New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 8 of 8
  1. Join Date
    Nov 2008
    Posts
    25
    #1
    hi mga gurus, yung nabili ko kasing 2nd hand na honda accord lowered kaya ayun palagi nalang akong kumakalabog sa mga humps na matataas. ask ko lang po sana kung anu yung mga pwedeng maging negative effects nito sa car, (exterior, performance, maintenance, etc) and mga magkano kaya ipabalik or posible pa kayang ibalik sa dati yung suspension nung sasakyan? hehe, pasensya na po, newbie lang.

  2. Join Date
    Jan 2009
    Posts
    15
    #2
    sakit talaga sa ulo pag lowered kung car mo..lalo na pag dito sa atin lam mo naman halos lahat ata ng kanto dito me humps..best advice is bili ka na ng bagong suspension un nga lang di ko lam presyo. possible effect sa car mo?hehe..!well, ang kawawa diyan e ung mga gasgas na tinatamo nyn everytime na sumasayad ka sa humps ang masaklap pa e baka pati ung bumber mo me yupi na..

  3. #3
    oo back to stock..

    pero ganito gawin mo pag may humps na mataas -- do it sideways/ "at an angle" entray.. wag direcho.. accord pa naman sa yo, mahaba wheelbase nyan...

  4. Join Date
    Nov 2005
    Posts
    7,970
    #4
    ako rin! back to stock na yan. marami namang maganda tingnan kahit hindi lowered. basta simple at malinis aprub!

  5. Join Date
    Dec 2005
    Posts
    39,162
    #5

    Agree with bros XTO and AY. Bukod sa gasgas sa ilalim at iba pa,- baka ka mabunggo ng nasa likod mo dahil halos nakatigil ka na sa hump,- patagilid pa ang iyong diskarte rito.....

    I know how it is,- ganyan din kasi ang oto ko years ago. Lahat ng humps ng isang subdivision dito sa SouthMM,- girlfriends niya...:hysterical:.... Hinahalikan kasi, kahit na ano pa ang iyong diskarte sa humps.... Pag dumaraan kami sa mga humps, sabi ng mga sakay ko, tumataas daw ang kanilang mga pvwet as their body english para hindi kami sumayad,- pero sayad pa rin....

    7303:soda:

  6. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    15,528
    #6
    back to stock kung ganyan yung dinadaanan mo o lugar mo.
    convenience na yan vs. looks.
    possible effects, daming sisirain nyan sa ilalim (e.g. bushings, rods, joints, even the shocks). not to mention, dadami ang gasgas sa ilalim.

  7. Join Date
    Jun 2005
    Posts
    4,313
    #7
    That' my problem with my Carens. Madalas sayad lalo pag puno.


    :car: [SIZE="1"]4077[/SIZE]

  8. Join Date
    Mar 2009
    Posts
    2
    #8
    Quote Originally Posted by jarjarbingie View Post
    hi mga gurus, yung nabili ko kasing 2nd hand na honda accord lowered kaya ayun palagi nalang akong kumakalabog sa mga humps na matataas. ask ko lang po sana kung anu yung mga pwedeng maging negative effects nito sa car, (exterior, performance, maintenance, etc) and mga magkano kaya ipabalik or posible pa kayang ibalik sa dati yung suspension nung sasakyan? hehe, pasensya na po, newbie lang.

    Ganyan din yung auto ko before.. lagi ako sumasayad sa humps tsaka abala pa sa mga nakasunod kasi i have to drive sideways at mabagal para nde sumayad... eh matigas ang ulo ko kaya isang beses umuwi ako at ang auto ko na wala na yung sideskirt at chin... hehehe

ayoko sa humps!