Results 391 to 400 of 424
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Nov 2011
- Posts
- 86
April 29th, 2012 07:52 AM #391sir pa-check mo po ang engine baka naman po may sira na kaya nag ooverheat. had one before pero never nag overheat. constant checking lang po sa engine at pag may nararamdamang problema. kahit minimal na problem like mga ugong and unfamiliar noise ng engine. patignan kagad kase dito po magsisimula ang malaking problema. pag nagbabawas po masyado ng tubig at laging mataas ang temp. meron na po problema yun. top overhaul na po pag ganon.
-
May 17th, 2012 07:49 PM #392
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Nov 2011
- Posts
- 86
June 6th, 2012 03:21 AM #393
-
June 23rd, 2012 06:12 AM #394
Magandang umaga po sa lahat. Kahit matagal na itong liteace, baguhan pa lang ako dito. Kakakuha ko lang nito last june 6 at masasabi kong di maganda ang unang experience ko dito. Nabili ko ito June 6 nang tanghali sa nagba buy and sell malapit dito sa amin at nang gamitin ko nung hapon na umuulan pa noon, the same day din ay itinirik ako at nakapag overheat nang 10km pa lang na natatakbo ko. Pinilit ko lang iuwi at ayun, diretso na sa mekaniko after 2 days dahil sa nagkulay gatas yung langis sa dipstick. Inabot ng halos 5k ang nagastos ko sa parts (oil, oil filter head gasket, resurface ng cylinder head) at labor ng mekaniko. So far naman, nung matapos ay 3x ko nang naibyahe ng tig 70km balikan at usually ay up to 1/4 lang ang taas ng temp nya at umaabot lang ng 1/2 kapag matagal na natrapik ng naka aircon. Then kapag itinakbo na ulit ng say mga 60-70kph, unti unti nang bumababa ang temp. Ang gusto nito ay wag bababa sa 60kph ang takbo pag naka aircon para di tumaas ang temp. So siguro, ang conclusion ko ay insufficient ang hangin na nagpapalamig sa radiator nito. Kapansin pansin din na yung isang malaking condenser ay walang auxilliary fan at nasa harap mismo ng radiator at since umiinit din ang condenser, nakakapag contribute pa ito ng lalong mas matinding init sa radiator. Kaya ang balak ko ay lagyan ng auxilliary fan na pansamantalang may separate na switch yung condenser at subukang paandarin itong liteace na bukas ang a/c sa garahe na naka off yung auxilliary fan hanggang sa tumaas ng halos mag 1/2 yung temp gauge sabay manually buksan ang auxilliary fan at obserbahan kung mapapababa nito ang temperature.
-
-
Tsikot Member
- Join Date
- Sep 2012
- Posts
- 2
September 3rd, 2012 12:03 PM #396hi mga sirs/mams:
may tanong po ako pero hindi tungkol sa toyota liteace baka kasi may ideas kayo.
ang sasakyan namin eh toyota townace (converted subic).
naghahanap kasi ako ng spare parts ng toyota townace at kung saan makabibili nito, meron po bang ibang sasakyan ang toyota na kaparehas ng spare parts ng townace?
(e.g. startic relay[yung para painitin ang glow plugs], oil filter, fuel pump, etc...)
salamat po nang marami.
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Aug 2012
- Posts
- 104
September 15th, 2012 01:14 PM #397mga sir tanong kolang po saan maganda at magaling mag-ayos na preno,sa fairview area po.93GXL bagong palit breakpad, nung tinakbo na from ecopark to mega q-mart bigla umusok pagdating sa q.c circle.nagstuck-up po,meron po bang dapat papalitan?
TIA
-
January 8th, 2013 01:39 PM #398
93 gxl din ang liteace ko - hindi power steering. nitong huli medyo may lagatok na ako naririnig pag nalulubak at dadaan sa humps. at yung manubela e medyo malaki na ang play. pina check ko sa mechanic at nakita nga na pag ginalaw galwa manually ang gulong e malaki na ang play ng mga gulong sa harap. so ang ginawa nya ay may hinigpitan sya sa ilalim - sa may rack and pinion daw. Ayun nawala nga ang lagutok at play ng gulong at manubela pero sobra hirap na pihitin ng manubela. So niluwagan nya uli ng kaunti yung sa adjustment sa may rack and pinion at medyo ok na nga. medyo may kaunting lagutok na lang at may turn na pag sobra sagad e need mo talaga bawiin ng may kaunting pwersa ang manubela kasi parang may point sa turn na stock ang manubela at kailangan bawiin na medyo may kaunting pwersa. Sabi ng mekaniko need na daw palitan ang rack and pinion nito. Mga surplus daw e nasa 3-4k at yung mga oem e nasa mga 10k. Tama ba ang sabi ng mekaniko gumawa na yun ang diperensya talaga? At need na ba talaga palitan ito at hindi na kaya marepair pa? Salamat.
- - - Updated - - -
-
January 17th, 2013 10:02 PM #399
Brader for your reference: Quotes from Cruizer Sucat
cylinder head gasket 690 toyota orig 190 replacement
water pump 3000 toyota orig 1200 replacement
rack and pinion(without
power steering) 30,000 toyota orig 5500 replacement
1. Front Bushings upper small 990 toyota, 130 rep (x2)
upper big 1940 toyota, 220 rep (x2)
2. Tie Rod 2000 toyota, 400 rep
3. Ball Joints upper 1770 toyota, 700 rep, 500 rep
lower 2670 toyota, 900 rep, 500 rep
-
Tsikot Member
- Join Date
- Jan 2013
- Posts
- 1
February 10th, 2013 03:08 PM #400Good Afternoon,
Hello guys. Buti na lang merong forums na ganito para sa auto natin. Mine is a 95 GXL Lite Ace Van na may 5k gasoline engine. Problem ko is yung distributor assembly, may basag ng mga bearings sa loob niya katabi nung mechanical advancer sa ilalim. Pati bushings sa loob sira na din. San po ako pwedeng makakuha ng buong distributor assembly para sa 5k engine?
Thanks in advance.
I don't have proof but it seems like the CRV shrank from the previous generation.
Yaris Cross 1.5 S HEV CVT vs BYD Sealion 6 DM-i