New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 20 of 20
  1. Join Date
    Feb 2005
    Posts
    80
    #1
    help naman. may toktok na sound sa ilalim ng altis ko. nung umpisa, medyo mahina pa. pero after a week, naging malakas at madalas na yung tunog. napacheck ko sa cruven, mukhang d nla mahanap ang problema. kasi pinapalitan nila yung bushing ko. nung una wala na yung sound, pero bumalik ulit. tapos sabi nila baka shocks na daw yun. e sa unang check nila sa shocks ko, ok naman daw. anu kaya pwde maging problem? d kaya sa velocity? pero kahit hindi ako lumiliko, tumutunog pa rin. any ideas kung anu pwde maging sanhi nung tunog?

  2. Join Date
    Aug 2006
    Posts
    473
    #2
    kapag dumadaan ka lang ba sa lubak tumutunog??? could be one of TOO many things... Personally I would jack the car up and check every little details underneath... Check mo rin ilalim ng trunk mo baka mamaya may naiwan ka lang na tool...

  3. Join Date
    Feb 2005
    Posts
    80
    #3
    hindi po, kahit walang lubak or hump yung daan, tumutunog pa rin sya. mas madalas lumabas pag nagbrabraking ako.

  4. Join Date
    Sep 2004
    Posts
    2,975
    #4
    Nangyari din sa akin yan. It all started when I had my CV joints replaced sa Servitek. Evident lang sya pag nagbe-brake. Actually, until now andun pa rin yung toktoktok sound (mahina lang). At first it was irritating, but I've since learned to live with it. Braking power did not diminish, so pinabayaan ko lang. Its been over 2 years, ok pa naman ride ko

  5. Join Date
    Feb 2005
    Posts
    80
    #5
    sa akin kasi malakas, nakakairita yung tunog. pinacheck ko naman yung cv joint ko, sabi nila ok naman daw. umiingay lang daw yung pag lumiliko. so possible na sa cv yung problema?

  6. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    15,528
    #6
    most probably the bushings. kung ok pa yan, baka kailangan lang ng lubrication.

  7. Join Date
    Apr 2006
    Posts
    164
    #7
    baka stabilizer link. ako ganyan din eh. kahit hindi lubak. yun pala stab link lang.

    then check mo rin yung spring kung sumasayad sa ibang part.

  8. Join Date
    Feb 2006
    Posts
    186
    #8
    Quote Originally Posted by kabuke0 View Post
    baka stabilizer link. ako ganyan din eh. kahit hindi lubak. yun pala stab link lang.

    then check mo rin yung spring kung sumasayad sa ibang part.
    +1 dito. usually pag pahinto ka na mas malakas yung tunog malamang stabilizer link na yan.

  9. Join Date
    Sep 2006
    Posts
    849
    #9
    Ako may toktok din sa Altis ko pero pag lumulubak lang. Yung tunog parang samay gulong...papacheck ko plng sa 5000km ko.

  10. Join Date
    Jul 2006
    Posts
    3,600
    #10
    On the 95 Corollas swaybar bushing/link sa rear wheels yung problema. Toyota is known for using the same setup on future models, have a look see at this part.

  11. Join Date
    Oct 2006
    Posts
    91
    #11
    try to check ur engine support..

  12. Join Date
    Oct 2006
    Posts
    658
    #12
    sir, input ko lang, yung pinaayos ko yung oto ko sa cruven, yung unang salpak nila ang pangit ng ride ko maski patag may toktok ng toktok for short bagsak talaga. anyways nakita naman ang problema, yung suspension arm ang sira lumabas na yung mga bushings on both sides kaya pag preno mas maingay na parang kakalas. after palitan ng replacement ok na as in walang ingay. HTH

  13. Join Date
    Feb 2005
    Posts
    80
    #13
    just spent half my day kanina sa cruven. narepacked na ang cv, reinject ang mga rack end at replaced mga bushings. pero ganun pa rin. d ko na pa check yung stab link, pero mas malakas nga yung ingay pag mabagal na. pero pag mabilis na ang takbo, nawawala yung ingay. as far as i remember, inayos din nila yun nung first time ko nagvisit sa kanila. pero will ask them to check it again. hinala naman nila ngayon yung shock mounting daw yung may problema.

    hindi naman ba masama patakbuhin yung altis ko? baka kasi bigla akong matirikan sa daan, mahirap na.

  14. Join Date
    Jun 2006
    Posts
    86
    #14
    saakin, may tok pag biglans tapak ng gas.. automatic yung auto ko.

  15. Join Date
    May 2005
    Posts
    66
    #15
    bro pacheck mo rin yung bushing ng steering column

  16. Join Date
    Jun 2006
    Posts
    884
    #16
    check niyo sa mitsubishi forum, particularly iyun adventure... halos lahat ng may-ari nun may ganoon na problema.... malamang nandoon ang solution...

  17. Join Date
    Nov 2006
    Posts
    299
    #17
    Quote Originally Posted by aces_fan View Post
    just spent half my day kanina sa cruven. narepacked na ang cv, reinject ang mga rack end at replaced mga bushings. pero ganun pa rin. d ko na pa check yung stab link, pero mas malakas nga yung ingay pag mabagal na. pero pag mabilis na ang takbo, nawawala yung ingay. as far as i remember, inayos din nila yun nung first time ko nagvisit sa kanila. pero will ask them to check it again. hinala naman nila ngayon yung shock mounting daw yung may problema.

    hindi naman ba masama patakbuhin yung altis ko? baka kasi bigla akong matirikan sa daan, mahirap na.
    may advise ako sa iyo,sana makatulong to sa probs mo and i know na kaya mo to,,first thing you do is this,,check mo yung tightness ng strut rod nut and retainer nut,if ok,lubricate the strut dumper with wd40,kung makakahanap ka ng mg maliliit na mga butas dyan sa upper strut retainer eh dyan mo padaanin damihan mo if possible (1 oz.),...possible cause ng toktok sound ng kotse mo,,ay binding and rubbing againts this component ,,,strut dumper,upper spring seat to a rubber bumper,...and di pa rin mawawala ang probs mo,,try to check the stabilizer bar linkage,,grab the linkage and move it up and down or side to side and if you feel the looseness, thats it,,....

  18. Join Date
    May 2006
    Posts
    632
    #18
    pa check mo na rin sir mga brake caliper bolts, or yung mga brake pads baka may play na sa mounting

  19. Join Date
    Dec 2006
    Posts
    159
    #19
    bro if i may help,

    that happened to me with my love life altis 2000 model 1.6
    I don't know whats its called but ill try to explain.
    kelan mu sya naririnig pag arangkada and braking lang ba?
    if yes, then take the tire off. merung nut na may pin lock sa gitna ng studs ng gulong mu. try mu pahigpitan yun. that solved my problem.

  20. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    15,528
    #20
    pasakay na rin dito sa thread.

    yung sa akin, may lumabas na toktok sound sa right rear wheel. ano kaya ito? considering mas kokonti ang parts sa likod.

    evident sya pag nalulubak, humps tsaka pag uneven roads.

    thanks.

TOKTOK sound