New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 5 of 5 FirstFirst 12345
Results 41 to 45 of 45
  1. Join Date
    Jul 2008
    Posts
    222
    #41
    Quote Originally Posted by water View Post
    ^
    Gaya ng sabi ko kung concern ka sa ibang tao gumagamit ng kalsada wag ka na magpabisita kung makakasagabal lang.

    Mahirap naman yung nakakasagabal dahil lang sa bisita mo.

    TAMA! maiiwasan ang traffic or pagsikip ng kalsada kung may concern sa iba at sa bayan.

    Dito sa españa kung wala space para sa sasakyan sa malayo magpa-park ang mga bisita, or nag tataxi sila.

    Okay naman talaga na kung may sasakyan dapat may sariling parking.

    Pero dahil nandiyan na yan nakabili na ng sasakyan, ang dapat gawin ng gobyerno ay patawan ng buwis, kasi dito kahit may sariling parkingan, yearly nagbabayad ng buwis para sa parking(para sa pagpa-park sa labas ng establishment, park sa labas ng bahay ng friend, park sa resto, park sa kung saan saan basta legal parking), bukod pa sa parking with pay, at kung matigas ang ulo at nagpark sa illegal, another payment yun hehehe!

    Yun ang dapat gawin ng gobyerno.

    At isa pa pala may time frame(last 2 years nong nagtanong ako sabi 1 month ang allowed) ang pagparada sa kalye mapa-village/subdivision/urbanization or main road kapag lumagpas na at nakita ng traffic police ay mumultahan pa din and sometimes hinahatak at doon na tutubusin sa munisipyo hahaha! lupet dito kaya disiplinado talaga mga tao.

    Sorry haba post ko.

  2. Join Date
    Aug 2006
    Posts
    728
    #42
    Meron dito sa isang subdivision sa Marikina, yung garahe nya maiksi so lampas yung kotse nya hanggang sidewalk. Ang ginawa nya binakuran nya hanggang sidewalk so pag may nagklalakad sa sidewalk at dadaan dun umiiwas sila dahil nakaharang ang bakod... pwede ba yun? hmmmmm Baka malakas kay Bayani...

  3. Join Date
    Jun 2008
    Posts
    895
    #43
    baka pag nai-propose sa kongreso yung batas tungkol sa parking yung mga car manufacturers ay mag-llobby na huwag ipasa kasi mababawasan yung sales nila

  4. Join Date
    Dec 2005
    Posts
    39,162
    #44
    Quote Originally Posted by xander1925 View Post
    Meron dito sa isang subdivision sa Marikina, yung garahe nya maiksi so lampas yung kotse nya hanggang sidewalk. Ang ginawa nya binakuran nya hanggang sidewalk so pag may nagklalakad sa sidewalk at dadaan dun umiiwas sila dahil nakaharang ang bakod... pwede ba yun? hmmmmm Baka malakas kay Bayani...

    Mukha ngang malakas iyan kay Bayani. Dapat kasi,- tinabas na iyan.... Hhmmm.... Calling one of the Transformers.....

    9606:hippie:

  5. Join Date
    May 2006
    Posts
    6,940
    #45
    Ang sa akin naman, yung parking of private vehicles is a valid argument pero sana unahin muna ng gobyerno i address yung public transpartation na naka park sa major thoroughfares at ginagawang terminal. Example, mindanao avenue cor North ave. Nag road widening ang mindanao ave years before pero yung added lane ginawang terminal ng mga jeep. So ang nangyari taxpayers money isang buong lane naging terminal

Page 5 of 5 FirstFirst 12345
Kung may kotse dapat may paradahan ka din.