New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 19 of 19
  1. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    109
    #1
    acquired my vios 3 week ago. last week, sumabog ang bulb ng left head light ko. di rin maipaliwanag sa casa kung bakit nagkaganun. anyway, under warranty naman ito kaya papalitan buong assembly. unfortunatelly wala paraw stock. pero pinalitan na ang bulb para may magamit.

    baka meron sa inyong nakaranas na rin nito. kasi, ako pa lang daw ang unang nagkaproblema ng ganoon.

    3 days ago naman, isang kasama ko rin dito sa trabaho ang nasabugan din ng left bulb ng vios nya.

  2. Join Date
    Feb 2003
    Posts
    618
    #2
    sa akin ok naman ilaw ko.... and prob ko sa vios ko ay kapag nag dadrive ka regardless of any road condition, any speed....parang may sumisipol na tunog/parang ugong while driving....yung tunog ay sumasabay sa gulong... mas audible ito kapag patay ang radyo....and sound is coming from the back part of the car...lahat ng tools ko maayos naman pagkalagay so malabo duon mangaling yung tunog.
    try this.... drive at around 30 kmh and lagay nyo sa neutral yung gear and listen if there is any weird sound...
    don't know if the sound is normal due to new car.... napansin ko lang ito mag 3 weeks din after my dad bought the vios...
    so far yun pa lang ang problem ko... by d way wala ka bang nagalaw sa wiring or any electrical part of the car... baka may nagalaw kaya pumutok...

  3. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    2,639
    #3
    teka mk di ba ikaw din yung nagstart ng thread na "ugong sa gulong?" nasolve n b yung umuugong?

  4. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    109
    #4
    pre, wala pa akong ginagalaw sa kotse ko. dumating na raw ang assembly ng ilaw ko. pakakabit ko na next week.:D

  5. Join Date
    Oct 2003
    Posts
    189
    #5
    ibinili ko ng vios yung anak ko last month-paglabas sa casa, the following day sabi sa akin nung bata may humuhuni daw kaya ibinalik namin kaagad sa casa.sa gulong daw yung problema-pero naayos naman.after that binyahe namin ng isabela para mag 1K na kaagad at makita pa kung anong problema-so far, ok naman.

  6. Join Date
    Jan 2003
    Posts
    2,407
    #6
    yup, gulong ang problema. maingay po talaga ang goodyear nct

  7. Join Date
    Oct 2003
    Posts
    189
    #7
    Any idea how much we could trade in the stock wheels of vios?

  8. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    945
    #8
    ang alam ko 1k each wheel ang trade in kapag bago sa mga shop..ewan ko lang ngayon

  9. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    2,812
    #9
    Originally posted by Shintaro
    Any idea how much we could trade in the stock wheels of vios?
    pre email me kung magkano offer ng trade-in sa iyo..
    baka ako na lang kumuha nyan..dagdagan ko na lang

    pcd 100 din yan diba?

    ozdrom*yahoo.com

  10. Join Date
    Feb 2003
    Posts
    618
    #10
    sir shintaro,
    about the tires....anung ginawa nung dealer nyo sa tires after nyo nireklamo..? did they change something...or may nilagay lang na grease?
    badtrip kasi sa akin, nung papaayos ko na sa toyota otis ang sabi sa akin, baka matagalan raw...e di syempre ndi ko iniwan dun...hangang ngayon 1200 kms na tinatakbo mdyo maingay pa din...pero parang on-off na yung tunoy....but still annoying..
    buti pa yung city namin michelin ang gulong...tahimik...

  11. Join Date
    Oct 2003
    Posts
    189
    #11
    ozcity, hayaan mo at uuwi ako ng 1st week diyan sa 'pinas tapos inquire ako dun sa trade in-post ko na lang dito.

    mk, nung binalik ko sa casa, pansin nga nila yung humuhuni nung tinest drive.either sa gulong daw o sa steering.tapos dinala na nila sa workshop.mga 2 hours din kaming naghintay.after that, sabi sa akin may nilinis daw sila sa gulog tapos nawala naman.hindi ko na naitanong kung anong specific part ng gulong yung nilinis...tamad lang siguro sila sa Toyota Otis!

  12. Join Date
    Feb 2003
    Posts
    618
    #12
    ok thanks sir shintaro, by the way...saan toyota dealer niyo pinaayos, para at least sabihin ko na lang sa toyota otis na tawagan yang dealer nyo just to prove that meron talagang case na katulad sa akin...thanks a lot....
    so nilinis lang pala....might be dirty break pads and rear drums?...

