New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 5 of 5
  1. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    52
    #1
    may problema ako sa sa Altis na ginagamit ko, may brake noise tuwing umaatraas may tok tok sound pag tumatapak sa brakes.

    Ganito ang aking pinagdaanan sa isang Toyota dealer.
    1.)Nagreklamo ako sa dealer na may abnormal sound ang altis, sabi sa akin ischedule, iiwan daw for 1 week, so para mahanap ang problema, iniwan ko.
    2.)Next, di nila mahanap nag problema, binaba na lahat, shocks, suspension at nilinis ang brakes, ganun pa rin, walang improvement.
    3.)Since mukhang di nila alam ang dapat gawin, pull out ko muna, nag request sila ng taga TMP na titingin, sabi Engine support daw, pinalitan, pero di naman nawala. Mukhang nawrong diagnosis sila.
    4.)Then bumalik ako nanaman ako to complain na ganun pa rin, anti squeal shim kit naman daw, so un pinalitan din nila, nawala ang tunog for around 1-2 weeks, pero bumalik rin .
    5.) Dinala ko ulit sa dealer, sabi sa akin, di niya na parang ganito ang meaning di na namin kaya, lahat sinilip na namin, lahat ng dapat palitan, pinalitan na, then he uttered alam mo " abnormal use will create abnormal sound" Since mukhang surrender ung dealer, I said papuntahin mo ang TMP guy ulit, pasilip, sabi naman niya, sige daw.
    6.) After almost 1 month, walang balita, walang sched ng TMP guy.
    7.) Filed for DTI, after few days siguro nareceive na nila ang mediation notice, nagkaslot na si TMP guy, pero I opted to proceed with dti and not tech eval.
    8.) Mediation day, TMP and dealer requested to be given 2 weeks for thorough evaluation
    9.) Evaluation done, sabi ng TMP guy abnormal nga yan , dapat wala, so ordered left side front caliper,took 2-3 weeks to arrive, then visited the dealer to check kung ok na nga talaga as they claim, pero may tunog pa, now in forward motion na di na atras. So sabi nila, bleeding lang yan, so nibleed nila, pero di pa rin nawala, sabi naman nila sa rightside na nanggagaling ung sound, they ordered the right front caliper, next day dumating ang right side caliper, then installed after lunch, pero may tunog pa rin, di pa rin nawala.
    10.) DTI 2nd mediation, sabi ng dealer - it will take 2 weeks day para lumapat ang bakal
    11.) sad to say, may sound pa rin despite ilang days of driving the unit.

  2. Join Date
    Sep 2008
    Posts
    190
    #2
    Automatic ba yan? Kasi kung automatic, meron talaga siyang unusual sound na parang "tok tok" din kapag nire-release yung brake para umandar, kahit forward man o backward. Lahat yata ng automatic na 10th gen Altis meron niyan...

  3. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    52
    #3
    Yes, automatic ang unit.

    Lumalabas ang sound pag tumatakbo na ang kotse then applied brakes.

    Dati, ang sound sa R lang meron, then nung pinalitan ang both front calipers nawala ang tunog sa R na sa D na.

    Take note, technical guy na ng TMP ang nagsabi na hindi normal, dapat wala, ang nakakalungkot pa nito , confident si TMP Technical Guy na mawawala ang tunog basta't mapalitan ang calipers.

    Sa totoo lang, sa mga Toyota cars namin, ito lang ang may ganitong tunog, not to mention pati ibang brands.

    Ang tunog na ito ay naririnig sa loob ng car kahit naka on ang Radio. Paiba iba ang tunog ng "tok tok" minsan malakas minsan mahina.

  4. Join Date
    Nov 2010
    Posts
    2
    #4
    Quote Originally Posted by green_machine View Post
    Automatic ba yan? Kasi kung automatic, meron talaga siyang unusual sound na parang "tok tok" din kapag nire-release yung brake para umandar, kahit forward man o backward. Lahat yata ng automatic na 10th gen Altis meron niyan...

    sakin ganun dun pag bagong lipat sa reverse may toktok pero pinabuksan ko bka mali lang kabit then ganon pa din pero after few days nawala.. prublema ko lang ngyon pag matulin minsan may tunog parang sumasayad na bearing pero minsan wala.. ganun din ba sa inyo?

  5. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    52
    #5
    sa akin hindi ung pag bagong lipat lang.

    Ganito sa akin dati (bago napalitan ng new calipers):
    pag nasa R, kahit na bagong lipat o hindi may tunog lagi , basta in motion.

    Ngayon , pag nasa D, basta in motion , may tunog lagi, hindi siya tunog na parang bagong lipat o unang tapak lang, lagi siya andun basta gumagalaw ang car.

10th gen Corolla brake noise........