Guys palitin na raw yung ball joint ng hi ace namin, prob is napaka mahal ng orig parts nasa 18k at 19k (upper arm) plus labor... May alam ba kayong shops other than casa na makukuhanan at pakabit ng orig parts or kahit replacement parts para sa hi ace namin? If replacement parts lang, how much and what brand ang ok? gaano kaya katagal bago masira uli?


Btw, napalitan na namin dati yung ball joints non(upper arm) nung 2002 at that time nasa 50k kilometers odo ng van namin, ngayon 165k kilometers na. Almost P40,000 ang nagastos noon dahil sa casa pinagawa.

I hope matulungan nyo po ko, kailangan kasi maayos kaagad dahil may byahe kaming pamilya sa bicol this coming May...

TIA!


Drive safe!