New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines



Page 342 of 452 FirstFirst ... 242292332338339340341342343344345346352392442 ... LastLast
Results 3,411 to 3,420 of 4513
  1. Join Date
    May 2005
    Posts
    4,808
    #3411
    suko na rin ako... hirap makipag-asaran sa low IQ.

  2. Join Date
    May 2006
    Posts
    8,282
    #3412
    Quote Originally Posted by claRkEnt View Post
    suko na rin ako... hirap makipag-asaran sa low IQ.
    hirap usap wara IQ

  3. Join Date
    Jun 2006
    Posts
    3,293
    #3413
    Ang dami naman usapan dito. Simple lang naman kasi yan. Magnolia magchchampion

  4. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    21,346
    #3414
    Di tayo mananalo kay SUV sa asaran. Huwag nyo na patulan. Matindi yan. He-he. Kung anu-ano na sinasabi. Nagde-deliryo na.

    Puro "tagay" ang nakikita ko sa mga replies nya.

  5. Join Date
    May 2005
    Posts
    8,078
    #3415
    Quote Originally Posted by claRkEnt View Post
    ... hirap makipag-asaran sa low IQ.
    sinabi mo pa..hindi naman sa natakot tayo ..kundi mahirap lang makipag usap sa di makakaunawa..
    buti pa ang mga pipe...nakukuha sa sign language

    ang haba ng thread na ito pero lahat naka biruan natin ayos naman

    iba talaga kung tao ang kausap mo .pero pag di tao
    di kayo mag kakaunawaan

  6. Join Date
    May 2005
    Posts
    8,078
    #3416
    remember him ???/


    King updated pa rin sa PBA
    By: Theodore P. Jurado


    SA kabila ng mahigit na isang dekada na wala na sa PBA, hindi pa rin nahuhuli sa balita si cage great Abe King.

    Si King, na nakabase na sa Washington, ay naglaro sa loob ng 18 taon, kung saan nagpakitang-gilas siya sa Toyota, Great Taste at Purefoods.

    Ang matinik na Tamaraws power forward sa glory days ng liga, na isa sa mga 25 Greatest Players ng PBA, ay nagretiro noong 1995.

    “Updated pa rin naman tayo sa PBA, maski naman sa basketball dito sa Pilipinas. Ang ganda nga ngayon dahil ang daming liga, so ang daming tsansa ng mga player na makapaglaro,” wika ni King.

    Kung ikukumpara sa mga big men ng liga sa kasalukuyan, na nababalot ng karamihan ng Fil-foreign players, hindi pa rin matitinag si King, na one-time Mythical team member na minsang nakabuslo ng 60 puntos para sa Toyota noong 1979.

    Sa kasalukuyan, ang 50-anyos na si King ay ang pinuno ng PBA Legends USA Foundation, isang grupo ng mga dating manlalaro mula sa unang play-for-pay league ng Asya na naglalaro sa mga exhibition games sa Amerika.

    Ang unang malaking project ng samahan ay ang paglikom ng pondo para sa legal support kay dating PBA player Rudy Distrito.

    Nakakulong ang 49-anyos na si Distrito, na bayani ng Ginebra sa kanilang dramatikong Game 7 win kontra sa Shell sa 1991 PBA First Conference, sa Northern Nevada jail dahil sa ‘voluntary manslaughter’ ng isang Mexican noong November 2004.

    Ang magandang balita, ayon kay King, ay maaari na si Distrito na makakuha ng parole at posibleng makalabas sa kulungan sa susunod na taon.

    “The Board of Pardon in Nevada is already preparing the parole proceedings for Rudy. Kaya pinaghahandaan na `yung release plan niya,” wika ni King.

    Kabilang sa mga miyembro ng foundation na itinayo ni King ay sina dating PBA players Marte Saldana, Nonnie Robles, dating Kings at Turbo Chargers mentor Rino Salazar at Rufino Ignacio ng Countryfair Hotdogs.

    Ang Legends squad ay naglaro ng serye ng exhibition games sa Los Angeles at sa ibang bahagi ng US upang makalikom ng pondo para kay Distrito.

    Lumipad si King sa bansa kamakailan upang magpasalamat kina dating PBA commissioner Noli Eala, Talk ‘N Text board representative Ricky Vargas at San Miguel Corp. big boss Eduardo ‘Danding’ Cojuangco dahil sa kanilang tulong na ibinigay sa PBA Legends USA foundation.

