New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 5 of 5 FirstFirst 12345
Results 41 to 47 of 47
  1. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    40,068
    #41
    Quote Originally Posted by niky

    Ang mga original na "Fil-Am"... mga "Fil-Eu".

    -

    Seriously. Kawawa si Lin kung papatulan niya si Kardashian. She's already burned one basketballer with that stupid, staged wedding. (Seriously, getting married for publicity points? Totally :censored: up.)

    Dating Kim could ruin Lin.
    May utak Si Lin...he's not stupid like other white boys...

  2. Join Date
    Nov 2008
    Posts
    1,383
    #42
    Quote Originally Posted by shadow View Post
    But Lin is Taiwanese...baka lalong mawala market ng NBA Sa china pag siya ginawang poster boy... Kuomintang boy!
    Doesnt matter. LIN is HOT in China right now.

    Marketing machine of the USA works overtime.

    The marketing Geniuses can turn Lin into a Billion dollar industry.
    Last edited by marg; February 17th, 2012 at 06:28 PM.

  3. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    40,068
    #43
    Quote Originally Posted by marg

    Doesnt matter. LIN is HOT in China right now.

    Marketing machine of the USA works overtime.
    OT talaga dapat marketing he's an American and Taiwanese...double whammy.

  4. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    40,068
    #44
    Oh yun isang PBA player daw neighbor niya si Lin sa San fo...kanha kanyang connection na!

  5. Join Date
    Feb 2007
    Posts
    1,279
    #45
    Quote Originally Posted by shadow
    But Lin is Taiwanese...baka lalong mawala market ng NBA Sa china pag siya ginawang poster boy... Kuomintang boy!
    On the contrary, Lin is already getting a lot of attention in China. NBA will not have a hard time capitalizing on his popularity from the chinese sports fans.
    http://www.sbnation.com/nba/2012/2/1...yao-ming-china

    Look how JLin wins over basketball loving Filipinos all over. Whether he likes it or not, he already represents those with Chinese descent (and Asians as well) in the NBA.

  6. Join Date
    Sep 2011
    Posts
    623
    #46
    Quote Originally Posted by niky View Post
    Again. Sinong kasama ng mga Iranian?

    May Iranian bar o night-club ba dito? May Iranian student organizations? May mga Iranian ba sa TV or radyo? May choice sila. Either matutong mag-Ingles o matutong mag-Tagalog. 50:50 ang mga nakikita kong mga foreign students nang ganyan. Mga iba, Ingles, iba Tagalog.

    Ang mga Fil-Am, marami sila. Maraming kakilala. Punta sila sa fastfood, sa mall, sa bars, mga kasama din nila, Fil-Am. Kaya puro ingles.

    Yung mga Iranian, school, dorm... paglabas, mga pinoy lang ang makakasama nila.

    Pareho din sa mga Aprikano (marami kaming studyanteng Aprikano dito). Madaling mag-pick-up ng Tagalog, kasi sila-sila lang. Wala silang mga ibang makakausap kundi mga Pinoy. (Pero kung mga high-end schools, Ingles-Ingles din ang salita).

    Kung mga Korean, medyo slow din mag-pick up, kagaya ng mga Fil-Am, dahil marami namang Koreano dito. Yung nakakapagtaka, bakit ang mga Pinoy, sobrang adik sa telenobela ng Koreano, pero hindi marunong mag-Korean?

    Yung sagot diyan... critical mass... kung marami kang makakausap sa sarili mong wika, yun lang ang gagamitin mo. Tapos!

    -

    Ang mga Intsik na estudyante, Ingles ang gusto nila, kasi mas praktikal para sa kanila para sa trabaho nila. Mga ibang Intsik na negosyante naman, deka-dekada nang nandito, hindi pa rin diretsong mag-Tagalog...

    Ayun ang hindi ko maintindihan sa mga tao dito. Ang ingles, kung may balak kang pumunta sa US o mag-trabaho sa mga malalaking kumpanya (lokal man o sa labas), ay mas magagamit mo. Kaya bakit pa kailangan manlait sa mga taong galing sa ibang bansa na sanay mag-Ingles kung di sila magaling mag-Tagalog? Para bang sabihin mong masarap din kung inaasar ka dahil hindi ka diretsong mag-Cebuano/Panggalatok/Ilocano... kahit di mo naman kailangan kasi marunong naman mag-Filipino ang mga tao na kinakausap mo sa Cebu/Pangasinan/Ilocos?

    Si Rizal, mahal din niya ang Pilipinas, pero ang lahat ng sulat niya, espanol!
    Ang ibig ko lang sabihin ang english a tool for communication. Majority ng fil-am pretentious na. Nageenglish kahit marunong magtagalog. Ilan years na sa pinas eenglishin mo pa rin servidora sa carinderia. Eh nanay ng mga yan native na native parang annabel rama/aling dionesia. So kalokohan na hindi marunong magtagalog. Buti sana kung sa upscale subdivision laguna/alabang nakatira na talagang patigasan ng leeg, hatid sundo school-bahay lang. Eh recto, morayta, espana, stamesa mga yan. Kaya nga nagbalik pansamantala ng pinas dahil mura tuition dito.

    Ginagaya ba nila yung anak ni kris aquino....."Mommy what's sulit"

    Nagustuhan ko yung sinabi ni F.Sionil Jose sa isang speaking engagement....Bumabalik sya province yearly para makapag converse ng malalim na ilocano para hindi nya malimutan.

    Yung tungkol kay rizal meron debate kung talaga sya nagsabi ng "ang hindi magmahal sa sariling wika ay masahol pa sa malansang isda" My point: Walang masama magsalita ng english sa tamang lugar. Pero kung matagal ka na din sa pinas eh malaking problem kung hindi pa din marunong magtagalog. Wag na masyadong feeling alien na hindi aaralin lalo na kung yung shape ng ilong at kulay ng balat pinas na pinas.

  7. Join Date
    Jun 2009
    Posts
    1,463
    #47
    Quote Originally Posted by niwde11 View Post
    one thing more, jeremy lin is not asian built. laking amerika talaga at ang kinain mula nung bata e malamang pagkain america.:D

    6'3", 200lbs.
    tapos sasabihin ng isang puting "twittebird" ay "...couple inch.." lang..

Page 5 of 5 FirstFirst 12345
Mga fil-am parang sinampal ni jeremy lin