Yung Mazda 323F kasi namin malakas ang nginig kapag nasa N ang kambyo at yumayanig naman kapag nasa D.
Dinala namin sa Ford Balintawak para ipacheck at sinabi nilang nakita na yung problema. Dinala na namin sa kanila ito dati pero sandali lang tumakbo ng maayos yung sasakyan kaya nagdadalawang isip kami na sa kanila ipagawa ulit. Pero, at least ngayon, iba na yung mga piyesang plano nilang palitan...
1. throttle body, throttle hose and throttle position circuit
2. IAC valve
3. air cleaner hose
Baka naman may kilala kayong magaling na mekaniko at shop na may ganitong mga piyesa... Sigurado kasing mahal sa casa at para magkaroon din ng second opinion...
Pakipost din sana yung purpose ng bawat piyesa sa taas kung may nakakaalam...