New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 102 of 452 FirstFirst ... 252929899100101102103104105106112152202 ... LastLast
Results 1,011 to 1,020 of 4513
  1. Join Date
    Mar 2006
    Posts
    17,507
    #1011
    ^ kawawa naman si idol kong johnny a.

    dapat kunin siya ng welcoat para turuan yung mga bata dumiskarte sa pros o di kaya para mag-provide ng stability and maturity sa mga neophytes

  2. Join Date
    May 2005
    Posts
    8,078
    #1012
    sinong 3rd team naman kaya ang gagamitin nila ,
    hindi kasi pwede direct trade ang Gins at Coke kasi Sister company sila ,
    at sinong other player naman ang involve kung sakali matuloy ang pagkuha ng Ginera kay Abarrientos

  3. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    3,144
    #1013
    forget and forgive na sila uichico at johnny?

    yong national team noon, di na tinapos ang tryout ng malaman nina johnny at marlou na isang slot ay kay noy castillo na.. kahit walang tryout dahil injured pa..

  4. Join Date
    Aug 2006
    Posts
    478
    #1014
    Quote Originally Posted by BoEinG_747 View Post
    sinong 3rd team naman kaya ang gagamitin nila ,
    hindi kasi pwede direct trade ang Gins at Coke kasi Sister company sila ,
    at sinong other player naman ang involve kung sakali matuloy ang pagkuha ng Ginera kay Abarrientos
    mageepire naman ung contract ni jhonny a. sa coke kaya walang problema., consider sya as free agent na kahit sinong team pwede sya makuha., if i-refuse sya mag-sign ng contract sa coke., pwede sya mamili kung anung team nya gusto., iwonder kung anung klaseng team na ang gins w/ jhonny on the backup position of jayjay, parang walang bangko ang gin kings ngaun ha., lahat ng players nila has a starting position,.

  5. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    21,384
    #1015
    2-0 na Ginebra. Puro tambakan ang mga laro nila against PF at A21. Let's see.... masusubok kung talagang malakas sila pag SMB o Red Bull na kalaban nila.

    Abangan.......

  6. Join Date
    May 2006
    Posts
    8,357
    #1016
    Hehehe this time talo naman sila sa Alaska via OT 101-99.

  7. Join Date
    May 2005
    Posts
    8,078
    #1017
    Bro nat2x, baka restricted free agent si Johny A.

  8. Join Date
    Aug 2006
    Posts
    478
    #1018
    hindi., ibibigay na talaga sya ng coke., lalo na at kumpleto na ang guarf slot ng coke., (yeo, miranda, rizada at enrile) sabi din ni jhonny na babalik sya sa alaska, gusto nya na dun matapos ang career nya where he started., kaya malamang hindi sya pumayag sa offer ng gin kings at realtors., lalo na na nakabalik na rin si poch junio sa alaska., parang united na ulet sila (jhonny, jojo, bong hawkins, cariaso at junio) ang original starters ng alaska nung nag-champion sila., i wonder kung baket umalis ng sta lucia si alex cabagnot., di ko alam full details n2., baka alam nyo mga bro.,

  9. Join Date
    May 2005
    Posts
    8,078
    #1019
    Saan mapupunta si Johnny A?

    Malou Aquino

    Hanggang sa Setyem-bre 30 (2006) ang kontrata ni Johnny Abarrientos sa Coca-Cola at ang balita ko, sinabihan na ng ma-nagement ang player na maghanap na ng ibang team, na willing mag-offer ng kontrata sa mama. Kung kakayanin daw ng Coca-Cola ang offer ng ibang team, tatapatan ito ng Tigers.

    Si Abarrientos ay isa sa 25 pinakamahuhusay na manlalarong pinarangalan ng PBA. Produkto ng FEU Tamaraws at pangatlong koponan niya ang Coca-Cola. Ang kanyang unang dalawang team ay Alaska at Pop Cola.

    Tsika nami’y interesado raw ang Sta. Lucia, gayundin ang Brgy. Ginebra at Alaska kay Abarrientos, ewan lang kung alin sa tatlo ang seryoso.

    Noong Miyerkules, nagpakita si Abarrientos sa ensayo ng Ginebra sa Green Meadows. Nagustuhan siya ni coach Jong Uichico. Kung kukunin ng Kings si Flying A, ito ang magiging reliever ni Jayjay Helterbrand.

    Pero may problema. Hindi kasi puwedeng mag-direct trade ang Ginebra at Coke dahil sister teams sila. Kailangan munang umikot ni Abarrientos sa ibang team bago tuluyang mapunta sa Ginebra.Una rito, nagpasabi raw ang Alaska management na nais nilang kuning muli si Abarrientos.

    Pero may nagbulong naman sa amin, na umano’y ayaw na ni Abarrientos bumalik sa Aces. Tila hanggang ngayon ay may tampo pa rin ang player sa Alaska, na matapos niyang bigyan ng grandslam title ay ipinamigay siya sa ibang team.

    Abangan natin kung saang koponan lalaro si Johnny A. sa SLR, Brgy. Ginebra, Alaska o sa Coke pa rin?

  10. Join Date
    May 2005
    Posts
    8,078
    #1020
    Hindi naging maayos ang paghihiwalay namin. Pero okay na ang lahat. At ngayon gusto kong matapos ang PBA career ko kung saan ako nagsimula," said Abarrientos.

    ayan naman pala ,so its Alaska's management turn

PBA na ulit... (ARCHIVED)