New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 7 of 7
  1. Join Date
    May 2008
    Posts
    117
    #1
    anybody know the difference between the two engines? both are sohc with a 73mm bore x 77.4mm stroke. the 2E produces 82hp while the 2E-TELU has 110hp.

  2. Join Date
    Apr 2008
    Posts
    537
    #2
    ang 2E hindi EFI so sa makatuwid carburated ito saka salawang klase yan. yung naunang 2E contact point pa ang distributor nyan madalas makikita ang ganyan dito sa pinas na PHDM na corolla EE90 aka small body.

    yung pangalawang 2E ang distributor naman nyan ay electronic na madalas naman makikita ang ganyan dito sa pinas sa mga corolla EE na bigbody at lovelife body.

    2E-TELU, EFI engine na'to at may turbo pa kung nalilito ka sa kasama pang code nyang LU eto ang ibig sabihin nyan........ L- transverse aka east-west engine position or sa tagalog balagbag at yun U naman may catalytic converter na nirerequire sa ilang bansa tulad ng japan para sa less emission.

    madalas makikita ang ganyang makina sa starlet GT 80's and up at sa mga maiikling corolla na hatchback na ang face nya ay smallbody at bigbody face.

  3. Join Date
    May 2008
    Posts
    117
    #3
    salamat sa reply boy. dahil pareho lang ang block, head, ECU at turbo ng 2E-TE/ TELU lang ba ang kailangan ng 2E para sa extra hp? basically a head swap with the ancillaries to upgrade without the need to change the registration unlike if you changed engines.

  4. Join Date
    May 2008
    Posts
    117
    #4

  5. Join Date
    Apr 2008
    Posts
    537
    #5
    Quote Originally Posted by goldrat View Post

    tama parehas lang ang block ng mga yan.

    kung gusto mo talagang mag gain ng extra hp puede na yan ECU at turbo para 2E mo pero much better kung kukunin mo na yun head mismo ng 2E-TE para na may kasama nang throttle intake, yung turbo nya CT20 kasi karamihan nyan or madalas na nakakabit CT12, CDI distributor at exhaust manifold para wala na masyadong katakot-takot na trabaho.

    ang medyo madugo nga lang dyan yung wiring kasi alam mo naman ang 2E-TE EFI na yan so ibig sabihin mas maraming wiring ang gagawin dyan.

    ngayon kung gusto mo pang tumaas ng hp ng konti, bago mo ipakabit ang head ng 2E-TE sa makina mo ipa-port n polish mo yan pati rin ang piston mo ipapolish mo na rin, kung ang nakuha mo naman na turbo kasama ng nabiling mong head ng 2E-TE ay CT12 puede mo syang palitan ng CT20.

  6. Join Date
    May 2008
    Posts
    117
    #6
    maraming salamat ulit sa iyo boy. nakakaenganyo pagisipan na pwede kong palakasin yung makina ko na hindi kailngang magpalit. masmakakamura din siguro ako imbis na bumili ako ng 4AGE.

  7. Join Date
    Apr 2008
    Posts
    537
    #7
    Quote Originally Posted by goldrat View Post
    maraming salamat ulit sa iyo boy. nakakaenganyo pagisipan na pwede kong palakasin yung makina ko na hindi kailngang magpalit. masmakakamura din siguro ako imbis na bumili ako ng 4AGE.
    walang anuman saka tama ka maski papaano makakamura ka kesa bumili ka ng 4AGE saka less hassle kasi kapag nagpalit ka ng makina kelangan mo kasing hintayin ang confirmation mula sa custom at LTO 2 months na ang engine number ng nabili mong makina ay wala pa dito sa pinas at malaman na talagang imported surplus yan and then dadalhin mo yan sa LTO pasig na malapit sa ULTRA kung saan kinakalangan makilatis na yang kotse mo ay ang makina mo ay hindi carnapp.

    at oo nga pala kung kakalasin mo ang makina mo para palitan mo ng head ng 2E-TE maigeng magpaport n polish ka na rin pati yun piston mo ipa-polish mo na rin para isang gastusan lang at medyo makakamura ka pa maski papaano, kasi kung halimbawang nabuo mo na ang makina tapos saka mo lang naisip na magpa-port n polish another gastusan na naman nyan para ka nang nag pa general overhauln nyan.

2E vs. 2E-TELU