  13. Join Date
    Oct 2003
    Posts
    189
    #13
    mk, sa commonwealth ako naglabas ng vios.tama ka, patanong mo na lang sa toyota otis kung ano kamo yung inayos dun sa gulong nung ibinalik na vios-tiyak magkakaintindihan yung mga yun.sama nga nung may humuhuni,nakakairita!

    btw,may nakasabay kaming vios na may temp.plate na baguio-kumpleto siya ng chrome garnish (headlight, door cover at side mirror cover) any idea kung saan meron nung para sa headlight?
    so far ang available pa lang dun sa pinatanungan ko para sa door / side mirror.

    nagpalit nga pala kami kaagad nung busina bago ilabas sa casa.pinapalitan ko na kaagad ng bosch at yung nakakabit parang pang pedicab...

  14. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    22,658
    #14
    About the lamps: Baka may nakahawak nung bulb with their bare hands (during assembly or pre-delivery) kaya nagkaganon. The natural oil in our hands can cause bulbs to blow up when they get hot. That is why we should never handle bulbs with our bare hands or we should wipe the bulb with alcohol in case it does contact our skin.

    Shintaro,
    IMHO, mas maganda sa Vios ang malinis at wala masyadong chrome. Baka maging 'made-in-Taiwan' kasi ang hitsura. Like those overdressed CR-V's and REVO's.

    http://docotep.multiply.com/
    Need an Ambulance? We sell Zic Brand Oils and Lubricants. Please PM me.

  15. Join Date
    Oct 2003
    Posts
    189
    #15
    OTEP, Palagay ko nga mas OK yung walang masyadong chrome.Actually, dun sa anak kong 17y/o yung oto at aside from replacing the stock wheels/rim to 15 yun ang sinagest niya oldo sabi ko papangit, magmumukhang dyip.What about yung exhaust tip? Sama ng hitsura oldo ayoko din ng imbudo.What could you suggest? Thanks!

  16. Join Date
    Feb 2003
    Posts
    618
    #16
    hi shintaro, bad trip kanina sa toyota otis....normal lang daw yun...,parang wala silang pakealam sa toyota na kotse na binili sa ibang dealer...eventough centralized sila...
    by the way...yung tunog ba ng car mo narinig mo ba or yung anak mo lang nagrereklamo?
    sabi ng toyota otis kun may tunog raw ndi daw ito nakukuha sa linis .... nung tinest drive nya lumabas yung tunug then normal lang daw....heck, e kahit yung starex namin na hankkok, bulok na gulong e mas tahimik pa nga eh.... ndi na ako babalik kahit kailan sa toyota otis! very bad service!

  17. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    77
    #17
    Mr. Shintaro, i guess it would look better if the car is simple. I dont suggest upsizing the wheel and tires right away since it is still under warranty. I am not really sure with Toyota's warranty terms and conditions but to be safe dont change yet. Better yet upgrade the vehicle's sound system. Put a clarity setup. That would be good.

  18. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    22,658
    #18
    Ako gusto ko simple lang. Kaya pinag-aalis ko na yung mga nakakabit na borloloy sa sasakyan ko. Pati takip ng reserba pinalitan ko ng soft cover lang. Just keep it stock. Kapag sobrang pormado kasi mabilis nalalaos. Siyempre ang porma ay dictated ng time frame. Which is usually not a very long span of time.

    Ang stock timeless beauty.

    http://docotep.multiply.com/
    Need an Ambulance? We sell Zic Brand Oils and Lubricants. Please PM me.

  19. Join Date
    Oct 2003
    Posts
    189
    #19
    mk, narinig ko mismo yung tunog dahil umuwi kaagad yung bata para isakay ako at iparinig sa akin mismo.nasa 1st gear pa lang humuhuni na kaya pinatay ko yung AC tapos yung radyo.itinakbo namin ng malayo minsan mawawala tapos uulit.ginawa ko tinawagan ko si esmi at sabi ko tawagan ang casa for appointment.pag tawag ng mrs.ko sabi puwede na daw i-diretso sa casa at special case daw yun kaya dun na namin itinuloy.as i've mentioned niroad test nila, after a while sila pa ang nagsabi na may humuhuni nga...

    UBS73-thanks for the comment.ang warranty nila is 3yrs or 50K yata yun whichever comes first.regarding upgrade of sound system,i believe ma-bo-void dun yung warranty dahil may electrical.kaya yung busina sa kanila ko na pinapalitan kaagad para walang problema sa warranty.

    ako ang inalis ko dun sa gen 1 crv ko yung bullbar at bikerack.additional burden kasi saka may nabasa ako na na-head on collision di naactivate yung airbag dahil dun sa bullbar...tutoo ba yun?anyway,just to play it safe, inalis ko na lang...

vios problem