New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 10 of 10
  1. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    7,500
    #1
    Guys;

    Help naman. Nagpaalign ako at pacamber last sat. yung spindle ko press nila para daw maayos at hindi kumabig pakaliwa.

    Nung naalign ok naman sya pantay na pero nung ginamit ko na sya at binitawan ko manibela kumakabig pa din pakaliwa.

    Ano na kaya problema, balik ko ulit sya sa sat. kasi warrantynaman sya nang 6months.

    Please advise naman para pagkinausap ko yung mekaniko alam ko kaagad.


  2. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    7,205
    #2
    check mo hangin ng gulong...baka kulang?

  3. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    10,942
    #3
    Baka po sa gulong, di pantay ang upod? Nasubukan nyo mag tire rotation?

  4. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    7,500
    #4
    pinagpalit na nila yung sa harap lang saka binawasan na nang hagin.

    kasi yung likod ko medyo manipis na

  5. FrankDrebin Guest
    #5
    Mas malamang sa Goma na ang problema na yan bossing.

  6. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    7,500
    #6
    oo nga mukha nga pero try ko pa din ibalik sa kanila...

    habang tumatagal naman ginagamit diba papantay na din yung kain nun kasi pantay na sya. hehehehe

  7. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    7,500
    #7
    For Info lang. Car ko nga pala Honda Civic

    Tama ba na sa spindle ang camber nya?

  8. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    10,942
    #8
    Quote Originally Posted by CLAVEL3699
    ...habang tumatagal naman ginagamit diba papantay na din yung kain nun kasi pantay na sya. hehehehe
    Dipende sa pagkakaupod ng goma kung inner tread or outer tread ang naupod. Usually hindi na mahahabol kung 40% difference ng upod sa goma. At dapat inilalagay ito sa likod para pumantay kung mahahabol.

    Kung 5 tire rotation isang goma lang sa harap ang malilipat sa kabilang side. Kung 4 tire rotation naman, simple switch from front to rear lang.

  9. Join Date
    Jan 2010
    Posts
    31
    #9
    Kamustahin ko lang sana kung ano nangyari sa car mo. Ganon din kasi yung sakin. Ok lahat ang reading sa alignment. Pero pag lumiko ako pakaliwa pag going straight kumakabig sya sa kaliwa pero pag lumiko ako sa kanan derecho naman sya. Talagang pag lumiko lang ako sa kaliwa pag bawi paderecho kumakabig na sa kaliwa. Sana makapagreply ka pa kung ano nangyari sa car mo since tagal na ng post na to. Thanks!

  10. Join Date
    Feb 2010
    Posts
    4
    #10
    ganyan din nangyari sa honda civic ko, kumakabig pakaliwa. sabi nung mekaniko, wala naman problema sa steering or alignment. yung gulong ko daw sa front left, hindi na even. di na circle yung shape. yun daw nagcacause ng pagkabig sa kaliwa. pagnagpalit daw ako ng bagong tire, mawawala daw yun.

    totoo nga, nung nagpalit ako nung 2 front tires, di na kumabig uli. =)

kumakabig pa kaliwa ang manibela