New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 5 of 5
  1. Join Date
    Mar 2012
    Posts
    10
    #1
    good day po. first time ko lang magpost dito and mag ask na rin ng opinion sa inyo about sa kotse ko toyota corolla 1995 XL 2E engine. katatapos lang top-overhaul last december 2011 kasabay ang pagpapalinis din ng radiator. after po ng top overhaul napansin ko na after ng malayong byahe (40 -50kms) pagpark ko kinabukasan merong marka ng patak ng langis sa gitna mismo ng sahig sa ilalim ng engine. konti lang po ang patak as in konti lang po talaga then pag ililipat ko ng ibang pwesto ang sasakyan, ichecheck kinabukasan wala naman pong patak. so far ok naman po ang takbo, ok rin po ang temperature gauge below 1/2 po sya lagi kahit sa ilalim ng init ng araw. may napapansin po akong oil sa bandang left ng engine (basa) na parang doon nanggagaling yung leak tapos bumababa sa gitna ilalim. pinatignan ko na po sa mekaniko ang sabi po is baka retorque lang daw.

    kapag ireretorque po ba bubuksan ulit ang ibabaw? hindi po ba ito makakasama at baka magkaproblema lalo pag binuksan ulit ang ibabaw?

  2. Join Date
    Oct 2010
    Posts
    877
    #2
    malay mo mo mga oil seals yan front camshaft crankshaft oil pump oil seals oil pump o-ring rear crankshaft oil seals, transmision oil seals. O kaya sa oil pan or valve head cover cylinder head cover

  3. Join Date
    Apr 2011
    Posts
    66
    #3
    ang ginagawa dyan, lilinisin yung may mga traces ng oil sa makina, tapos check ulit kinabukasan kung saan nanggagaling yung basa. kelangan makasiguro kung saan nanggagaling yung tagas, hindi yung "baka" na sinasabi ng mekaniko.

  4. Join Date
    Dec 2006
    Posts
    273
    #4
    Ang isang cause ng oil seal failure ay sobrang paglalagay ng engine oil. Maraming nagsasabi na ang level ng oil mo ay hanggang makaraing ng "F" level. Para sa akin, ang kelangan lang ay 3/4ths ng reading lang, para kahit humataw ka at magkaroon ng high oil pressure, di masisira ang mga oil seals mo (except kung masyadong luma na ang mga ito).....

  5. Join Date
    Jan 2011
    Posts
    644
    #5
    Iretorque mo sir tapos palinis mo yung pinangalingan ng langis.

may patak ng oil after magpark.