Results 1 to 8 of 8
-
July 5th, 2006 05:32 PM #1
Naka acquire ako ng 03 gen 2.5 na pajero. ok naman sana lahat, Kaso napansin ko pag minamaneho ko mabagal man o mabilis parang nararamdaman ko yung surface ng kalsada sa steering wheel lalo na kung concrete road. Kala ko nung una its just me pero pag drive ng wife ko sabi niya bat ganun parang di solid yung manibela parang may maluwang na turnilyo. Hindi siya wiggle o pumapalag kumbaga parang ramdam mo yung minute na alog sa steering wheel lalo na kung sementado.
Tapos nung din rive din ng bayaw ko napansin din niya parang may kumakalog sa manibela. Sabi niya di naman daw ganun yung Gen 2 pajero niya, pacheck ko naman daw for any loose turnilyos sa kahabaan ng steering system. Or baka daw may bushing sa steering system na durog.
Ginawa ko pina road test ko sa mekaniko ko. Ang ginawa niya lift niya at check yung mga ilalim ang recommendation niya is palit inner outer tie rods,pitman arm and idler arm abot 8k lahat kasama labor.
Ano kaya yun mga bros steering problem o Pang ilalam tulad ng sabi mechanic ko sayang kasi baka paayos ko yung isa samantala yung isa naman pala problema. double gastos. heheh
Made a thread before "feel ko yung groove ng kalsada sa manibela ko" pero ngayon na hatulan na ng service advisor sa mitsubishi Quezon Ave. Steering column assembly daw papalitan worth 18k pero oorderin pa sa planta. 3 days ang gawaan!! Meron ba sa labas neto? o baka pwede pa ayusin to?? Baka may mekaniko na marunong kumalikot neto??
-
July 5th, 2006 11:47 PM #2
May bushing iyan dapat, eh.
Pero si woodfire dati bumili sa Capalangan (Pampanga). 'Surplus' (hehehe). Buong steering column assembly kasama na lahat (control stalks, etc.). Parang Php11K. Ewan ko lang kung may free steering wheel na din yun.
http://docotep.multiply.com/
Need an Ambulance? We sell Zic Brand Oils and Lubricants. Please PM me.
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- May 2005
- Posts
- 43
July 6th, 2006 12:50 PM #3Punta ka ke joseph sa multinational, pa diagnose mo then compare. Malamang mas tama ang kay joseph pero wag ka muna pagagawa. Compare mo prices at alamin mo kung ano mga gagawin at papalitang parts. Minsan kse mas mura kung ikaw nalang ang bibili ng parts at sa kanya mo na pagawa. Pag kailangan surplus, punta ka sa surplusan at saka mo dalhin sa kanya. Mas mahal pag sa kanya ang surplus.
-
July 6th, 2006 08:10 PM #4
Went to el dorado kanina. Sabi ng mechanic dun huhugutin daw yung steering column tas babaligtarin, wala daw piyesa papalitan. yun daw ang solusyon. Nge ok ba yun??
-
July 6th, 2006 08:55 PM #5
Pa check mo muna ang "Steering Column Bushing" baka manipis na. Yung iba naman nilalagyan lang ng shim.
-
BANNED BANNED BANNED
- Join Date
- Oct 2002
- Posts
- 3,790
July 7th, 2006 04:01 AM #6Kung hindi orig ang ipinalit mo huwag ka ng magtaka...parang P15k lang brandnew nyan nung dati (3years back) sa El dorado Megamall.
-
Tsikot Member Rank 2
- Join Date
- Oct 2002
- Posts
- 350
July 8th, 2006 12:09 AM #7Sir almost the same ang problem natin pero gen2 ang pajero ko. Pinaayos ka sa may banawe beside motorix, pagnakita mo ang motorix pasok ka dun sa side street sory i forgot the name of the shop pero sya ang last shop beside the gate of motorix. You can ask KCBoy kasi sya rin ang nag refer sa akin doon. ok naman upto now 3 yrs. na cost me less than 1500 for labor no parts replaced kasi may lumuwag lang daw.
-
Tsikot Member
- Join Date
- Feb 2018
- Posts
- 1
Life Lessons From A Monk & His Tuned Mini Cooper S - Speedhunters Sent from my SM-S901E using...
Monk-owned R53