New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 2 of 16 FirstFirst 12345612 ... LastLast
Results 11 to 20 of 154
  1. Join Date
    Apr 2010
    Posts
    1,118
    #11
    Quote Originally Posted by OTEP View Post
    I'm a lowly ENT head and neck surgery resident at UST hospital. The owner of this website is an accomplished pediatrician.
    ayus doc otep! simple ng sagot ah, hehe!
    marami din naman kasi doktor na passionate sa sasakyan..
    a GP/MO-III of a far-flung govt. hospital in the province of compostela valley here...

  2. Join Date
    Jul 2010
    Posts
    4,390
    #12
    Mabuhay kayo mga manggagamot na di naengganyo ng mas malaking sweldo sa ibang bansa...bagkus mas pinili nyo ang paglingkuran ang inyong mga kapwa Pilipino....


    Salamat dok!

  3. Join Date
    Apr 2010
    Posts
    1,118
    #13
    Quote Originally Posted by desert fox View Post
    anak ng seruhano(tama ba tagalog ng surgeon?)....lagi ko ito itaas itong thread para sa mga members natin na me mga katanungan sa inyo.....


    for sure yung maliliit nyong payo ay napakalaking utang na loob na namin ito sa inyo.

    woot woot!!!

    (nakalimutan ko) - salamat dok!!!
    tama po yun sir DF, seruhano nga... shoot po ako dito.. sa makakaya... kung makakatulong man lang..

  4. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    21,384
    #14
    meron pa po rito....si doc ooba99.
    si cutedoc....dentista naman.

  5. Join Date
    Apr 2010
    Posts
    1,118
    #15
    Quote Originally Posted by desert fox View Post
    Mabuhay kayo mga manggagamot na di naengganyo ng mas malaking sweldo sa ibang bansa...bagkus mas pinili nyo ang paglingkuran ang inyong mga kapwa Pilipino....


    Salamat dok!
    hmmmm.. di ako naentice sa idea na kelangan mo mag-exam ulit, mataas na tax, at mataas na babayarin for insurance, hehe!

  6. Join Date
    Apr 2010
    Posts
    1,118
    #16
    Quote Originally Posted by chua_riwap View Post
    meron pa po rito....si doc ooba99.
    si cutedoc....dentista naman.
    dentista din nga pala si dukedentist ng ACP...

  7. Join Date
    Jun 2007
    Posts
    3,949
    #17
    Quote Originally Posted by chua_riwap View Post
    meron pa po rito....si doc ooba99.
    Hehehe, sir chua naman, pagtatawas lang ang alam ko.

  8. Join Date
    Jul 2010
    Posts
    4,390
    #18
    Good morning Tsikot Clinic.....

    mga Doks, me konting tanong lang ang ako, sa pagtake ng vitamins ay maganda sa katawan ng tao, anong oras po ba ang the best ng pagintake nito?

    sa umaga, bago kumain o pagkatapos kumain? o anytime of the day?

    salamat Dok!!

  9. Join Date
    Jul 2010
    Posts
    4,390
    #19
    'May arthritis ba ang anak kong 5-taong gulang?'
    WHAT'S UP DOC? Ni Dr. Tranquilino Elicaño Jr. (Pilipino Star Ngayon) Updated June 12, 2011 12:00 AM Comments (0)




    Good day po Dr. Elicaño. Ibig ko lang pong ikunsulta ang nararamdaman ng anak kong lalaki, 5-taong gulang. Lagi pong namamaga ang kanyang mga daliri sa kamay at kumakalat hanggang siko. Masakit daw po kapag nahihipo. Pero pagkalipas naman ng isa o dalawang araw ay nawawala na ang pammamaga at pananakit. Napapansin ko na sumasakit o pamamaga ang kanyang mga daliri kapag malamig ang panahon. Posible kayang may arthritis ang anak ko? Pero di po ba ang arthritis ay sa mga edad 50 pataas lamang tumatama. Sana po ay mabigyang liwanag ako sa nararanasan ng anak ko. Salamat po. — Analyn Pasco, Earnshaw St. Sampaloc, Manila
    Sa mga sinabi mong sintomas, maaaring ang anak mo ay may tinatawag na juvenile rheumatoid arthritis o Still’s disease. Pero mas maganda kung patitingnan mo siya sa doctor para lubusang malaman ang kanyang nararamdaman. Huwag ipagpabukas ang pagpapa-check-up ng anak.
    Kadalasang ang mga nagkakaroon ng juvenile rheumatoid arthritis ay mga batang may edad dalawa hanggang limang taong gulang. Apektado nito ang mga kasu-kasuan. Hindi maipaliwanag kung ano ang dahilan at nagkakaroon ng sakit na ito.
    Ang mga sintomas ay maaaring makita nang dahan-dahan at maaari rin namang biglaan. Magkakaroon ng pananakit at pamamaga ang kasu-kasuan sa daliri at kakalat ito sa pulso, siko, tuhod at alak-alakan.
    Makararanas ng lagnat, pagkakaroon ng skin rash, pamamaga ng mga mata, pagdami ng white blood cells, paglaki ng spleen at iba pang glandula. Maaaring makaranas din ng stiff neck.
    Sa may ganitong sakit ang pamamahinga ay ki­nakailangan. Paraan ng paggamot dito ang pag-take ng aspirin at iba pang non-steroidal anti-inflammatory agents.

