New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 3 of 3 FirstFirst 123
Results 21 to 24 of 24
  1. Join Date
    Jun 2008
    Posts
    449
    #21
    Matinding bakbakan ito....

    Matinding trapik, asahan ngayong Lunes dahil sa Skyway 3 project
    By Leo Humangit, dzmm.com.ph

    Uumpisahan na ngayong Lunes, Pebrero 17 ang isa sa 15 infrastructure projects ng gobyerno na nakalinya hanggang 2016.

    Sa panayam ng DZMM, sinabi ni Metro Manila Development Authority (MMDA) Chair Francis Tolentino na alas-10:00 Lunes ng gabi magsisimula ang mga tauhan ng Department of Public Works ang Highways (DPWH) ng konstruksyon ng Skyway 3 project na elevated expressway na magpapaluwag ng trapik sa EDSA, Quezon Avenue, Araneta Avenue, Nagtahan, at iba pang pangunahing kalsada sa Kamaynilaan. Idudugtong din nito ang South Luzon Expressway (SLEx) at North Luzon Expressway (NLEx).

    Pinaka-maaapektuhan anya Lunes ng gabi ang bahagi ng San Andres - F. Zobel bago mag-Plaza Dilao at paglagpas ng Buendia - Makati area.

    "Imaginine n'yo na ang peripheral road nu'n, apektado syempre 'yun. 'Yung tukod sa likod ng Buendia papuntang Magallanes, may tama po 'yun. At 'yung Plaza Dilao papuntang Nagtahan, at pag-cross ng Buendia."

    Tuloy-tuloy na anya ang paggawa 24 oras, pitong araw ng linggo kaya ibinabala ng mga awtoridad ang matinding trapik sa loob ng susunod na mahigit dalawang taon.

    Sa inilabas na pahayag ng MMDA, inilista nito ang mga kalapit na establisimiyento na maaaring maapektuhan ng trapik dulot ng konstruksyon.

    SKYWAY EXTENSION (Stage 3 Project)
    SCHOOLS:
    Balingasa Elementary School
    San Jose Elementary School and High School
    Sergio Osmena Sr. High School
    Masambong Elementary School
    Perpetual Learning Center
    Delos Santos College
    Betty Go Elementary School
    Carlos L. Albert Hight School
    University of the East Ramon Magsaysay Memorial Medical Center (University)
    Central Colleges of the Phils.
    Immaculate Heart of Mary College
    Roosevelt Colleges San Juan
    Makati College (Formerly Makati Polytechnic)
    Makati Science High School
    Paaralang Elementarya ng San Antonio
    Paaralang Rafael Palma
    Manuel A. Roxas High School
    La Concordia College
    Paaralang Zamora
    Polytechnic University of the Philippines
    Central College of the Philippines
    Siena College
    Mataas na Paaralang Sergio Osmena

    HOSPITALS:
    National Children's Hospital
    Delos Santos Medical Center
    Quezon Institute
    San Juan Medical Center
    Unciano General Hospital
    St. Claire Patronage of the Sick and the Poor
    Asthman, Heart, Lung Clinic
    American Medical Hospital
    University of the East Ramon Magsaysay Hospital
    Health Center and Lying-in Clinic

    "What we need is extra huge amount of patience and understanding and cooperation but once Skyway 3 is completed, it will result to faster and more convenient travel within the metropolis," ani Tolentino sa isang anunsyo ng MMDA.

    Mayroon pa anyang uumpisahang mga infra projects sa Abril at sa Hunyo ngayong taon.

    Sa ngayon, bahagya pa lamang na madadama ang epekto ng buena manong proyekto ngunit ang mahirap anya ay "'pag nagsabay-sabay na, dahil mayroong point in time na mag-o-overlap, magkakasabay-sabay na. 'Yun na talaga mahigpit ang trapiko."

    Huling tatlong buwan ng 2014 anya posibleng asahan ang "impact" ng sabay-sabay na paggawa, tulad ng EDSA-Taft flyover at repair ng Magallanes interchange.

    Dahil dito, magdadagdag ng mga traffic enforcer ang MMDA.

    Sa katatapos lamang na Traffic Summit ukol sa epekto ng linya ng mga proyekto, maraming plano ang MMDA para kontrahin ito.

    Ilan sa mga pinag-aaralang panukala ang pagtanggal ng window time sa color coding, ang 4-day work week at carpooling. May panukala ring "no green plate day" kung saan hindi makakadaan sa EDSA ang mga pribadong sasakyan sa loob ng isang araw.

    May panukala ring gawin ang 4-day school week

    Naglabas din ng website ang MMDA para ma-monitor ng taumbayan ang kontrata at update sa konstruksyon ng mga infra project.

    Alternatibong ruta

    Dahil sa idudulot na trapik, pinaiiwas naman ang mga motorista sa mga lugar sa Maynila.

    Ayon sa Citra Central Expressway Corp. na hahawak sa Skyway 3 project, oras na simulan ang proyekto, kabilang sa isasara ang southbound inner lanes sa pagitan ng F. Torres St. at Arellano Avenue.

    Para sa mga sasakyang patungo sa Maynila gamit ang Skyway-SLEX, maaaring lumusot na lamang sa Magallanes, Don Bosco o sa Amorsolo.

    DZMM Radyo Patrol 630 - Silveradyo

  2. Join Date
    Oct 2011
    Posts
    26,787
    #22
    ^

    This is a welcome development. Mapapabilis na ang bihaye ko from Nlex going South.

  3. Join Date
    Apr 2010
    Posts
    384
    #23
    Now that sick!


    Sent from whatever device I got my hands on via Tapatalk

  4. Join Date
    Jul 2009
    Posts
    10,275
    #24
    wait, 99 pesos lang? yung skyway kasi ngayon eh 160+ na eh, yung idadagdag nila eh 99? nanloloko ba sila?

Page 3 of 3 FirstFirst 123
"With Skyway, Quezon City just 6 minutes from Makati"