New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

View Poll Results: Senate's verdict on CJ

Voters
69. You may not vote on this poll
  • Guilty!

    58 84.06%
  • Not Guilty

    9 13.04%
  • i couldn't care less

    2 2.90%
Page 164 of 422 FirstFirst ... 64114154160161162163164165166167168174214264 ... LastLast
Results 1,631 to 1,640 of 4211
  1. Join Date
    Oct 2011
    Posts
    26,787
    #1631
    kulang na lang i-pukpok ni manong johnny ang gravel kay ogie diaz.

  2. Join Date
    Aug 2009
    Posts
    1,956
    #1632
    gravel?.... di ba gavel yun? yung ganito :bwahaha:
    Last edited by chrismarte; February 16th, 2012 at 07:24 PM.

  3. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    21,384
    #1633
    Quote Originally Posted by Retz View Post
    kulang na lang i-pukpok ni manong johnny ang gravel kay ogie diaz.

    Quote Originally Posted by chrismarte View Post
    gravel?.... di ba gavel yun? yung ganito :bwahaha:
    baka yari sa graba.....

    he-he! gavel yun retz......

  4. Join Date
    Sep 2005
    Posts
    3,829
    #1634
    Banal has already explained.

    He's off the hook, wala naman palang ganon kalaking issue. He was just trying his luck if he can verify the document.

  5. Join Date
    Sep 2005
    Posts
    3,829
    #1635
    Ayos si Corona ah. Zero balance agad yung 3 account nya nung na impeach sya sa congress.

    Eto na yung sinasabi ni Esguerra.

    Esguerra: Pera nya ba talaga yan?

    Defense: Pera ng corporation yan.


  6. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    25,068
    #1636
    Sabi ni Tiongson:"Congressman Banal said that he will reveal to me how he got hold of the documents if I help him. He claims many people are helping them".

    Sabi ni Banal: "When I got home I noticed a folder stuck in a slot..."

  7. Join Date
    Sep 2005
    Posts
    3,829
    #1637
    Quote Originally Posted by chua_riwap View Post
    oo nga eh.
    kaya nsisigawan.
    napapahiya tuloy.......
    Muntik ngang ma contempt si ogie kahapon eh.

  8. Join Date
    Sep 2005
    Posts
    3,829
    #1638
    Quote Originally Posted by Monseratto View Post
    Sabi ni Tiongson:"Congressman Banal said that he will reveal to me how he got hold of the documents if I help him. He claims many people are helping them".

    Sabi ni Banal: "When I got home I noticed a folder stuck in a slot..."
    Sali mo yung taong pumunta sa bahay ng tatay nya na nag bigay ng lead para kumpleto ang kwento.

  9. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    25,068
    #1639
    Read between the lines...an acquittal is out of the question for PNoy.


    Talumpati ng Kagalang-galang Benigno S. Aquino III Pangulo ng Pilipinas Sa Pulong Bayan ng Pangulo at paggunita ng Tagumpay ng Bayan
    [Burador ng talumpating inihayag sa La Consolacion College, Lungsod ng Maynila noong ika-16 ng Pebrero 2012]

    Dalawampu’t anim na taon po ang nakakalipas mula nang nagtipon ang mahigit isang milyong Pilipino sa Luneta upang ipagdiwang ang Tagumpay ng Bayan. Idineklara nila ang pagwawagi ng aking yumaong ina laban kay Ginoong Marcos sa Snap Elections. Nagpatupad sila ng civil disobedience campaign, at nag-boycott laban sa mga kumpanyang sumipsip sa diktaturya. Ipinaramdam nila na ang kapangyarihan ay nasa kamay ng karaniwang tao. Ito po ang naging unang hakbang ng taumbayan tungo sa rebolusyon ng EDSA.

    Narito po tayo ngayon: nagbabalik-tanaw sa nakaraan, hinahamon ng kasalukuyan, at muling tinatawag upang ipaglaban ang atin pong kinabukasan. Huhubugin ba natin ang kinabukasang ito, o magpapakaladkad na lang tayo sa tadhana?

    Ikalabing anim po ng Enero nang magsimula ang paglilitis kay Ginoong Corona sa Senado. Pinili ko pong magmasid at manahimik muna ukol sa isyung ito, at buo pa rin po ang tiwala ko sa proseso. Ngunit ano po ba ang nangyayari sa ngayon? Napakarami pong nagpapalit-palit ng kuro-kuro, na tila sadya tayong hinihilo o inililigaw para mawalan ng interes. Magpapa-etsa-puwera na lang po ba si Juan at Juana de la Cruz sa prosesong ito? Hahayaan na lang po ba natin na iilan ang magdesisyon para sa atin pong lahat?

