mga sirs at fellow diyer's, may pinagawa kasi na aircon system cleaning dun sa kaibigan ko. kasama naman sa normal replacement part yung filter drier.
napansin lang namin, yung nasa aftermarket na filter drier, para sa inova diesel, baliktad yung orientation ng mounting nung mga tubo. ilang tindahan ang napuntahan namin, at pare parehas. ang sabi ng aircon parts store, pinipilit lang daw ikabit para kumagat ang turnilyo dun sa drier. eh nakakatakot naman gawin, dahil puro aluminum parts ito. nung una nga, akal namin, factiry defect yung nakakabit, pero nung pumunta kami sa dealer, tama naman yung orientation ng mounting(parehas nung oe na kinalas namin). na encounter nyo rin ba ang problema na ito, or tama naman yung orientation nung available sa lugar ninyo na aftermarket filter drier ? ako, dito sa south (paranaque, alabang at pasay), walang naktang tama, puro saliwa.