Hello, baguhan lng ako magkaroon ng 1990 Toyota Corolla 16valve with power steering, power mirror and power lock. Nung nabili ko binaklas ko ang carpet at mga upuan at ung casing ng shift knob at hand break nya kung saan nakalagay dun ung controls ng power mirror at ung power lock. so dinisconect ko ung mga wires na nka attach doon. Nung ibabalik ko na, yung power lock ko nagloloko na. And then pinagpalit palit ko ung wire kasi hindi ko naman natandaan ung talagang ayos nya. Ayon ayaw ng gumana dead na sya. Hindi na ko na mapagana ung power lock ko kahit pagpalit palitin ko ung mga wires. Ung kulay ng wires na nkakabit is dalawang red at isang black. Hindi ko alam kung third party na ung power lock na un or original ng car ko. Anu po sa tingin nyo ang nangyari at maayos paba ito? Anung pwede kong gawin para maayos ko ung power lock na un. Paturo naman po para hindi na ako magastusan sa electrician.