin nila ang serbisyo/produkto na sang-ayon sa budget ng customer at marahil ay naibigay ang katanggap-tanggap na serbisyo. subali't hindi lang natin alam kung alam ng mga ito na meron ganitong mga situation(s) ...kaya ang tanong ko ay: nakamura ka ba o magmumura ka?