New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 2 12 LastLast
Results 1 to 20 of 26
  1. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    7,495
    #1
    Dudes;

    I just replace my Upper Arm and Trailing arm suspension bushing at M7. Kaso di ko matiis yung tagtag grabe parang may bato sa ilalim.

    Please help me naman. where can I look for Upper Arm suspension bushing not the whole assembly but the bushing only.

    Thanks.

  2. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    2,639
    #2
    Ano pong kotse sir model rin po

  3. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    7,495
    #3
    Sorry di ko nabanggit.

    Honda Civic LXi

    sorry my mistake

  4. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    2,639
    #4
    anu pong ginamit nyong bushing : replacement o fabricated? mga fabricated bushings lang kasi ang nagreresult ng matagtag na ride.

    regarding san makakabili depende po sa location nyo..try nyo po yung auto supply ni glennster sa kamias.

  5. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    7,495
    #5
    Boss fabricated yung ginamit ko yun nga matagtag gusto nga sana palitan na lang nang replacement. Pero la daw bushing lang nito buong assembly. Boss anong number dun kila glenster

  6. Join Date
    Oct 2003
    Posts
    74
    #6
    pare if you nid a replacement bushing meron ako... bnenta n kasi yung kotse ng brother ko civic din yun e binarat samen kaya lahat ng pang ilalem nun bago pa kaya pinatanggal ko yung mga bagong parts and pinakabet ko yung mga luma n may kalog n pare kung gus2 mo magm,et tyo and tingnan mo yung upper arm ko... BTW may rack end tierod din ako my celfon number is 09198553887

  7. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    7,495
    #7
    Sir Jeff;

    Txt na kita. Do u have a landline.

    Interested ako

    Thanks.

  8. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    1,829
    #8
    original ka na.
    mas matibay ang original suspension bushing.
    i made a mistake of buying a replacement bushing (P190 lang kasi ang isa), tapos after 2 months kalampag na naman. doble gastos tuloy ako, balik original bushing ako.
    ibang-iba talaga ang quality ng rubber between the replacement and original bushing.

  9. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    7,495
    #9
    Boss zero no ba car mo?

    Meron bang bushing lang nang Cvic Lxi

  10. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    7,495
    #10
    Boss. Pa update naman.

    Salamat.

  11. Join Date
    Jan 2004
    Posts
    2,329
    #11
    naku parehas tayo ng problema. sira na yung mga pang-ilalim ko e (tie-rod, trailing arms, boots, etc.). i remember replacing it a few years back. ok ba ang mga fabricated? tumatagal naman ba? how about yung price? anong year ng LXi ba?

  12. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    7,495
    #12
    pare 96 model. Ok naman fabricated kaso matagtag baka mabwisit ka lang.

    Im planing to spend it sa replacement and oem brand na

    Kaso la pa budget

  13. Join Date
    Jan 2004
    Posts
    2,329
    #13
    sige yung original parts na lang, tama na yung isa lang ang matagtag na ride (i have a pick-up) and besides a car is supposed to be a smooth ride. madami pa akong aayusin din e. parehas lang tayo, 96 model din yung akin. talagang ganun, 8 yrs na e. yung iba nga wala pang 5 yrs, sira na e. i guess naka-break even na tayo sa mga ride natin. may nabibili bang strutbar para sa LXi? how about yung stabilizer bar sa likod?

  14. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    7,495
    #14
    Meron. Sa may banaue ako nakabili.

  15. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    7,495
    #15
    ian_rex;

    Siguro pare kailangan natin magtrade secret sa car natin. Same naman kasi tayo para kung may alam ka makamura ako or ikaw.

    Naghahanap nga ako nang LXi group lang eh.

    Thanks.

  16. Join Date
    Jan 2004
    Posts
    2,329
    #16
    ok with me. teka magkano yung strutbar? how about yung stabilizer? di ba tinamaan yung air filter? kasi stock pa rin yung air filter ko-as in, the whole car stock pa rin, tires mags, suspension, engine, except paint job. i plan to keep it that way, except na lang siguro kung makakaboost ng performance without sacrificing fuel consumption. i really want a "sleeper" car e. nagpalit ka na ba ng shock absorber? nakakailang km na ba?

  17. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    7,495
    #17
    hindi pa ako nagpapalit nang shock.

    80kms. na. Hindi sya tatama kasi mataas sa makina yun.

    depende. May alam ako 1,500 buo na i dont know kung matibay sya

  18. Join Date
    Jan 2004
    Posts
    2,329
    #18
    well, regarding sa strutbar, i was referring to the air filter. hindi ba ako mahihirapang kalasin yung air filter cover? how about dun sa hood? sige hahanap ako sa banawe. naku, bro check mo yung mga rubber boots mo sa axle at steering. baka punit na yan, malaking gastos yan. axle boot na inner at saka outboard. kung magpapalit ka, isabay mo na parehas. medyo mahirap kasing kalasin yan. nagpalit na ako e. maghapon inabot kasi baklas ko yung dalawang drive shaft. saka yung clutch na rin.hehehe. kung may makukuha na mas mura mas ok. mahal ang axle boot. check mo yung thread na ito: torn axle boot. maybe i'll start another thread na ang topic ay pang LXi lang. hehehe

  19. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    7,495
    #19
    Ano ba cause nito? Papaano malalaman kung torn na?

    Pare yung air filter. Madali lang. Bili ka sa banaue ask them if kasama na kabit.

    Thanks.

  20. Join Date
    Jan 2004
    Posts
    2,329
    #20
    ang cause nito ay basically, yung rubber compound e malutong na.punit na yung axle boot, tumatagas na lahat ng grasa. eventually, masisira yung CV joint, mas malaking gastos yun. maraming nagre-recommend yung replacement daw ang kunin ko. ayaw ko nga, mura nga pero mag mumura ka naman pagkatapos. bahala na yung sa airfilter. kasi tinitignan ko pa rin budget-wise. enjoy naman ako sa ride ko e, pano ba naman, ang mahal na ng gas e.

    teka, nakakailang km per liter ka ba? M/T o A/T ang LXi mo?

    ako normally, nasa 10km/L (Makati to Bulacan) kasama traffic. pinaka worse ko yung 8.5 km/L, dati nung medyo bago 12 to 15 km/L. Kaya nga lang ang traffic kaya 10 km/L on the average.

    Compute mo naman, eto yung fomula:
    F=K/L

    F= fuel consumption
    K= Kilometers accumulated
    L=Liters

    ex. nagkarga ako ng 20 L ng gas divide by 200 kms, (reading ng trip meter). But be sure bago mo gawin ito, magkarga ka muna (as much as possible, full tank) saka mo i-reset. nagyon, pag nakatakbo ka na, let say, naka-kalahati ka na, ayun magkarga ka uli, para mapuno. saka mo ngayon i-compute using the formula.

    pare, dapat mga around 8.5 to 10 km/L yan kung stock engine ka lang. hehehe.

    ang labanan ngayon, hindi na pabilisan, patipiran na. =>

Page 1 of 2 12 LastLast
Upper Arm and trailing arm problem : Help