Pag coding day ko, I use Marcos Highway, since wala namang number coding sa Antipolo and Marikina. Then I would park at SM Marikina para hindi ko na kelangang dalhin yung kotse sa mga coding zones, considering na Makati pa ang opisina ko.

Bwisit lang kasi pagdating ko sa part ng Ligaya, pinapara ako ng mga Pasig traffic enforcers, tulad kanina. Daan lang ako, hindi ko sila pinapansin, hehe. Medyo tempted na akong ibaba yung bintana at sabihan sila, "Bakit, sakop na ba ng Pasig ang buong Marcos Highway?"