    Iyan naman po ang sadya ko sa araw na ito: Liwanagin ang dapat liwanagin, at ituwid ang isyung pilit dinidiskaril ng ilan, upang ang karaniwang tao ay malinawan at makilahok sa usapan. Simple lang naman po ang tanong na nais sagutin ng paglilitis na ito: Dapat pa ba tayong magtiwala kay Ginoong Corona? Masasagot po natin iyan kung titingnan ang mga katotohanang lumalabas na sa paglilitis.

    Pag-usapan po natin ang tinatawag na Statement of Assets, Liabilities and Networth o SALN. Hindi scratch paper po ang SALN: ito po ay sinusumpaan ng bawat pampublikong opisyal. Nakasaad po sa Saligang Batas, sa Article 11, Section 17: Ang isang pinuno o kawaning pambayan, sa pag-upo niya sa katungkulan at sa limitasyon ng panahong maaaring itadhana ng batas, ay dapat magsumite ng pinanumpaang deklarasyon ng kanyang mga ari-arian, pananagutan, at aktwal na kabuuang ari-arian. Sa kalagayan ng Pangulo, Pangalawang Pangulo, mga Kagawad ng Gabinete, ng Kongreso, ng Kataas-taasang Hukuman, ng mga Komisyong Konstitusyonal at ng iba pang katungkulang Konstitusyonal, at ng mga pinuno ng Sandatahang Lakas na may ranggong heneral o pamandila, ang deklarasyon ay dapat isiwalat sa madla—ulitin ko po—ay dapat isiwalat sa madla sa paraang itinatadhana ng batas.

    Paano po ba tinupad ni Ginoong Corona ang batas na ito? Ayon sa mismong testimonya ng kanyang Clerk of Court na si Ms. Vidal: sabi po, galing sa isang Binibining Acia, ipapasa ito kay Binibining Vidal, na ibibigay naman sa isang Binibining Albano. Ilalagay po ito sa isang locked—uulitin ko po—isang locked filing cabinet, at huling lalanding sa isang nakakandadong vault.

    Tanong naman po: Kailan pa po ba naging bahagi ng publiko ang isang locked filing cabinet? Paano mabubusisi ang laman ng SALN na ito kung nakasilid sa isang vault? Habang lumalabas ang katotohanan, lumilinaw naman ang dahilan ng pagkukubli ni Ginoong Corona sa kanyang SALN. Isang halimbawa po: noong 2010, nagdeklara siya ng cash na 3.5 million pesos. Ayon sa mga testimonya ng Pangulo ng PS Bank at branch manager ng BPI Ayala, sa tatlong account pa lang na naisiwalat sa impeachment, si Ginoong Corona ay may nakatagong 31.5 million pesos na hindi po idineklara.

    ‘Di ho ba tayong lahat ay mapapasabing: naman. Maliwanag pa po sa sikat ng araw: Ginoong Corona, ang sinumpaan mong salaysay ay hindi tugma sa natuklas na pag-aari mo. Maski saang paaralan po hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong mundo, 3.5 million pesos does not equal 31.5 million. Alin po ba ang totoo, Ginoong Corona?

    Bago po kayo naitalaga sa Supreme Court, may isang kaso noong 1997 na ang ngalan ay Rabe versus Flores. Tungkol ito sa Court interpreter mula sa Davao Regional Trial Court na hindi idineklara ang pagmamay-ari niyang puwesto sa palengke—uulitin ko po—hindi idineklara ang pagmamay-ari niyang puwesto sa palengke, kung saan nakakatanggap siya ng renta. Dahil daw sa paglabag niya sa RA 6713 o ang Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees, inirekomenda ng Office of the Court Administrator na sisantehin si Delsa Flores. Nawala sa kanya ang kabuhayang pinagkukunan ng suweldo at benepisyo.

    Sa isang court interpreter, iyan po ang batayan. Magkano po kaya ang upa sa isang puwesto sa palengke? Sa Punong Mahistrado po ba, dapat naiiba? Kung si Ginang Flores po ay sinisante, ano pa kaya ang dapat hatol kay Ginoong Corona? Kailangan pa po bang tanungin kung impeachable offense ang ginawa niya?

    Kung wala kang ginawang mali, wala kang dapat itago. Kayo nga po ang tanungin ko: Ganito ba umasta ang isang taong walang dapat katakutan? Pahirapan ang paghagilap sa kanyang SALN, at hanggang ngayon, pilit niyang inililihim ang kanyang mga accounts tulad ng mga dollar accounts. Sabi niya, in due time ilalabas niya ang mga dokumento. Mawalang-galang na po, Ginoong Corona, marami pang naunang taon na nagpasa kayo ng SALN na puno ng katanungan. Kailan po ba ang due time? Mukha po yatang overdue ka na.

