Results 1 to 6 of 6
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Jul 2010
- Posts
- 166
May 9th, 2011 08:59 PM #1ano po ba epekto kapag mali ang gap ng valve clearance? kapag malaki ang gap ano po epekto? at kung maliit ang gap ano po epekto?
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Dec 2006
- Posts
- 273
May 10th, 2011 01:13 PM #2Effects ng improper valve clearance:
1. INTAKE VALVES - late ang pasok ng air-fuel mixture, kasi naka-baba na yung piston, di pa bumubukas yung intake valve, so di sapat ang fuel na nakapasok sa cylinder.
2. EXHAUST VALVES - late ang pag-expel ng nasunog na fuel.
Magiging maingay ang makina.
3. INTAKE AND EXHAUST VALVES - kung maliit naman ang clearance, ma epekto din ito lalo na sa combustion stroke, na dapat sana sarado ang 2 valves para masunog mabuti ang fuel, pero isa man ay maagang bumukas, so ang epekto nito ay magto-tope.
May mga idadagdag pa iba nating mga ka-tsikot...
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Jul 2010
- Posts
- 166
May 13th, 2011 04:03 PM #3ang resulta po ba kapag malaki ang gap ng valve clearance e humina ang power ng makina?
-
Tsikoteer
- Join Date
- Mar 2008
- Posts
- 52,524
May 13th, 2011 10:05 PM #4mas madaling masusunog ang valves kapag masyadong maliit ang valve clearance.
dahil masyadong madali ang panahong naka-upo ang mga valve seats, ay hindi mapapalamig nang mabut ang mga ito. ang resulta ay, sunog ang valve seating surfaces.
ang epekto ng burned valve seats ay poor seating, poor closing, poor compression, loss in power.
kapag masyadong malaki naman, ay maikli ang panahong lalabas at papasok ang mga gases sa loob ng cylinder. nabawasan na nga ang pasok ng fuel sa cylinder, nahirapan pang itulak ang spent gases palabas..
ang resulta ay, loss in power.
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Jul 2010
- Posts
- 166
May 15th, 2011 11:24 AM #5pina check ko po valve clearance ng auto ko, maingay kasi pag inistart sa umaga o pag malamig ang makina, atsaka hirap sa arangkada. sabi nung mekaniko malaki daw clearance, after nya ma adjust yung clearance tahimik na yung makina at gumanda yung arangkada. pero medyo bitin pa rin ako sa hatak, hindi pa rin naibalik yung dating hatak nya nung nabili ko auto ko last year.
-
Babala! Sarado at Ginagawa mga south bound flyovers along c5. Medyo mabagal Ang daloy kanina Ng...
Traffic!