Results 51 to 60 of 299
-
March 5th, 2010 07:21 PM #51
Detecting Imminent Suicide Attempt on post elections
on the otherhand, bye bye money:rofl:Damn, son! Where'd you find this?
-
March 5th, 2010 07:53 PM #52
Get ready for Remulla-led attack dogs to dig in and screw the latest Pulse Asia survey...
-
Tsikoteer
- Join Date
- Feb 2008
- Posts
- 898
March 5th, 2010 09:17 PM #53I was in Bohol for two days nag-ikot from one end to the other due to business concerns...I tell you in all the places Villar's posters and that of Legarda are all over...every few coconut trees...other candidates almost nothing...the next poster is the old MMDA poster of Bayani...I believe in other provinces and remote municipalities the same Villar posters are everywhere...I just hope that this will not translate to votes....
-
March 6th, 2010 01:35 AM #54
Ginagamit ang talino sa pagiging corrupt..tsktsk, kawawa lalo ang pinas pag naupo sa Malacañang si Money
-
March 6th, 2010 01:43 AM #55
NEWS FLASH! New Manny Villar TV script leaked to media...
DOLPHY: Iba talaga yan si Manny Villar. Taga Tondo rin yan kaya malaki ang tiwala ko sa kanya. Katunayan nga, pati mga apo ko, ipauubaya ko sa kanya.
MANNY VILLAR: Natutuwa akong tanggapin ang mga paubaya mo. Pero lalo akong matutuwa kung pati si Zsa Zsa, ipaubaya mo na rin sa akin.
-
Tsikoteer
- Join Date
- Feb 2008
- Posts
- 898
March 9th, 2010 08:37 AM #56Just about two months before the 2010 presidential election, Villar and Noynoy are statistically tie in some surveys...Hope those who are like me, who is afraid of a Villar presidency, will rally behind Noynoy. I tell you, my heart says Gordon is the man, but my mind says voting him only gives Villar a better chance in getting elected. If the surveys especially those conducted a week or so before the elections wouldn't show that Gordon's chances has improved, then kay-Noynoy ako...
In the 1998 and 2004 elections, I voted for Roco, for he was like Gordon now...but Erap and Gloria won, which outcome was identical with the surveys then....
-
March 9th, 2010 08:59 AM #57
^I agree with you bro, 110%. Nothing emotional here, just plain learning from experience.
-
Tsikot Member Rank 4
- Join Date
- Jan 2003
- Posts
- 2,979
-
March 9th, 2010 11:38 AM #59
just stumbled this from a tabloid... sure both are opinions against villar but they're not absurd either
Kamakailan ay inilahad ni Senador Dick Gordon sa isang panayam sa radio na siya ay tinangkang “bilhin” ni Sen. Manuel Villar.
Nagpadala raw ng isang sugo sa kanya si Villar, at inalok na: (1) Bumoto laban kay SP Juan Ponce Enrile at palitan ito bilang pangulo ng Senado noong mga huling araw ng sesyon; (2) tanggalin ang kanyang lagda sa committee report na hinuhusga*han si Villar na nagkasala sa kontrobersya ng C-5; (3) at, umatras na bilang kandidato sa pagkapangulo, at sabihin kung anong pwesto sa gabinete ni “pangulong” Manny Villar ang nais niya at magiging kanya. Liban sa alok ng puwesto, isasauli sa kanya ang halagang nagasta niya sa mga advertisement, sa pangangampanya, atbp.
Mariing tinanggihan ni Gordon ang alok. Ngunit hindi pa niya tinutukoy kung sino ang sugo ni Villar. Sa ating pagkakaalam, ito ay naging miyembro ng gabinete ng nagdaang administrasyon, at naging embahador sa kasalukuyang rehimen, bagama’t may mga nagkalat na text na isa raw dating miyembro ng gabinete ni Marcos. Hintayin na lang natin ang pahayag ni Gordon.
Kamakailan din ay tinanggihan ni dating Pangulong Erap ang alok ni Villar na umatras na sa laban at endorsohin siya, kapalit raw ng malaking halaga. Ayon sa campaign manager niya na si dating senador Ernie Maceda, ang naging sugo naman ay si Bro. Mike Velarde, na kilalang malapit kay Villar, maging kay Erap. Bagama’t tumanggi si Villar, nanahimik si Bro. Mike.
Nang sinabi ni Gordon ang tangkang pagbili sa kanya, nagmalaki naman ang tagapagsalita ni Villar na si Gilbert Remulla, at kinutya pa si Gordon. Sadyang may kabastusan ang tabas ng dila nitong si Remulla. Isipin mong sabihing hindi raw maaring mangyari na alukin nila si Gordon, dahil para lang naman daw saling-pusa sa laban ito, at ang numero sa surveys ay napakaliit. Senador na tanghal si Gordon, at marangal itong tao para kutyain lamang ng isang talunang representante ng Kabite.
Naalaala tuloy ang binigkas ni Senador Juan Ponce Enrile noon, na siya mismo ay inalok ni Villar na “tutulu*ngan” sa gastos sa kampanyang pang re-eleksyon, basta’t huwag nang maglabas ng committee report na makasasama sa kanya patungkol sa maanomalyang eskandalo ng C-5. Napahiya si Villar sapagkat inilagay siya sa lugar nang beteranong senador. Kaya’t nang mabanggit ni Gordon ang karanasan niya kay Villar, agad na sinusugan ito at ipinagtanggol ni Enrile.
