Results 1 to 10 of 33
-
September 9th, 2007 08:40 PM #1
Guys, sana po mabigyan nyo ko ng advice sa problema ko. Kasi dahil nga newbie lang ako sa pagkakaroon ng auto, wala talaga ako masyadong idea. Ang nagiging ending, kada na lang nagpapagawa ako ng auto, lagi na lang ako naiisahan o natataga pero di naman ako nasa-satisfied sa gawa.
Last month lang nagpa top overhaul na ko, tapos kanina nag overheat na naman ako, gastos ako ng gastos sa pagpapa gawa pero di naman ako nasa-satisfy sa result. Ano bang magandang shop na pwede ako magpa check at magpa gawa ng auto na mga honest ang mga crew at maganda gumawa? Kasi may problema na naman ako sa auto, kasi pabalik balik ang pagbaba-pagtaas yung RPM ko lalo na kung pabagal na ko or pahinto. Para syang nagcho-choke ng konti or umuubo na parang titiigil na. Nakakatakot kasi parang anytime matitirikan na naman ako. Saka minsan, ang hirap i-start nung auto.
Hope guys mabigyan nyo ko advice, kasi nakakalungkot na talaga.. thanks!
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Sep 2007
- Posts
- 13
September 9th, 2007 09:03 PM #2hi viepink,
siguro dapat ibenta mo na lang yan present car mo kasi mukang marami problema! Kung isuma total mo gastos mo jan sa araw-araw na pagawa jan sa car mo, baka makabili ka pa ng medyo ok na car na di ka itirik!!
Me galit ba sayo yun salesman??
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Oct 2006
- Posts
- 148
September 9th, 2007 10:07 PM #3dude ganyan talaga. Ako rin naisahan na rin ako before pero ang important is learn from your mistakes.
maghanap hanap ka na lang ng recommended shops para gumawa ng auto mo...
Speedfix is a recommended shop. They are not cheapest shop around but reliable sila.
-
September 9th, 2007 11:23 PM #4
oo nga e, nakaka disappoint talaga, minsan pumapasok narin sa isip kong ibenta. kaso nanghihinayang ako saka nandun parin yung hope ko na maayos pa. pero sana naman wag ako mamulubi kaka ayos. hehe! natakot narin ako bumili ng ibang second hand kasi baka ganito rin ulit mangyari, at least etong auto ko ngayon, kahit papano alam ko na mga kinalikot. Nakakadala talagang bumili. hehe! GAnito pala sa kotse, sa umpisa lang masaya.. pero hoping parin ako, na sana maayos na. thanks po sa advice!
-
September 9th, 2007 11:30 PM #5
-
September 9th, 2007 11:39 PM #6
Eto na mga napagawa ko sa auto ko:
1. Top overhaul - singil sakin mga 7000+! (imagine?!) Kasama na daw dun machine shop, at kung anu-anong parts na sinabing bibilhin.
2. Thermostat - 650 (nung tinignan ng pangalawang mechanic na tumingin ng auto ko, I found out na di rin pala nilagay yung thermostat na binili ko!)
3. Hose - May butas na daw yung hose na nagco-connect sa radiator at makina, pinalitan nya yung hose ko, nilagyan ng coolant yung radiator, magkano siningil? 750 for the labor! May commission pa daw kasi yung mga gasoline boys na kumontak sa kanya. Dun yun sa may Caltex Greenhills.
Pag iniisip ko, sa tatlong buwan mula ng mapasakin yung koste (Mitsubishi Galant SS 96) magkano na nagastos ko.. And to think na parang wala namang nangyayari. Kaya this time, try ko sa Speedyfix. Sana bigyan ako discount.
-
September 10th, 2007 12:00 AM #7
change engine ka nalang hehe
pero honestly mahirap talagang makahanap na suking repair shop pagbaguhan
trial and error ang mangyayari e, kaya malaki rin ang tulong ng forums like tsikot
try mo rin yung mitsu club forums kasi naka mitsu ka e, baka marami rin silang opinions
-
-
September 11th, 2007 06:52 PM #9
Coming from experience na din, minsan kase kahit reliable ung shop kung medyo may edad na din ung kotse, kapag napalitan mo ung isang pyesa, may susulpot na naman na iba. Mahirap pa nyan sa case ko kase 3rd owner na ko, hindi ko alam naging maintenance history nung 1st and 2nd kung original parts ba ginagamit nila or what. Nasiraan na lang ako minsan, nung nakita yung nasirang part e replacement lang pala e dapat original sya kase major part ng engine. Ayun, hindi lang damage sa kotse kundi damage sa wallet inabot ko. In the end, binenta ko na din yung kotse kase ayoko na abutan ng susunod na sira. Ipon ipon na lang para makabili ng mas modelo kundi man brand new...
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Apr 2007
- Posts
- 42
September 12th, 2007 05:13 AM #10expect mo na yan sa mga used na oto. sakin rin dami na napalitan sa 2nd hand car ko but after mapalitan mga major parts konting maintain na lang gawa ko. dati umabot din ako sa point na gusto ko na ibenta car ko dahil sa dami ng gastos. sinabihan lang ako ng mekaniko ko na swerte makakabili ng car ko dahil dami na naayos. t'yaga lang brod.
I've used Stainz Out and Stain Guard from Glaz (Microtex) but I noticed it made my windshield form...
Hydrophobic Glass Treatments