New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 5 of 6 FirstFirst 123456 LastLast
Results 41 to 50 of 53
  1. Join Date
    Jan 2003
    Posts
    2,979
    #41
    sad to say mahirap i-recognize ang government as an authority since ang perception sa kanila ay isang organized syndicate. Si among ed na nga lang ang may credibility pero ayun at pinagtutulungan pa sya ng mga taong nakapwesto at mga nagtratrabaho sa paligid nya na tinamaan yun raket sa kanyang pamamalakad......

    di ko din sya masisi kung bakit wala sya halos wala siyang magawa sa kanyang termino since lahat ng nakapwesto sa pampanga eh hawak ni GMA at alam naman natin na close si pandak kay pineda na hari ng jueteng.

    naalala ko tuloy yun 500 thousand na binigay ni jonjon mendoza kay among ed para sa pagpunta ng breakfast meeting sa malacanang. sarap naman nun, magbreakfast ka lang may instant 500 thousand ka kagad

  2. Join Date
    Feb 2008
    Posts
    710
    #42
    Last edited by valvura; March 24th, 2009 at 06:19 PM. Reason: 3x posts

  3. Join Date
    Jan 2003
    Posts
    2,979
    #43
    OT, mods triple post pala yun sa kin pakilinis na lang

  4. Join Date
    Jan 2003
    Posts
    2,407
    #44
    napaisip din ako, kung di rin lang susunod lahat ng tao sa batas, walang mangyayari kahit sya maging presidente.

  5. Join Date
    Jan 2003
    Posts
    2,979
    #45
    Quote Originally Posted by A121 View Post
    napaisip din ako, kung di rin lang susunod lahat ng tao sa batas, walang mangyayari kahit sya maging presidente.
    totoo yan! yan talaga ang problema sa pamumuno kaya matinding pulitika ang haharapin mo kapag ikaw ay naupo. Yun mga taong tinitingala mo at hinahangaan mo magugulat ka na lang sa mga kabalbalan nila! mawawalan ka talaga ng gana! tsk......

    Hanggang sa mabababang posisyon, grabe na rin kung mangurakot, kahit ikaw na ang pinuno, langya palulusutan ka pa din..... tapos pag kinompronta mo aawayin ka pa. Kaya nga nung inaalok misis ko para tumakbo sinabi ko sa kanya na wag na niyang asamin ang pulitika.... masyadong madumi, para kang humahawak ng t-a-e!

    isa pang problema bukod sa mga kasama mo sa pamumuno eh mga botante na din, kung gusto mo manalo, kelangan magbigay ka sa kanila... parang bidding... lahat kayo magkakalaban kelangan magbigay. kung di ka magbibigay... wala kang boto sa kanila. Ang kadalasan mga ganito eh yun lugar ng mahihirap saka yun mga "religious groups" ayoko na lang magbanggit ng grupo.

    Nakakatawa nga eh, imagine yun tao pupunta sa yo para humingi ng pera pambili ng bagong jeepney, or hihingi ng pang noche buena, or si kapitan hihingi ng pambili ng materyalas para mapagawa ang bahay nya o kaya makikita mo yun binigay mo na pondo para magpagawa ng "commonal" na poso eh nandun sa bahay ng kagawad nakatayo. Hindi nila maintindihan na ang proyekto eh para sa publiko at hindi sa sariling bahay nila o pampersonal na gamit lang ang paggagamitan ng pondo.

    Kung gusto mo naman magpasa ng batas eh naku, dadaan ka sa butas ng karayom! kelangan lahat ng kasama mo sa konseho o sa kongreso eh papadulasan mo....

    Ang hirap din tumanggi sa suhol ng jueteng... langya pag di mo tinanggap yun pera, bala ang ibibigay sa yo... buti sana kung ikaw lang, langya dawit buong angkan mo.... mabuti pa nga noon ang kalaban mo lang eh jueteng lords at private army nila... eh ngayon kalabon mo na pati si hepe hanggang sa cabo... pati yun nasa loob ng kulungan nila kalaban mo.....

  6. Join Date
    Aug 2008
    Posts
    1,585
    #46
    Quote Originally Posted by CVT View Post
    Iyan ang masama rito sa atin,- kung hindi ka sasali sa aming (kurakot na) sistema,- etsapuwera ka!.... Grabe!....

    7707:band:
    Sadly, whay you say is oh so true in our country. It is the norm rather than the exception.

    Just look at ZTE whistle-blower Jun Lozada. Where is he now compared to others (e.g. Neri) who "danced" with the (d)evil? Who is living more comfortably? The one who showed us the light, or the one who stayed in the dark?

    We have an immoral leader and so we can't expect her underlings to be moral at all. "Kung ano ang puno, siya ang bunga".

  7. Join Date
    May 2005
    Posts
    4,819
    #47
    and sadly, pinoys just shrug it off and "accept" is as the norm. tsk tsk

  8. Join Date
    Jan 2003
    Posts
    2,407
    #48
    sino ba ang mga bumuboto sa mga pulitiko? di ba mga pilipino rin?
    sino ang hindi sumusunod sa mga patakaran? di ba mga pilipino rin?

    hehehe

  9. Join Date
    Oct 2007
    Posts
    639
    #49
    iboboto ko yan. gusto ko transparency and honesty.

  10. Join Date
    Aug 2005
    Posts
    4,293
    #50
    por diyos por santo!

Page 5 of 6 FirstFirst 123456 LastLast
Among Ed for President?