Need help here. Nakuha ko yung 98 civic lxi ko last 3 weeks ago and di sa akin nasabi ng may ari kailan yung last change oil and tune up nya (nasa states na)...tinignan ng bayaw ko yung langis and napansin na wala sa level yung langis...bawas. pero chineck namin kung may tagas and buti na lang wala...baka daw kulang talaga yung langis na nilagay dati. Yung bayaw ko nilagyan ng natitira namin langis...yung shell helix yata...OK lang ba na pag haluin ito sa dating nakalagay...wala ako idea kung ano nakalagay dati e or better pa change oil ko na agad ako? San ba maganda magpa change oil / tune up (south area) and how much aabutin? inisip ko kasi sa december na since ang rehistro nya january. Any Advise?
Tnx sa mga advise. Nadala ko na yung sasakyan sa Rapide and check yung oil, sabi malinis pa yung oil malamang kaka change oil lang din non. Sabi sa December na ako magpa change oil / tune up since january naman yung rehistro ko.Nag pa check na rin ako ng mga pang ilalim and brakes and ito yung mga nakita nilang papalitan:
1. Pads Reface (maingay na daw pero makapal pa yung pad)
2. Replace Steering boot
--> P 4195 for the 1 and 2 item
3. Trailing Arm P 1850
4. Upper Lateral Arm P 6400
5. Press Job P 1500
P 13,945 lahat aabutin. San ko ba pwede pa estimate and ipagawa ng mas mura? Bandang south po ako. Any adivise?
Nag tanong ako sa honda powers pasay...ito yung estimate nila (via phone lang).
Original Trailing Arm --> P1100 each x 2 = P 2400
Original Upper Lateral Arm --> P 1550 each x 2 = P 3100
Original Steering boot --> P 550 each x 2 = P 1100
Labor --> P 1200
Total : P 7800
wala pa yung pads reface dyan...ihuhuli ko na yon since malakas pa naman yung break kaso medyo maingay ng konti.
mahal yan! your best bet would be to canvas the prices at your suking auto supply shop and have it installed by your suking mekaniko (just like what you did, and mukang fair naman ang prices).
kasi may patong na nga yung supplier ng parts sa rapide, tapos papatungan ka pa ng rapide. just my 2 cents.
Ang mahal ng estimate sayo Bro. Civic Lxi 98 din ang kotse pero nung nagpa replace ako ng Trailing arm ay nasa 400 pesos lang ang bayad ko sa Press ng machine shop. Tapos nasa 1400 pesos yata yung Rubber na kinabit. Try to check other shops muna.
original ba kinabit sa yo or replacement? San ka nagpakabit bro? 1400 each ba yung rubber? Baka pwede nyo ako bigyan ng list ng mga shops para makapag estimate ako sa iba. By 1st week ng september mapa ayos ko na. Yung sa honda power P1200 yung hinihingi sa akin na labor...lahat lahat na daw yon.
Trailing Arm Bushing cost you the rubber alone -P- 400.00 each ( Replacement ) and the labor will cost you around -P- 450.00 to 600.00 including pressing.
yung dating mekaniko namin nasa isang branch ng rapide ngayon....mahal daw talga dyan...para kang bumibili ng ginto he he...bawat kilos may bayad..panay replacement parts lang available....
tulad ng sabi nila canvass ka na lang parts sa auto supply...shop nila Glennster baka mabigyan ka ng discount...kung murang OEM parts meron na rin nito sa labas like sa Carpower sa Pasay (tel# 5110370-in case tanungin mo)...
hanap ka ng isang talyer na trusted ng relative o close friends mo...kaya naman gawin ng ibang mekaniko yung ginagawa sa high-end service shops like Rapide , Goodyear SERVITEK, etc....
How about the upper lateral arm...ok lang din ba replacement? nagpalit na ba kayo nito? sabi kasi sa rapide, yung nasa right side the upper lateral arm ko naka tabingi na...kaya maingay daw yon...wala pa naman ako ng ingay naririnig sa likod.
me, i'm due for replacement of some parts you mentioned, and ang kukunin ko mga replacement parts lang sa suking auto supply shop ko dahil sobrang mahal pag orig/galing casa mga pyesa.
Originally posted by otrivera How about the upper lateral arm...ok lang din ba replacement? nagpalit na ba kayo nito? sabi kasi sa rapide, yung nasa right side the upper lateral arm ko naka tabingi na...kaya maingay daw yon...wala pa naman ako ng ingay naririnig sa likod.
Nagpalit na ako nyan. And cost me 5k daw pag replacement kaya ginawa ko hanap ako nang surplus pero check ko muna kung maganda. Mahal din pag surplus 2k din. Ang mahal nun.