Anybody here who's still playing this game? Ngayon ko lang ulit sinisimulan ng mahusay at ang ganda nya! Ano mga favorite missions ninyo?

Eto pansin ko sa game:

Between PS2 and XBOX (not the 360 version), mas matatalino ang AI ng PS2 kaysa sa XBOX. May part doon sa pagasssasinate nung nag peplay ng cello (si Don Delgado ba iyon)? Sa XBOX pag bubuksan mo iyong left room hindi ito mapapansin ng guard na nagbabantay doon sa gitna. At mukhang hindi sya lumilingon lingon from left to right. Sa PS2 kailangan itiming mo na ang mukha nya nasa kabilang side kasi pag nag pick lock ka at nakita ka nya wala na alert na!


Some questions:
1.) Sa end ng missions may part doon na ibabribe mo iyong mga witnesses na nakakita sa iyo. Paano pag hindi mo binribe at iyong notriety level mo umabot ng mataas na mataas does that affect the ending of the game or your gameplay (mas mataas na notriety mas mahirap?)

2.) Baket hindi ko makuha ang silent assassin na rank? Sa XBOX version pinakamataas ko Ghost at sa PS2 Specialist. Nung nilaro ko iyong Opera stage sa PS2 ko, Specialist lang nakuha ko eh 3 lang ang pinatay ko dun, iyong opera artist at iyong ambassador pati isang soldier, baket may nakalagay sa hulihan na may witness eh alam ko naman lahat ng nakakita sa akin eh napatay ko (at ang nakakita lang sa akin ay iyong isang soldier na natumba ko din)?

3.) Kaya ba nagkaron ng pagbaba ng grade ko doon ay dahil sa nung natapos ko iyong mission ay merong green level iyong alert bar ko? Ang silent assasin ba walang bar dapat? Paano nawawala iyong mga "alert/suspect level" ni Agent 47?

Mukhang mapapatagal pa ako sa pagbili ng new gen console. Eto muna lalaruin ko. Sarap ulit ulitin ng mga stages.. Kakatapos ko lang ng stage nung Opera. Mahirap ba iyong kasunod nun parang residential area iyong setting at maraming pulis.

Isa pang tanong.. Nanunuod kasi ako dati ng mga "varsity players" ng Hitman sa Youtube hehehe ang galing.. Pansin ko ang pinaka kumplikadong stage ay iyong Murder of Crows? Kumplikado ba sya may oras ba syang kailangang sundin para matapos iyong mission or pwede mong hintay hintayin?

Ang isa ko pang nakitang next na kumplikado ay iyong setting nasa hotel.. May iaassasinate kang arabo ata iyon( pero di ko sure kung sa blood money version sya), time constraint din ba iyon na kapag na miss mo si arabo eh wala na iyong game ulit uli?