New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 1 of 1
  1. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    25,070
    #1
    Iyan ang tuwid na daan!

    MANILA, Philippines - Solicitor General Jose Anselmo Cadiz has resigned from his post, a Cabinet member confirmed last night.

    The official, who asked not to be identified as the Palace is expected to make the announcement today, said Cadiz submitted his resignation to President Aquino last Friday.

    “He told the President he wants to go back to private practice,” the source said.

    Cadiz, former president of the Integrated Bar of the Philippines, has not made a confirmation of his resignation as of press time.

    His resignation came after he defended before the Supreme Court last year the Department of Agrarian Reform’s position on the distribution of Hacienda Luisita, owned by Aquino’s family, to farmers in Tarlac.

    Abante Online

    OMG!OSG!
    by Arnold Clavio

    Nakakuha ako ng walong pahina na open letter na naka-address kay Pangulong Aquino mismo.


    Laman nito ang ilang reklamo ng mga opisyales at empleyado sa Office of the Solicitor General(OSG) laban kay Jose Anselmo I.

    Cadiz, ang kasalukuyang Solicitor General o abogado ng gobyerno.


    Nagsimula ang bukas na liham sa desisyon ng Securities and Exchange Commission (SEC) na tanggalin si Cadiz bilang counsel nila dahil sa maling representasyon sa kanila sa kaso ng PLDT sa Supreme Court (SC).


    Sumunod dito ang record sa SC sa umano’y kapalpakan ulit ni Cadiz sa pagtatanggol sa mga ma*histrado ng sa pagkakatatag ng Truth Commission.


    May mga utos pa umano si Cadiz sa mga government lawyer na magsinungaling sa mga kliyente ng gobyerno na inihahanda na ang mga ‘pleadings’ gayong ito ay matagal na sa kanyang la mesa at kaila*ngan pa niyang pag-aralan.


    Samantala, ipinapara*ting din ng mga legal at administrative staff ng OSG kay PENoy ang umano’y ilang pang-aabuso ni Cadiz sa puwesto at hiniling na siya ay palitan na. Kabilang ang mga sumusunod;
    - Agosto 6, 2011, ipinagdiwang ni Cadiz ang kanyang ‘unang taong anibersaryo’ sa OSG na siyang tanging Solicitor General na gumawa ng ganoon.


    - Marami na umanong tinanggal si Cadiz na ‘competent employees’ ng OSG dahil kulang ng Civil Service eligibility. Pero ang kanyang Chief of Staff na si Fr. Larry Buban at ‘di rin kwalipikado bilang State Solicitor II dahil wala pa itong limang taon sa legal practice.


    - Humingi umano si Cadiz ng halagang P200,000 sa isang ahensiya na ‘concerned with renewable energy’ para sa isang expropriation case bilang ‘acceptance fee’.


    - Isang Lunes ng umaga noong July 2011, nagkagulo sa OSG sa balitang ninakawan ang tanggapan ni Cadiz sa 9th floor. Pero nang imbestigahan ng PNP SOCO lumitaw sa log book at mga tinanong na security guard na si Cadiz lamang ang tanging tao na pumasok sa kanyang opisina hanggang hatinggabi. Gi*namit umano ni Cadiz ang insidente para mapalitan ang security agency nang walang bidding?


    - Inatasan niya ang mga security guards na ipagbawal ang sinuman na makasabay niya sa paggamit ng elevator.


    - Kinukuwestyon din nila ang pagiging mainitin ng ulo ni Cadiz sa sinumang tutol sa kanyang pananaw tuwing may pagpupulong. Nambubulyaw o naninigaw sa sinumang makausap.


    - Agad kinasuhan ng ‘***ual harassment’ ang isang respetadong Assistant Solicitor General na naging prangka laban sa kanya sa gitna ng flag ceremony.


    - Ang pagtatalaga sa OSG ng mga kapwa niya Bicolano sa iba’t ibang puwesto;


    Tinangka naming makuha ang pahayag ni SolGen Cadiz kahapon subalit nakasara ang kanyang cellphone. Ito ay sa kabila ng apila ni DILG Sec. Jessie Robredo sa inyong lingkod, na siya ring nagbigay ng numero ng kanyang ‘classmate’, na kuhanin ang kanyang panig.


    Bukas po ang espasyo namin para kay SolGen Cadiz para ma-depensahan ang kanyang sarili. Pero kung totoo ang mga sumbong at hinaing na ito ng mga opisyal at empleyado ng OSG ‘di ito makakatulong sa tuwid na daan ni PENoy.


    Lord Kayo na po ang bahala.
    Last edited by Monseratto; February 6th, 2012 at 10:27 AM.

SolGen Cadiz resigns