    “Ready kaming tumulong sa mga kapwa PBA player namin na nangangailangan ng tulong, dahil ang PBA was established as a wholesome family entertainment, kaya ang turingan namin diyang mga player ay parang magkakapatid,” sabi ni King.




    http://www.journal.com.ph/index.php?...18&sec=7&aid=0

  7. Join Date
    Aug 2007
    Posts
    850
    #3417
    Mukhang nagbobolahan mga tagay dito ah... :hihihi:

    Tagay masyado naman kayo teknical...Ang lumabas sa media eh si danding hindi kasundo....Eh kung henry pala eh ang point ko eh meron sya hindi nakasundo na big boss ng SMC kaya sya umalis...

    Tagay para ba ako animal at taga ibang planeta :bwahaha: Eh dito muna ako sa tsikot.com makipag-asaran sa mga ginebra...Sarado pa kasi yung thread sa isang forum eh... :bwahaha:

    Eh ayaw nyo ba tawag ko sa inyo tagay....Eh talaga naman mga tagay kayo ah...May connection sa ginebra...

    So mga tagay relax lang ah....asaran lang.....Wag kayo ISNABERO MODE AH

    Papaalala ko lang....pag nagtanong ako sa The Workshop or sa ibang thread regarding sa kotse eh wag nyo ako papayuhan na imbes lagyan ko ng coolant yung radiator eh ginebra ang ipayo nyo sa akin ah.....Pag may lime juice ba mas maganda performance.... :bwahaha:

  8. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    21,346
    #3418
    Quote Originally Posted by suv View Post
    Mukhang nagbobolahan mga tagay dito ah... :hihihi:

    Tagay masyado naman kayo teknical...Ang lumabas sa media eh si danding hindi kasundo....Eh kung henry pala eh ang point ko eh meron sya hindi nakasundo na big boss ng SMC kaya sya umalis...

    Tagay para ba ako animal at taga ibang planeta :bwahaha: Eh dito muna ako sa tsikot.com makipag-asaran sa mga ginebra...Sarado pa kasi yung thread sa isang forum eh... :bwahaha:

    Eh ayaw nyo ba tawag ko sa inyo tagay....Eh talaga naman mga tagay kayo ah...May connection sa ginebra...

    So mga tagay relax lang ah....asaran lang.....Wag kayo ISNABERO MODE AH

    Papaalala ko lang....pag nagtanong ako sa The Workshop or sa ibang thread regarding sa kotse eh wag nyo ako papayuhan na imbes lagyan ko ng coolant yung radiator eh ginebra ang ipayo nyo sa akin ah.....Pag may lime juice ba mas maganda performance.... :bwahaha:

    Paulit-ulit naman sinasabi mo. Nasabi mo na ito sa isang post mo eh.

  9. Join Date
    Aug 2007
    Posts
    850
    #3419
    Quote Originally Posted by chua_riwap View Post
    Paulit-ulit naman sinasabi mo. Nasabi mo na ito sa isang post mo eh.
    Kaya nga sinabi ko "Paalala ko lang"

    Kasi napapansin ko na sa post nyo na nagrereklamo na kayo sa post ko.. Kala ko ba asaran lang....na may pakuyug-kuyug pa :hihihi:

    Baka hindi nyo na kasi ako tulungan pag humingi ako ng advice eh pag dating sa car. Hindi pa nga ako nakakapag-post ulit sa Workshop and Diesels, SUVs, Mini-SUVs, AUVs and Trucks. ....Tulungan nyo pa rin ako ha

    Dito lang asaran kung naka-ON PA RIN TRASH TALKING MODE NYO ::hihihi:

    ON-OFF? ON? OFF? (parang aircon ah) :bwahaha:

  10. Join Date
    Sep 2004
    Posts
    2,976
    #3420
    ^^^ Pre, paalala lang, ke-bago bago mo sa forum, ang angas mo na. Baka sa forums ka lang mahilig mag-trash talk. Ano ba talaga gusto mo, manggulo or mag-contribute sa healthy discussion?

    Iba nga ang asaran dito, back-read ka muna, friendly asaran kasi old-timers na ang magkakilala dito sa forum. Tapos bigla kang papasok na parang naghahanap ng away.

    Wag kang magtaka eventually kung walang gustong tumulong sa yo kung kailangan mo ng tulong sa Workshop or kung saan pa man. Drop na lang your cowboy attitude, obvious naman na put-on lang yun. Lumalabas tuloy, KSP ka. Buti pa, attend ka na lang ng GEB sa Oct. 27. So you could meet some of us in person.

    BTT: Ano nga ba talaga nangyari kay Menk? After nga nung "bugbugan" incident, hindi na siya masyado ginamit ni coach Jong.

PBA na ulit... (ARCHIVED)