New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 2 of 2
  1. Join Date
    Aug 2007
    Posts
    11,529
    #1
    kahapon sa dfa habang nakapila may dumaang ice cream vendor...

    daryl: manong sa apa. yang malaking sugar coated na apa.


    manong: keso o ube?


    daryl: keso. cheezy ako eh. (nagjoke ako)


    manong: (habang nagtatakal ng ice cream) mag-abroad ka boy?


    daryl: hindi po. para sa pinsan ko tong mga papeles. nasa saudi kasi siya eh ako lang ang pwedeng mag-asikaso.



    manong: bakit hindi ka sumunod?


    daryl: ayaw ko po talaga sa abroad. gusto ko pong mas pisikal akong mapakinabangan ng mga tao rito. sa hirap ng buhay ng nakakarami, hindi sapat ang pagdadala lamang ng dolyar.


    manong: kung ako sa iyo, sa ibang bansa ka na lang tumira.


    daryl: alam ko pong yun din ang gusto ng lahat ang mag-abroad. malaki nga naman ang kita. pero bossing, bakit ko tatakbuhan ang problemang yan kung kayo ko naman umasenso?


    manong: bata ka pa boy (natatawa si manong). kung ako may pera lamang dinala ko na ang pamilya ko sa ibang bansa. ama ko hanggang sa panganay ko pagbebenta lang ng ice cream ang trabaho. kahit gaano ka magpaka-pagod, hindi ka umaasenso.


    daryl: pero manong, masaya ba kayo ng pamilya mo?
    manong: oo naman kahit mahirap lang kami.


    daryl: eto po sitwasyon. asa abroad ka, tapos ang mga mahal mo sa buhay narito sa pilipinas, masaya ka ba?



    manong: hindi. pero kumikita ka.


    daryl: andyan ang birthday ng anak mo. o pasko, wala ka. masaya ba kayo?


    manong: pwede basta nagpapadala ka ng pera.


    daryl: ang punto ko sa sarili ko boss, isang beses lang tayong mabubuhay sa mundo. minsan isang beses ko lang makakasama ang pamilya, at mga kaibigan. para sa akin, yun ang aking yaman. may pera ka nga, eh paano kung halimbawang bawian ng buhay ang isang taong malapit sa iyo? magsisisi ka bang nakasama mo lang siya sa kaunting panahon?


    manong: pwede. pero ano naman ang ikabubuhay ng mga kamag-anak mo sa katiting na perang kinikita mo.


    daryl: sipag at tiyaga manong. nakakapagod man, pero alam mo sa sarili mo kung gaano ka kasaya. ang sarap ng pakiramdam ng gigising ka sa umaga kasama ang iyong pamilya. di ba? lalong masarap kapag uuwi ka ng bahay at pagod na pagod, yayayain ka ng asawa mong kumain ng hapunan. at pagtutulog na kayo, sabay ninyong pag-uusapan ng iyong asawa ang mga problema at sitwasyong dapat ninyong lusutan. parang sina lotlot at monching sa mag-asawa'y di biro. napanood ninyo yun?


    manong: ano yun? hindi ko alam yun. (tawa si manong)


    daryl: eh sina buddy en sol?


    manong: si ano yung maputi! si redford.


    daryl: yun na manong. hehe di ba? magabroad lang ako pag hindi ko na maranasang may kaibigan at pamilya ako dito sa pilipinas.


    manong: (natatawa) may asawa ka na ba?


    daryl: wala po.


    manong: eh nobya?


    daryl: wala rin po.


    manong: wala?! bakit wala? kamukha mo pa naman si marvin agustin.


    daryl: (sa isip-isip ko wala na rin papupuntahan ang usapang ito) haha! bossing talaga! sige po balik na ko sa pili baka tapos na lunch break.
    pagbalik ko sa pila...

    daryl: hayyy pila. tang inang gobyerno yan.

  2. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    3,152
    #2
    sa pinas lahat pwede, mahaba ang pila, e di gumawa ng paraan para di mo na kelangan pumila, me illegal tulad ng fixers o medyo legal na ipapalakad mo sa travel agency at sila na ang gagawa para sa iyo=)

    tama yung ^^^ mura murahin man ang pinas ayos pa din dito iba kasi yun kayang idulot na saya, di kayang bilihin ng pera

Para sa mga Nag aabroad. ( ice cream kayo dyan!)