Hi to all,

i'm a vios '05 owner.
just wanna ask other vios owners kung na experience nila ito sa car nila especially the 03-05 model.

May kalabog sound sa likod especially pag may back passenger pag dumadaan sa medyo malalim or sa humps kahit magdahan dahan pa yung andar.

i tried bringing this to "Toyota Otis" and let them inspect, ang sabi lang hindi naman nag leleak yung shocks tapos ang ginawa lang "walang kamatayang" tightening of bolts.

Unfortunately it didn't help and no change sa Kalampag at all.
Kumuha ako ng second opinion, dinala ko sa isang Goodyear service center (Although they don't really specialize on shocks)
They replaced the bushing of the shocks (yung need kalasin yung back seat para mapalitan yung bushing) Also they tightened the bolts, ganun din findings walang problema sa shocks, nakita ko din naman na ok nga yung shocks. Wala din problem dun sa "swing arm"..

Pero ganun pa din, walang pagbabago may "BbOoGg!!" sound pa rin pag nalulubak. pero pag rough road lang or yung mabato ayos nman. pag biglang nalulubak yun ramdam talaga.

May time ba na yung drum brake nag kakaganun?
or may iba pang pwedeng cause nung KALABOG sound?

Pa guide nman po sa na experience ito at nagawan ng solusyon.
Marami pong salamat.