    'May arthritis ba ang anak kong 5-taong gulang?' - WHAT'S UP DOC? Ni Dr. Tranquilino Elicaño Jr. | Pilipino Star Ngayon » Pilipino Star Ngayon Sections » Opinyon

  10. Join Date
    Jul 2010
    Posts
    4,390
    #20
    Gusto kong pumayat
    DOC WILLIE Ni Dr. Willie T. Ong (Pilipino Star Ngayon) Updated June 16, 2011 12:00 AM Comments (0)




    Dear Dr. Ong, tanong ko lang kung anong magandang gamot para sa nagpapapayat na katulad ko? Tama ba na magpurga upang lumiit ang tiyan? Puwede ba ako uminom ng slimming pills? Kasi sinubukan kong mag-exercise pero walang epekto. Maraming salamat po. – MINA


    Sa katotohanan ay wala pa talagang magandang gamot na naimbento para pumayat. May mga binebenta sa botika tulad ng Xenecal, pero panandalian lang ang epekto nito. Kapag hininto mo ang gamot, babalik ulit ang timbang mo.
    Hindi rin maganda ang slimming pills. Karamihan dito ay may halong pampadumi (laxatives) at ika’y magtatae. Puwede kang maubusan ng sustansya sa katawan at bumagsak ang potassium sa dugo. May namamatay sa sobrang baba ng potassium.
    Maraming masasamang side effects ang mga slimming pills, tulad ng mga diet pills, Bangkok pills, at iba pa. Aatakihin ka ng high blood at nerbiyos kapag uminom nito.
    Tungkol naman sa pampapurga. Ito ay binibigay lang kung may bulate sa tiyan. Kung wala ka namang bulate, bakit ka iinom nito?
    Sabi mo ay walang epekto ang exercise. Oo, walang epekto ang exercise kung babawi ka lang ng kain pagkatapos. Mahirap magpapayat pero kaya ito gawin. Heto ang mga payo ko:
    Mag-diyeta at magbawas ng pagkain. Kung dati ay 2 tasa ka ng kanin, gawin na lang 1 tasa.
    Umiwas sa lahat ng mga juices, iced tea at soft drinks. Nakatataba masyado ang mga juices tulad ng pineapple juice, energy drinks, at bottled teas. Tubig lang ang dapat inumin para hindi tumaba. Wala nang iba.


    Ihinto ang lahat ng sitsirya. Ang mga potato chips, corn chips at chocolates ay dapat iwasan. Puwede konting popcorn.
    Umiwas sa dessert. Malaki ang ipapayat mo kung iiwas ka sa mga cakes, pastries at matatamis na dessert.
    Bawasan ang pagkain ng prutas. Hindi ninyo alam pero nakatataba ang mangga, ubas, abocado at pineapple. Sa bawat pagkain, isang pisngi lang ng mangga, o 6 na piraso ng ubas lang ang dapat. Huwag nang sosobra. Ang mansanas at peras lang ang magandang pampapayat.
    Igalaw ang iyong katawan. Gumamit ng hagdanan. Maglakad ng malayo. Maglinis ng bahay. Mag-enroll sa gym.
    Kumain ng 6 na beses bawat araw pero pakonti-konti lang. Huwag magpagutom dahil babawi ka lang ng kain. Magbaon ng pandesal, biskwit o saging para sa meryenda o pag nagutom.
    Tandaan tubig lang ang dapat inumin. Bawasan ang dami ng pagkain. Ipilit makontrol ang sarili. Good luck po!
    Gusto kong pumayat - DOC WILLIE Ni Dr. Willie T. Ong | Pilipino Star Ngayon » Pilipino Star Ngayon Sections » Opinyon


Page 2 of 16 FirstFirst 12345612 ... LastLast
Salamat Dok!!!!