New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 5 of 5
  1. Join Date
    May 2005
    Posts
    8,078
    #1
    Bukod sa gas rationing, pagbabawas ng security convoy at pagdispatsa sa mga sasakyang pang-gasolina sa mga ahensiya ng pamahalaan, sinabi ni Energy Secretary Raphael Lotilla na bukas din ang Malacañang sa paggamit ng publiko sa gas saving device bilang solusyon sa kasalukuyang oil crisis.

    Sinabi ni Lotilla na malaking tulong sa oil crisis ang mga gas saving device kung kaya hinikayat nila ang publiko na suportahan ito.

    Ayon kay Lotilla, nakarating na sa kanyang kaalaman ang tungkol sa Khaos Super Turbo Char-ger (KSTC), isang gas sa-ving device na imbensiyon ni Filipino inventor Pablo Planas at aminado siya na kapuri-puri ito at mala-king tulong para sa mga pampubliko at pribadong motorista.

    Pati si Secretary to the Cabinet Ricardo Saludo ay nagsabing isasama rin nila ang tipid-gas gadget sa ipinatutupad na measures ng pamahalaan.

    "Anything that will help reduce fuel consumption will be welcome," ani Saludo.

    Ang KSTC (www.khaos.com) ay nauna nang pumasa sa DoE, Department of Science and Technology (DoST), Department of Environment and Natural Resources (DENR) at iba pang international experts dahil ang bawat sasakyang panggasolina na nakakabitan nito ay si-guradong nakatitipid ng 15 hanggang 50 porsiyento. Bukod pa rito, nagpapalakas din umano ito ng ma-kina ng sasakyan at nagbibigay ng zero pollution sa ibinubugang usok ng tambutso, bagay na malaking kaginhawaan naman sa problema ng polusyon.

    Bagaman wala pang konkretong tugon ang Palasyo kung magpo-promote sila ng anumang gas saving device o magkakaroon ng partikular na go-vernment support para rito, hinihikayat naman ni Lotilla ang public at private sectors na suportahan ang mga bagong imbensi-yon ng tipid-gas gadget, tulad ng Khaos Super Turbo Charger ni Mr. Planas.

    Nauna rito, nilagdaan kamakailan sa pagitan ng Asialink Finance Corporation at Inventionhaus International Inc., tagapagtaguyod ng KSTC, para ipautang sa publiko ang tipid-gas gadget ni Planas.

    Sa orihinal na halagang P6,500, maaari na itong makuha sa pamamagitan ng "installment basis"o hulugan sa halagang P668 kinsenas-katapusan sa loob ng anim na buwan. Sa mga nais umutang ng ti-pid-gas gadget, maaaring tumawag sa Khaos hotline, 448-7213 hanggang 14 at 920-0090.

  2. #2

  3. Join Date
    Dec 2003
    Posts
    11,316
    #3
    tiba tiba na c planas!

  4. Join Date
    Jan 2005
    Posts
    6,079
    #4
    Kung natuloy ito, tayo na ang magiging most polluted country. Nakatipid ka nga sa gas sakit naman sa baga ang kapalit.

  5. Join Date
    Jan 1970
    Posts
    512
    #5
    Time to TXTGMA !!!

Tipid-gas gadget OK at pwede pa utangin ayon sa MALACANANG