fellow tsikoters, patulong po.

Last week, tumaas ang temperature ng oto pero hindi naman nag overheat. the next day nagbyahe ako papunta ng pampanga at tumaas na naman ang temperature, so same procedure, dagdag tubig lang. Pagbalik ko ng manila chineck ko na meron na leak ang radiator kaya pina overhaul ko na ang radiator. Kinabukasan pag hatid ko sa anak ko sa school, nag overheat sya (hindi lang tumaas ang temperature). Pag tingin ko, hindi pala nakakabit ang auxilliary fun...after a few hours, from bo. kapitolyo to megamall, napansin ko na tumaas na naman ang temperature kaya dinagdagan ko na naman ng tubig. Ano kaya ang problema mga sir, parang mabilis nauubos ng tubig, wala naman leak ang radiator.

2nd problem ko is, after ko pa overhaul ang radiator, pinachange oil ko sya ang tune up. Pero hindi na tune up kasi ayaw matanggal ng spark plug #4. Sabi ng mekaniko (Petron station) ayaw nya pwersahin kasi baka mabali at baka madiretso sa overhaul ng makina.

Mga sir, kanino ko kaya pwede pa check ang oto?

maraming salamat mga sir