    Nagpapasalamat ako at nagpapasalamat tayong lahat kina Ginoong Corona at Justice Cuevas, dahil sila ang naging susi sa lalong paglabas ng katotohanan. Dahil sa mga discrepancy sa SALN ni Ginoong Corona, napagtuonang-pansin ang kanyang di pa naipapaliwanag o maipaliwanag na yaman. At noong nanghingi po ng year-end balance ang Senado, si Justice Cuevas pa ang umapela na gawing monthly ito. Sana nga po hindi lamang aksidente ito at tuloy-tuloy na nilang makita ang liwanag. Ngunit sa tinatakbo ng mga pahayag ni Ginoong Corona, mukhang malayu-layo pa bago siya matauhan.

    Kayo nga po ang sumagot: sa tingin po ba ninyo, ang Chief Justice ay exempted sa mga batas na kailangan nating lahat sundin? Kapag ba nasa poder na ay bawal nang tanungin, bawal nang usisain, at bawal nang batikusin?

    Ginoong Corona, sana naman po ay huwag n’yo na kaming paikutan. Alam naman namin kung bakit ka isiniksik ni Ginang Arroyo sa Korte Suprema: iyan po ay para pagtakpan ang katiwalian niya. ‘Di ba nagsimula lang naman ang lahat ng ito, nang muntik ka nang magtagumpay na patakasin si Ginang Arroyo?

    Tandaan lang po natin: Punong Mahistrado mismo ang nagpilit na puwedeng umalis ng bansa si Ginang Arroyo. Ang isinampang kaso ng electoral sabotage, 2007 diumano naganap. Ayon sa batas, mapapaso ito kung hindi makapagsampa ng kaso sa loob ng limang taon. Ibig pong sabihin, sa pagpataw ng TRO sa watch list order natin, binigyan ng pagkakataong magtago si Ginang Arroyo; sakaling natuloy siya sa pagtakas at bumalik ng hindi mas maaga sa Mayo ng 2012, hindi na po natin siya mapapanagot sa diumano’y mga sala niya.

    Lilinawin ko lang po: Walang personalan dito; sistemang pangkatarungan ang ipinaglalaban dito. At dahil malaki ang pagbabagong ating hinahangad, malaki rin po ang kinakabangga natin. Tingnan na nga lang po natin ang Defense at Prosecution: maraming batikos ang inabot ng ating prosecution panel; parehas ba ang laban? Alam naman po natin ang napakalakas na impluwensya ng hukom sa ating sistemang pangkatarungan. Nasa kanila ang pasya sa bawat kaso.

    Kung nasa Defense ka, ‘di ba’t ngiti ang isasalubong sa iyo ng mga tiwaling hukom, dahil ipinagtanggol mo ang isa sa kanilang uri? Manalo, matalo, panalo ka parati. Kung nasa Prosecution ka naman, simangot ang pambungad sa iyo dahil sa pangangahas mong kalabanin ang Punong Mahistrado. Ipagpapasa-Diyos mo na lahat ng kasong hahawakan mo. ‘Di kaya’t babalot iyan sa isip mo habang naglalatag ng argumento, na itinataya mo ngayon ang pinagmumulan ng kakainin ng iyong pamilya’t anak?

    Ang katarungan ay sinasagisag ng isang babaeng nakapiring at may hawak na timbangan. Bulag ang hustisya upang hindi masilaw ng kapangyarihan; patas ang timbangan dahil pantay ang hustisya para sa lahat. Kung ikaw si Delsa Flores, ano kaya ang mararamdaman mo ngayong may isang taong may mas malaking halagang itinago sa kaniyang SALN?

    Simple lang naman po ang kailangan nating pagpasyahan ngayon. Papayag ba tayo na magpatuloy ang sistema kung saan may nanlalamang at nilalamangan? Hahayaan ba nating magkatotoo ang sinasabing dalawang mukha ng katarungan sa Pilipinas—isa para sa makapangyarihan, at iba para sa mga nasa laylayan? Kuntento ka bang hindi patas ang laban? Hindi ba sulit na ituwid ang ganitong klaseng kalakaran? ‘Di po ba’t malinaw ang mga alituntuning kailangang sundin ng lahat?

    Ang tungkulin natin ngayon ay ibalik ang piring ng katarungan, at gawing balanse ang timbangan. Huwag na po sana nating hintayin na tayo mismo ang maagrabyado. Manindigan na po tayo ngayon.

    Maraming salamat po.

  10. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    25,068
    #1640
    Quote Originally Posted by CoDer View Post
    Sali mo yung taong pumunta sa bahay ng tatay nya na nag bigay ng lead para kumpleto ang kwento.
    Little lady din?

Impeachment against CJ Corona..