New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 4 of 4
  1. Join Date
    Feb 2010
    Posts
    1
    #1
    hi to all,

    newbie po ako dito, plano ko pong bumili ng isang sasakyang pang pamilya.
    eto po ang aking mga nagugustuhang saksakyan:

    (kung kakayanin ng pera) :

    HONDA CRV 95

    KIA SPORTAGE 96

    (pero mukang eto lang ang kaya) :

    TOYOTA TAMARAW FX GL 95/96

    mga kuya at sir medyo marami po akong tanong kasi first timer lang po ako sa mundo ng kotse at gusto ko po kasi yung pang pamilya, 22yrs old palang po ako. maliban sa pag aaral mag drive ano ano po ang aking kaylangan matutunan sa mga klase ng kotseng gusto ko? specially sa engine po mga sir.

    ano po ang pinagkaiba ng DIESEL sa GAS driven cars?
    ano po yung "Kalampag"?
    ano yung mileage?
    baket po panget daw ang "Automatic" sa "Manual"?
    ano po ang Oil change?, baket kailangan change ng change?

    at kung may mga mai - susugest din po kayong iba pang mga pang pamilyang saksakyan paki reply lang po.

    sana po may mag reply. pacencya na din kung wala po talaga akong alam.
    gusto ko pong matutu ng marami.
    salamat godbless.

  2. Join Date
    Jul 2009
    Posts
    251
    #2
    marami kang kelangan matutunan hindi lang ang pagdadrive.. (yun ay kung independent person ka na.. meaning kaw ang magpapagas, papamaintenance, etc. etc.) ang alam ko meron ditong link sa car bible. yun puntahan mo at basahin mo mga articles dun.

    Diesel ibig sabihin ang fuel ng kotse mo ay diesel at hindi gas (:D) mas mura ang diesel sa ating bansa ngunit sa aking pagkakaalam medyo mas maingay ang makina ng mga diesel at mas madali magdumi ang usok na lumalabas sa tambutso.

    Kalampag = yun yung unwanted noise na nagegenerate ng kotse sa kanyang pagtakbo. usually source nito suspension system (pero marami din pwedeng pagmulan ito)

    mileage = kung gano na kalayo ang naitakbo ng 2nd hand na kotse.

    Automatic vs Manual
    Hindi pangit ang automatic. kung tutuusin kung ito ay naalagaan ay mas maganda pa nga cia sa manual. automatic pag nasira iiyak ka dahil buo ang palit nyan.. pero kung regular transmission oil change ka naman.. matagal na matagal ang lifespan ng automatic. ang manual mura lang magrepair if masira.. at pwede ka mag-early shift kapag manual.


    ) (hehehhehehe )

  3. Join Date
    Mar 2008
    Posts
    52,700
    #3
    naku, bossing. start from scratch ka pala! payo ko sayo, bumili ka ng basic automotive na libro sa national bookstore. at sa choice mo ng sasakyan, baka mabuti na yung tamaraw na muna ang bilhin mo. siguro mas maraming piyesa, mas murang piyesa, mas murang bili, at mas harabas. at mas maraming marunong magkumpuni.
    kung mag-enrol ka sa driving iskul, ay baka may lecture doon sa basic automotive at basic road rules.

  4. Join Date
    Mar 2009
    Posts
    21,667
    #4
    Ika`y dapat matuto muna sa mga basic things ukol sa sasakyan. Sa una`y sasagutin muna kita sa iyong mga katanungan.

    ano po ang pinagkaiba ng DIESEL sa GAS driven cars?

    - Napakahirap magexplain nito. Siguro ang pinakamdaling paraan upang masagot iyan ay ganito. ANG DIESEL DRIVEN cars ay ginagasolinahan ng DIESEL. ANG GAS DRIVEN cars ay ginagasolinahan ng GASOLINA.


    ano po yung "Kalampag"?

    - Kalampag ay ito iyung maririnig mo sa pangilalim mo sa tuwing ika`y madadaan sa isang lubak. Parang kinakatok na ang iyong pangilalim.


    ano yung mileage?

    - Ito ang kabuuoang sukat ng tinakbo ng kotse. In KM ang sukatan nito.


    baket po panget daw ang "Automatic" sa "Manual"?

    - Panget ang automatic sa mga nalumang kotse dahil ito'y maaring hindi naalagaan ng mabuti na maari pa magsimula ng isang problema na maaring magdulot ng paglabas ng malaking pera sa iyong bulsa.

    ano po ang Oil change?, baket kailangan change ng change?

    - Ito ay ginagawa sa kotse pagdating ng isang spesipikong kilometrahe. Kunwari sa tuwing 10, 000 km. ikaw ay maglalagay ng oil.

    Napakadami mo pang kailangang malaman upang ika`y hindi magantso sa pagbili ng isang sasakyan. Maari`y ikaw muna ay magaral muna upang hindi ka masyadong hubad sa kaalaman sa isang sasakyan.

1st time 2nd hand car buyer [Questions]