Results 21 to 30 of 38
-
-
March 28th, 2010 01:44 AM #22
1. Bus - kung ang dating hari ng kalsada ay jeeps, ngayon ay bus na. talagang karera mode ang mga ito kahit sa matraffic na lugar like EDSA. yung mga hindi provincial bus, pwede ba, sa Yellow Lane lang kayo.
2. Taxi - ang taxi kasi kung sumingit ibang klase din, well obviously hindi nila sasakyan yung gamit nila so kung magasgas ay balewala. And I hate taxi drivers na palaging nakatutok sa likod ko when in full stop.
3. Jeep - well, sila naman ang lalakas prumeno kapag may nakitang pasahero nang biglaan. tapos kapag oovertaken mo, biglang ang bilis naman haharurot hehe.
4. Tricycle - well one thing na kinakainisan ko sa kanila ay yung "MABAGAL" sila. kaya nga may naaksidente na na-broadcast sa tv dahil may oovertaken na tricycle at ayun, nahagip ng kasalubong tuloy. kapag nagmamadali ka, ito ang ipagdasal mong huwag mapunta sa harapan mo.
-
March 28th, 2010 05:56 AM #23
Metro Manila Buses specially those plying along EDSA. Mga killer bus mga ito.
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Feb 2009
- Posts
- 168
April 2nd, 2010 11:24 AM #24Para sa akin kung sa metro manila bus ang worst.
Pero pagdating sa probinsya tricycle ang mas malala driving at night ng walang ilaw, liko dito liko dun ng walang signal at grabe kung sumingit tapos pag nabangga ka nila eh kakamutan ka lang ng ulo.
Minsan nasagi dala ko pickup ng sidecar nila. Pagbaba ko wak-wak ang brand new kong gulong 32x10.5 pa naman ang size, may pako na nakawelding sa sidecar!! Diretso kami presinto walang lisensya driver at wala din rehistro yung motor. Pinaghintay ako ng ubod ng tagal ng pulis hanggang sa mabwisit ako at iniwan ko na lang, mukang makakontsaba yung pulis at driver.
-
April 2nd, 2010 12:08 PM #25
If in Metro Manila it'll be buses for me also. Got sideswiped by a bus...
Pero pag nandito ako sa province. Trikes ang sakit sa ulo dito. I can forgive pag mabagal sila pero marami ang walang lights pag gabi, may mga protruding pa na bakal/spikes (minsan may nakita akong matutulis) sa motor at sa sidecar na parang ayaw nila may maka lapit sa kanila & last but the hatest pag biglang liko. Kahapon nag signal nga, paa pa yung ginamit!
I thought bawal ang tricycles sa highways pero parang dumadami na sila.
-
April 3rd, 2010 09:28 PM #26
pare-pareho lang yang mga yan. . .actually, kahit naman sa private vehicle drivers maraming balasubas
-
April 3rd, 2010 10:55 PM #27
kala ko sa maynila lang siga sigaan ang mga bus. even in provincial teritory.
galing akong gapan, nueva ecija. and guess what? grabe ang mga bus doon. two way road, overtake pa din ng alanganin. ranging at 60kph to 100kph
-
April 20th, 2010 05:36 AM #28
for me, pare-pareho lang... pati mga ibang private car drivers...
i do admit dati isa ako dun... but when i have my own hard-earned-car... maingat na ko.. "opened my eyes to my evil ways" ika nga..
defensive driver na ko ngayon.. since siyempre inaalagaan ko van ko. but still there are so many drivers na sobra talaga sa kalye... I just thanked GOD I woke up not to be like them anymore..
-
Tsikoteer
- Join Date
- Sep 2008
- Posts
- 630
April 22nd, 2010 10:28 AM #29Buses definitely for me, kahit dito sa laguna, yung mga shuttle service na bus specially the "Prince" shuttle buses. Sana magkatapat tapat minsan tong mga bus,jeepney and tricycle sa daan, sama mo pa yung mga mayayabang na naka motorcycle ahaha
-
Tsikot Member
- Join Date
- Jun 2010
- Posts
- 4
June 25th, 2010 11:06 AM #30bad trip silang lahat kasi:
ang bus walang paki, kahit ang laki nila gigitgitin ka pa din.
ang jeep, mga adik kasi kahit sa gitna ng kalsada hihinto para magbaba at magpick up ng pasahero kahit na may terminal na for them.
trike, mabagal lang sila talaga lalo na pag puno...hehehe.
truck din ang bagal pag puno, maangas pa mga driver.
dagdag nyo po yung mga motorcycles kasi sila walang pasabi bigla na lang sumusulpot out of nowhere. di marunong magsignal at sige lang ng sige. pag naman nahagip mo ikaw kahit na ikaw yung nasa tamang linya palalabasin pa rin nilang kasalanan mo. nakakainis. haha.
cadogan's aussie accent threw me for a loop. :help: :grin: anyway, do you guys agree w/ ...
Advanced Driver Assistance Systems (ADAS) /...