New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines



Page 1 of 2 12 LastLast
Results 1 to 10 of 18
  1. Join Date
    Oct 2011
    Posts
    1
    #1
    1. Bakit tayo nangangailangan ng kaligtasan? Ayon sa Roma 3:23, “Sapagkat ang lahat ay nagkasala at walang sinumang karapat-dapat sa paningin ng Diyos”. Tayong lahat ay nagkasala. Nakagawa tayo ng mga bagay na hindi nakalulugod sa Diyos. Walang sinumang makapagsasabi na hindi siya nagkasala. Nakasulat sa Roma 3:10-18 ang detalyadong larawan ng mga kasalanang makikita sa ating mga buhay. Ayon sa Roma 6:23, “Kamatayan ang kabayaran ng kasalanan.” Ang kaparusahang bunga o idudulot ng kasalanan ay kamatayan. Hindi lamang ito kamatayan ng katawan, kundi walang hanggang kamatayan ng kaluluwa sa impiyerno!

    2. Paano ipinagkaloob sa atin ng Panginoon ang kaligtasan? Ayon rin sa unang bahagi ng Roma 6:23, “Ang kaloob ng Diyos ay buhay na walang hanggan sa pamamagitan ni Cristo Jesus na ating Panginoon.” Sinasabi ng Roma 5:8, “Ngunit ipinadama ng Diyos ang kanyang pag-ibig sa atin nang mamatay si Cristo para sa atin noong tayo’y makasalanan pa.” Namatay si Jesu-Cristo para sa atin! Ang kamatayan ni Jesus ang siyang naging kabayaran para sa ating mga kasalanan. At ang muling pagkabuhay ni Jesus ay nagpapatunay na tinanggap ng Diyos ang kamatayan ni Jesus bilang kabayaran para sa ating mga kasalanan.

    3. Paano natin makakamit ang kaligtasan? Ayon sa Roma 10:9, “Kung ihahayag ng iyong mga labi na si Jesus ay Panginoon at mananalig ka nang buong puso na siya’y muling binuhay ng Diyos, maliligtas ka.” Dahil sa kamatayan ni Jesus para sa atin, dapat natin siyang sampalatayanan at kilalanin bilang Panginoon ng ating buhay. Paniwalaan natin na ang kanyang kamatayan ang naging kabayaran para sa ating mga kasalanan. Sinasabi din sa Roma 10:13, “Maliligtas ang lahat ng tumatawag sa pangalan ng Panginoon.” Namatay si Jesus upang bayaran ang kaparusahan para sa ating mga kasalanan at iligtas tayo sa walang hanggang kamatayan sa impiyerno. Kaya ang kaligtasan o ang kapatawaran ng ating mga kasalanan ay maaaring makamit ng sinumang nagtitiwala kay Jesus bilang Tagapagligtas at Panginoon.

    4. Anu-ano ang idudulot sa atin ng kaligtasan? Ayon sa Roma 5:1, “Napawalang-sala na tayo dahil sa pananalig sa ating Panginoong Jesu-Cristo, sa pamamagitan niya ay mayroon na tayong kapanatagan sa harapan ng Diyos.” Sa pamamagitan ni Jesu-Cristo maaari tayong magkaroon ng magandang relasyon sa Diyos. Ayon naman sa Roma 8:1, “Hindi na hahatulang maparusahan ang mga nakipag-isa kay Cristo Jesus.” Dahil sa pagkamatay ni Jesus para sa atin, hinding-hindi na tayo paparusahan dahil sa ating mga kasalanan. At bilang pangwakas, may pangako ang Diyos sa atin sa Roma 8:38-39, “Natitiyak kong ang kamatayan, ang buhay, ang mga anghel, ang mga pamunuan, ang mga bagay sa kasalukuyan, ang mga bagay na darating, ang mga kapangyarihan, ang kataasan o kalaliman o ang alin mang nilalang ay hindi makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos.”

    Pinaniniwalaan mo ba ang pamamaraan ng kaligtasan ayon sa Aklat ng mga Taga-Roma? Kung oo, narito ang simpleng panalangin na maaari mong sabihin sa Diyos. Ang panalanging ito sa Diyos ay pagpapahayag ng iyong pagtitiwala kay Jesu-Cristo para sa iyong kaligtasan. Tanging ang pananampalataya kay Jesu-Cristo lamang ang magdudulot ng kaligtasan! “O Diyos, alam kong nagkasala ako sa iyo at nararapat lamang na parusahan. Ngunit inako ni Jesus ang aking kasalanan at tiniis ang parusang dapat ay sa akin. At sa aking pagsampalataya sa kanya, alam kong mapapatawad mo ako. Pinagsisisihan ko ang aking mga kasalanan at nagtitiwala ako kay Jesus para sa aking kaligtasan. Salamat po sa inyong kahanga-hangang biyaya at kapatawaran. At salamat din sa buhay na walang hanggan. Amen!”

    -gotquestions.org

    No to corruption... No to immorality!

    Jesus Saves!

    By: Evangelical Church

  2. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    21,346
    #2
    .........:pope:

  3. Join Date
    Nov 2010
    Posts
    22,349
    #3
    Uso ngayon ganito ah?

  4. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    22,983
    #4
    Narinig ata na maraming blasphemous infidels dito sa tsikot...

  5. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    21,346
    #5
    jump brother, jump brother.......jump, jump, jump!

  6. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    29,320
    #6
    Salvation of the Filipino people is definitely not through religion.

    The fact is that religion is one of the main reasons why the country has not progressed as much as it should have in the last few decades. Religion is holding back the country and the potential of it's people.

    Religion, especially in the form and manner it has taken in the country, has become no more than just a method to control social and political opinions. Religious leaders can care less of the spiritual salvation of their numerous followers as long as their hidden agendas of social and political control are achieved.
    Last edited by ghosthunter; October 2nd, 2011 at 07:08 PM.

  7. Join Date
    Nov 2005
    Posts
    38,424
    #7
    Quote Originally Posted by Monseratto View Post
    Narinig ata na maraming blasphemous infidels dito sa tsikot...
    haha

    may mga tsikot members kelangan daw i-save hehehe

  8. Join Date
    May 2010
    Posts
    1,736
    #8
    Wag maniwala sa maling akala. Akala masasave ka?? Think twice

  9. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    22,983
    #9
    Only when you die will you know if there is such thing as salvation and 72 virgins waiting for you. Too bad nobody ever came back from the grave with matching 72 virgins...

  10. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    17,335
    #10
    Quote Originally Posted by Monseratto View Post
    Only when you die will you know if there is such thing as salvation and 72 virgins waiting for you. Too bad nobody ever came back from the grave with matching 72 virgins...
    Talo sila ni Erap at Ramon Revilla... wala pa sa hukay pero mahigit 72 na. :D

Page 1 of 2 12 LastLast

Tags for this Thread

Good news of salvation to every filipino people.