Hi All


ako po'y hihingi po sana ng advice sa inyo. Yung minamaneho ko po kasi ay naatrasan ng isang mama. nakahinto po ako at nakita ko syang paatras mga 3 meters pa ang layo( palabas sya ng parking) Busina ako ng busina pero di nya naririnig hangang sumalpok siya sa kanang bahagi ng aking sasakyan( Adventure 2002).

Mabait naman yung me ari nung bumaba at sabi nya ay 'Babayaran ko na lang'. Yung Bumper at Hood ay nayupi. binigyan nya ko ng calling card kaya na isip kong madaling kausap.

Nagpa estimate ako at 33K kung puro replacement at 18K lang kung puro repair lang.


Ang problema eh. gusto nya e cla mag pa estimate at mukang maliit na halaga lang ang gusto nyang ibayad.

Ang tanong ko po.

1.) Pwede ko ba syang pwersahin na replacement lahat?
2.) Sino at masusunod na estimate yung sa kanya o yung sa akin?
3.) Ano po maganda kong gawin?

Please excuse if these forums requres english post. nagmamadali lang po.

Thanks in Advance