Akala yata nitong si Money Villarroyo e kaya niyang bilhin ang lahat. Bilyun-bilyon na ang nagagasta niya sa isang-katutak na advertisement at pamimili ng mga kakampi sa media, mga komentarista, kolumnista, desk edi*tor, manunulat at iba pa. Binibili niya rin ang endorsement ng mga kandidato sa lokal upang siya ang dalhin at talikuran ang mga kandidato sa panguluhan ng kanilang sa*riling partido, tulad ni Gibo Teodoro na nililisan ng mga kasamahan sa Pa-La-Ka at ipinagpapalit sa kapal ng salapi ni Villarroyo.
Wika nga ni Enrile sa kanyang inilahad na press statement noong Huwebes: “Sa darating na Mayo 10, dapat lang na siya ay turuan nang matindi at masakit na leksyon ng sambayanan. Isa siyang huwad na lider na hindi dapat tangkilikin ng bayan. Ipaalam natin kay Senador Manny Villar na ang panguluhan ay hindi nabibili; at ang Pilipinas ay hindi ibinebenta.”
Nguni’t marami sa media ang hindi pinansin ang ma*tinding sampal na ito ni Enrile kay Money Villarroyo. Bakit kaya? Dahil sa “Money”?Maganda sana ang kwento ng buhay ni Manny Villar kaya lamang parang sumobra ang ganda. Namatay nga kaya ang ka*patid dahil wala silang pambili ng gamot? Lumangoy nga kaya sila sa dagat ng basura? Hindi nga mayaman ang pamilyang Villar noong bata pa si Manny, empleyado ng gobyerno ang ama – sa Bureau of Fisheries, ayon sa isang nakilala ang ama. Me*ron itong nikeladong jeep at ang asawa’y merong negosyo na nagbebenta ng isda.
Lahat ng siyam na magkakapatid ay hindi dumaan sa public school kundi pumasok lahat sa pribadong eskwelahan. Papaano natin matatanggap na sila’y napakahirap?
Ayon din kay Villar, kung gusto niyang magpayaman, dapat harapin na lamang niya ang kanyang mga negosyo. Ngunit, ang nakakaduda sa kanya ay baka naman ginamit niya ang kanyang puwesto upang lalong paunlarin ang kanyang mga negosyo, gaya sa maraming taga-gobyernong merong sariling negosyo.
Wala namang matinding pruweba na ganito na nga ang nangyari. Ngunit, napakadali sa isang kongresista (at lalo na ang Speaker mismo) o senador na kausapin ang mga sangay ng gobyerno na pagbigyan ang kanyang mga kumpanya. Dahil sa mga natural na hinalang ganito ng mga Pinoy, mas magaling sana para kay Villar na sinagot niya ang mga bintang sa kanya tungkol sa C-5. Imbes, hindi siya nagpaimbestiga at ayaw humarap sa mga katanungan ng ibang senador tungkol sa tunay na nangyari.
Sa pananaw ng iba, kung walang pagkakasala, bakit ayaw humarap?
Ano ang pagkakaiba ni Villar at sa mga Arroyo na hindi rin sumasagot sa kahit anong pinupukol sa kanila at pinagbawalan ang mga taga-gabineteng sumagot sa mga imbestigasyon ng Senado at Kongreso? Ganoon din kaya ang iuutos ni Villar sa kanyang gabinete kapag siya na ang Pangulo?
Kaya dapat na sumagot si Villar at hindi nagtatago sa mga katanungan upang maliwanagan tayo sa ating pagpili kung sino ang nararapat nating maging pangulo.
Hindi dahil yumaman ka sa Pinas ay magaling kang magdala ng negosyo. Marami kasing mga negosyante na ginagamit ang mga nakapuwesto sa gobyerno upang magpayaman. Lalo na kung ang negosyante mismo ay mataas ang puwesto sa pamahalaan, napa*kadaling makakuha kahit na anuman ang gusto mula sa anumang sangay ng pamahalaan.
Wala naman akong kinakampihan sa halalang parating, kaya lamang napapansin kong bumababa ang mga survey ni Villar at ang aking nakikita’y dapat sa senador ay magpaliwanag sa mga botante. Kung inaakala niyang dapat lang natin siyang paniwalaan kung anuman ang kanyang sinasabi, nagkakamali siya. Ang problema ngayon ni Manny Villar ay pinagdududahan na ang kanyang kuwento tungkol sa kung sino siya. Dapat na magpakilala siyang muli at hindi sa pamamagitan ng mga infomercial niya na pinagdududahan na nang karamihan.
Halimbawa, sino naman ang maniniwala sa pahayag ng aktor na hindi binayaran si Dolphy sa ginawa nitong pag-endorso sa kandidatura ni Villar.
Huwag maniwala sa matandang sinungaling.
-
March 9th, 2010 12:04 PM #60
Gilbert Remulla? tindi ng apog nito parang rottweiler kung bumantay kay Bilyar
halatang payroll eh.
Thanks, will research more about it.
Traffic!