New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 2 of 2 FirstFirst 12
Results 11 to 13 of 13
  1. Join Date
    Sep 2004
    Posts
    54
    #11
    k tnx... is it necessary that the oil for the 4jx1 engine be 5w30? anong mga brands of oil may 5w30?

  2. Join Date
    Jul 2005
    Posts
    46
    #12
    Quote Originally Posted by k.o
    hello peeps...

    question lang where do you have your isuzu trooper serviced? if ever sa dealer? which are the best with best prices?

    so far i've experienced na ang mahal ng charges sa kasa and lousy service nila ang dumi pa ng interion pag balik sayo!... i'm sure some isuzu trooper owners here are having their units serviced outside...recommend naman

    also... where do you buy the oil filters and oil para mura?
    Sir, ako sa Isuzu Cavite near Robinsons Imus. Pagaari din sila ng Ayala Group tulad ng Isuzu Alabang. Mahusay mga mekaniko at serbisyo nila. Hinuhugasan nila sasakyan bago ibalik sa iyo. Puede mong panoorin habang ginagawa sasakyan mo. Kaya lang maraming nagpapaservice doon lalo na pag Sabado kaya kailangan 7:00 am palang andoon ka na. Pala kaibigan sila at magalang, mapagkakatiwalaan mo sila at palagay ang loob mo na maaayos nila problema ng sasakyan sa tamang paraan.

    Maraming bentaha na sa reputable dealer magpaservice kasi mayroon sila tamang kagamitan at service manual mula sa manufacturer. Lalo na sa Trooper na bihira ang parts, sa kanila makakatiyak ka na original equipment (OE) ang ilalagay. Pero pag super mahal ang OE nagrerecommend sila ng replacement parts na katulad ang kalidad. Puede din sa kanila na, ikaw na ang nagdala ng parts para labor na lang sa kanila . Pero wala namang problema kung sa labas basta kilala na mahusay at magpagkakatiwalaan.

    Sir, maraming thread dito nagsasabi na sa Banawe sila nakakabili ng parts ng Trooper at mura halimbawa sa air filter ng 4jG2 P800 lang pero dito sa Isuzu Cavite P1,100 Sir, heto ang link ng mga tindahan: http://tsikot.yehey.com/forums/showt...hlight=trooper

    Sir, ingat po kayo sa Banawe area maraming magnanakaw diyan. May mga tsikoter na na nabiktima diyan.

  3. Join Date
    Sep 2004
    Posts
    54
    #13
    tnx horexen... same din with isuzu pasig, ayala group din... kaya siguro mdyo mahal magpaservice...

Page 2 of 2 FirstFirst 12
where do you have your trooper serviced?