Practice mo lang magtimpla. Pag nasa parking ka halimbawa subukan mo lang yung "climax" ng clutch mararamdaman mo naman tsaka maririnig mo pag mamamatayan ka na. Pag naramdaman mo yung nginig at narinig mo yung paghihirap alalayan mo na ng gas.
Pag traffic naman ako nagneuneutral ako para di nakakapagod sa paa para rin di nakakataranta pag biglang nag go na.
Pag hanging naman nung bago bago pa ako alalay sa hand break, dito magagamit mo yung timpla, pakinggan mo pakiramdaman mo tapos pag alam mong climax na at pagas ka na bitaw na ng handbreak uusad ka din.
Pero magpahanggang ngayon naghahand break parin ako lalo na't matraffic ng sobra.
Wala namang magjujudge sa iyo unless may angkas ka. Tsaka basta defensive driver ka lang, drive safe and wag masyadong mainit sa daan. Sana nakatulong!![]()




Reply With Quote




_/_/_/_/_/
