New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 6 of 6 FirstFirst ... 23456
Results 51 to 52 of 52
  1. Join Date
    Jul 2005
    Posts
    494
    #51
    The Senate inquisition shows the sorry state of Philippine politics. After more than two years of intensive yearning to squeeze the truth out of Bolante none of the senators was sufficiently prepared to get the job done.

    With the amount involved and with the power to compel COA, DA etc to cop out the documents that could have built an air tight case, eh, wala puro empty grandstanding ang nangyari. Obviously, calibrated ang mga tanong nila to cater to the huge majority of the Filipinos, mga mahihirap na walang oras magisip (truth really hurts so bad).

    The Senators overestimated their own strength thinking that a scared Bolante will do a la Lozada and spill the beans like there's no tomorrow. But Bolante nurtured a never say never posture and had a quantum of solace when he was allowed to go back to his family.

    In the meantime, the Senators hoping to get back to Russia without love.

  2. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    25,070
    #52
    Matutuloy pa ba yung senate "inquisition" kay Bolante? Natanggal na si Villar as Senate President at siguradong matatangal si Cayetano at Blue Comittee Chair. New Senate President JPE, a known GMA ally, already made known his feeling toward the Bolante issue as a waste of time...


    Pag-aresto kay Bolante ang dahilan sa pagsibak kay Villar - Cayetano

    MANILA, Philippines – Malaki ang paniniwala ng isang senador na walang ibang sanhi ang pagkasibak kay Sen. Manny Villar kundi ang pagpaaresto niya kay dating Agriculture Undersecretary Jocelyn “Joc-Joc" Bolante.

    Kaugnay nito, tiniyak ni Sen. Alan Peter Cayetano na babantayan at tututukan ng bagong minorya sa Senado ang kilos at galaw ng liderato ni Senate President Juan Ponce Enrile hinggil sa usapin ng charter change at iba pang mahahalagang isyu.

    Sa panayam matapos ang sesyon sa Senado nitong Lunes, sinabi ni Cayetano na lumawak ang lamat ng relasyon ni Villar sa ilang pro-administration senators nang lagdaan nito ang arrest warrant laban kay Bolante.

    “Nang ipinaaresto ni Sen. Villar si Bolante, lumaki ang lamat sa relasyon ni Villar sa ibang miyembro. Kaya pwedeng sabihin na sanhi ito ng pagpapatalsik sa kanya bilang lider ng Senado," ayon kay Cayetano.

    Ayon kay Cayetano, naramdaman naman ng lahat ang angal ng mga pro-administration senador sa pagkaka-aresto kay Bolante.

    “Nakita naman natin, malumanay ang suportang nakuha ni Villar mula sa oposisyon sa kaso ni Bolante," sabi ni Cayetano.

    Kaugnay nito, tiniyak ni Cayetano na mananatiling susuporta ang bagong minorya sa liderato ni Enrile ngunit magiging mapagmasid hinggil sa tatlong mahahalagang usapin na bumabalot sa ating bansa.

    Partikular na tinukoy ng dating chairman ng Blue Ribbon Committee ang magiging posisyon ng Senado sa charter change, resulta ng imbestigasyon ng Senado at kung sino ang magiging miyembro ng Judicial and Bar Council.

    “Sa ngayon, I will treat it as just a choice of leadership. Pero, mananatili kaming mapagbantay sa mahahalagang usapin tulad ng charter change, magiging kinatawan ng Senado sa JBC at resulta ng mga imbestigasyon," ayon kay Cayetano.

    Aniya, may magreretirong pitong hukom ng Supreme Court sa 2009 kaya nararapat lamang na bantayan kung sinuman ang magiging kinatawan ng Senado sa JBC.

    “Babantayan natin ang magiging resulta ng imbestigasyon sa North at South Rail, Fertilizer fund scam, swine scam, euro Generals at iba pa," ayon kay Cayetano. - GMANews.TV

Page 6 of 6 FirstFirst ... 23456
'Jocjoc' back in RP on Tuesday