Mga sirs just an inquiry tungkol pag yung sasakyan ay involve sa banggaan wherein ikaw ang binangga.

Ano yung mga procedure? at magkano normally yung fee sa pagtubos ng lisensya?

One of my car met a minor mishap along Sucat road. Yung side sa rear portion ay napinahan ng isang Pajero. Lahat ng procedure magawa naman ng traffic policeman (picture, sketch). then dinala sila sa traffic division malapit a Paranaque city hall for further processing at investigation. yung nakabangga sa aking sasakyan (female around 50's na) tumawag ng backup which pagdating sa traffic office nagpakilalang colonel. Anyway, to make the story short ang sabi ng investigator ang mali daw yung driver ng sasakyan ko (after makausap yung "colonel" daw) kahit saang daw anggulo tingnan. At this point di pumayag yung driver ko eh papano daw na siya ang mali kumbaga siya na nga yung nabunggo sa likod at siya ang pinagbabayad ng damage sa Pajero. Dahil di nagkaroon ng amicable settlement, nagdecide yung driver ko na ikaso na lang.

Sinurender nila yung kanilang mga driver license for further processing now after one week (incident happen before undas) noong tinutubos na ng driver yung lisensya, 2,000 pesos ang fee. Bale 1,500 dahil involve sa aksidente yung kaso at 500 pesos dahil sa pagsampa ng kaso. Also na-advice ko rin yung driver na basahin maiigi ang police report bago pirmahan at baka lumalabas siya ang bumangga.

Ang tanong lang ay tama ba yung fees na babayaran sa pagtubos ng lisensya at ilang araw ang hihintayin ma finalize yung case para magkaroon ng bista?