Magandang araw po!
Hihingi po ako ng suggestions kung saan may reliable at cheaper sana na makadiagnose and repair ng cylinder head & gasket aside from the casa.
Kanina tinanggal ko yung radiator cap then ini-start ko yung makina. Konting rebolusyon lang, lumalabas yung tubig sa radiator. Ayon sa mga napagtanungan ko pati na rin sa mga nabasa dito sa Tsikot, symptom daw ito ng sirang cylinder head/gasket (asa pa ba ako na mas magaan problema?).
Sorry po at extremely disappointed ako sa casa ng kotse ko. Brand new ko ito nabili nung December 1997 at casa maintained po ito every 5,000 km., pero hindi pa din napigilang magkaganito? Sa ngayon, nakaka-83,000 plus km. ang takbo nito, hindi naman masyadong laspag di ba?
Huwag pong masusuya kung mabagal ako magrespond, colorum po ang internet ko sa office. At duon po sa mga nagrespond sa kaisa-isang thread na in-open ko last year, salamat po at pasensya na't hindi ko kayo nabalikan, pina-ayos ko na po kasi agad the same day yung sasakyan ko, na sya namang pinagsisisihan ko ngayon.
Maraming salamat po!!!
![]()


Reply With Quote
