Help naman po... ask ko lang po kung ano po kaya problem ng honda vti a/t 00 ko. Worried po kc ako coz first time lang nangyari ito, kc po nung instart ko yung car (not from cold start), ng rerev syang mg isa nya kahit di mo apakan yung accelerator. Umaabot po ng 3000 rpm... basta gumagalaw na lang pong kusa yung rpm taas baba, taas baba. Tapos po pinatay ko then instart ko ulit ganon parin... Tapos po pinatay ko ulit then binuksan ko yung hood, ginalaw galaw ng konti yung mga cable. Then nung restart ko, nawala na po. Ano po kaya ang reason or problem ng car ko. I want to know first your opinion bago ko dalhin sa Shop and before it gets worst.