New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 2 of 2 FirstFirst 12
Results 11 to 17 of 17
  1. Join Date
    Jul 2009
    Posts
    116
    #11
    Quote Originally Posted by t2erns View Post
    tanngalin mo yung vacuum hose na nakakabit sa brake booster, mag insert ka ng straw or zip tie na aabot hanggang bottom ng booster then check mo kung nabasa, kung basa ng brake fluid may leak ang primary piston ng master cylinder. BTW kung may leak ang booster it will not consume brake fluid, titigas lang ang tapak mo sa brake because of vac leak
    ok try ko gawin kung may time today. malambot naman apakan ang brake. may nagsabi rin sa akin na mekaniko na kung flooded ng brake fluid ang hydrovac ay mahihigop ng makina tapos iba daw ang magiging amoy ng exhaus.

    may nakaranas na ba sa inyo nito?

  2. Join Date
    Mar 2006
    Posts
    607
    #12
    pwede mo rin tanggalin yung master ,kahit yung 2 nuts lang mostly 12 mm size nila .

    from there makikita mo kung master nga ang may leak.

  3. Join Date
    Feb 2003
    Posts
    1,038
    #13
    Quote Originally Posted by t2erns View Post
    common misconception na ang booster ang nag le-leak, actually it's the master cylinder ang nagleleak. pag nagleak ang primary piston ng master cylinder ay hindi mo makikita ang leak at sa booster mapupunta ang brake fluid , pag napunta sa booster ang leak ito ang sisira ng seal ng booster. very common sa mga mechanic ang magpalit ng booster but they're not actually adressing the cause of the problem. sooner or later ay mag fa-fail uli ang booster.
    Quote Originally Posted by bambino View Post
    pwede mo rin tanggalin yung master ,kahit yung 2 nuts lang mostly 12 mm size nila .

    from there makikita mo kung master nga ang may leak.
    Agree agree ako sir. Hydrovac booster is a mere booster and works like a control valve diaphragm me vacuum assist lang. Wlang kinalaman eto sa Hydraulics..nakasupport lang eto sa hydraulics system.

  4. Join Date
    Jul 2009
    Posts
    116
    #14
    Quote Originally Posted by bambino View Post
    pwede mo rin tanggalin yung master ,kahit yung 2 nuts lang mostly 12 mm size nila .

    from there makikita mo kung master nga ang may leak.
    positive, master nga ang may leak. pinalitan ko na lang ang master may tama na rin kasi ang cylinder. now, ang worry ko naman kung pano ko matanggal ang accumulated brake fluid inside hydrovac. kelangan bang baksalin para ma drain ang fluid? matutuyo kaya ang brake fluid inside? tnx

  5. Join Date
    Oct 2010
    Posts
    2,639
    #15
    Quote Originally Posted by bok_yo View Post
    ok try ko gawin kung may time today. malambot naman apakan ang brake. may nagsabi rin sa akin na mekaniko na kung flooded ng brake fluid ang hydrovac ay mahihigop ng makina tapos iba daw ang magiging amoy ng exhaus.

    may nakaranas na ba sa inyo nito?
    eto kwento:

    meron na akong nakitang ganitong kaso sa talyer ng mekaniko ko, may ipinasok na vitara... yung exhaust pipe nya kahit naka-idle e walang pinag-kaiba sa nag-fogging kontra dengue, as in grabe talaga ang usok! kakaiba rin yung amoy nya, pero may hint ng brake fluid na nasusunog.

    bale kukuha lang sana ng second opinion yung lady owner nung vitara kasi subject for overhauling na daw yung kotse ayon dun sa unang mekaniko.
    sa unang tingin pa lang... iisipin talaga naten na subject na sya sa baba ng makina.
    out of the blue, nagtanong yung owner; wala bang kinalaman yan sa preno ko? magtataka tayo syempre kung hindi pa abot ng knowledge natin yon.

    then nagtanong yung mekaniko ko; ano problema sa preno mo?
    sagot nung owner; mas matigas ang tapak ko sa preno kumpara sa dati, ang lakas daw pati nya sa fluid though wala naman syang leaks.

    sabi nung mekaniko, set aside muna natin yung bukas/baba makina... i-check muna naten ang hydrovac/master mo, walang duda... may tama yan at dyan napupunta yung kinokonsumo mong fluid.
    baklas si hydrovac, ayun.... as in full tank yung hydrovac ng fluid na hindi dapat mangyayari.
    to the extent na overflowing na sya at humahalo na sya sa combustion ng makina kaya nag-uumusok yung tambutso nya.

    hindi ko na inusisa kung ano ang damage nung hydrovac, pero nag-suggest na lang yung mekaniko na humanap na lang ng surplus ng hydrovac for a cheaper option.
    pagkatapos maisalpak yung surplus na hydrovac?
    back to normal na ulit yung vitara... abot tenga ngiti yung owner dahil nalibre sya sa baba makina.

  6. Join Date
    Mar 2006
    Posts
    607
    #16
    Quote Originally Posted by bok_yo View Post
    positive, master nga ang may leak. pinalitan ko na lang ang master may tama na rin kasi ang cylinder. now, ang worry ko naman kung pano ko matanggal ang accumulated brake fluid inside hydrovac. kelangan bang baksalin para ma drain ang fluid? matutuyo kaya ang brake fluid inside? tnx
    kung may wet /dry vacuum cleaner ka ,gamit ka ng hose na kasya sa area ng leaked fluid

  7. Join Date
    Jul 2009
    Posts
    116
    #17
    katatapos ko lang install yung bagong master pero bago yun, tinanggal ko muna ang hydrovac. pagkaalis ko sa mounting ay nagsimula ng tumulo ang brake fluid. kaya ang ginawa ko ay pinatulo ko maigi (almost an hour). nag bleed na rin ako sa apat na gulong. so far ok na ang preno. test drive ko na lang bukas.

Page 2 of 2 FirstFirst 12
where does brake fluid goes?