New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 2 12 LastLast
Results 1 to 20 of 33
  1. Join Date
    Nov 2006
    Posts
    96
    #1
    Guys, sana po mabigyan nyo ko ng advice sa problema ko. Kasi dahil nga newbie lang ako sa pagkakaroon ng auto, wala talaga ako masyadong idea. Ang nagiging ending, kada na lang nagpapagawa ako ng auto, lagi na lang ako naiisahan o natataga pero di naman ako nasa-satisfied sa gawa.

    Last month lang nagpa top overhaul na ko, tapos kanina nag overheat na naman ako, gastos ako ng gastos sa pagpapa gawa pero di naman ako nasa-satisfy sa result. Ano bang magandang shop na pwede ako magpa check at magpa gawa ng auto na mga honest ang mga crew at maganda gumawa? Kasi may problema na naman ako sa auto, kasi pabalik balik ang pagbaba-pagtaas yung RPM ko lalo na kung pabagal na ko or pahinto. Para syang nagcho-choke ng konti or umuubo na parang titiigil na. Nakakatakot kasi parang anytime matitirikan na naman ako. Saka minsan, ang hirap i-start nung auto.

    Hope guys mabigyan nyo ko advice, kasi nakakalungkot na talaga.. thanks!

  2. Join Date
    Sep 2007
    Posts
    13
    #2
    hi viepink,

    siguro dapat ibenta mo na lang yan present car mo kasi mukang marami problema! Kung isuma total mo gastos mo jan sa araw-araw na pagawa jan sa car mo, baka makabili ka pa ng medyo ok na car na di ka itirik!!

    Me galit ba sayo yun salesman??

  3. Join Date
    Oct 2006
    Posts
    148
    #3
    dude ganyan talaga. Ako rin naisahan na rin ako before pero ang important is learn from your mistakes.

    maghanap hanap ka na lang ng recommended shops para gumawa ng auto mo...

    Speedfix is a recommended shop. They are not cheapest shop around but reliable sila.

  4. Join Date
    Nov 2006
    Posts
    96
    #4
    Quote Originally Posted by junvc View Post
    hi viepink,

    siguro dapat ibenta mo na lang yan present car mo kasi mukang marami problema! Kung isuma total mo gastos mo jan sa araw-araw na pagawa jan sa car mo, baka makabili ka pa ng medyo ok na car na di ka itirik!!

    Me galit ba sayo yun salesman??

    oo nga e, nakaka disappoint talaga, minsan pumapasok narin sa isip kong ibenta. kaso nanghihinayang ako saka nandun parin yung hope ko na maayos pa. pero sana naman wag ako mamulubi kaka ayos. hehe! natakot narin ako bumili ng ibang second hand kasi baka ganito rin ulit mangyari, at least etong auto ko ngayon, kahit papano alam ko na mga kinalikot. Nakakadala talagang bumili. hehe! GAnito pala sa kotse, sa umpisa lang masaya.. pero hoping parin ako, na sana maayos na. thanks po sa advice!

  5. Join Date
    Nov 2006
    Posts
    96
    #5
    Quote Originally Posted by Paolo123 View Post
    dude ganyan talaga. Ako rin naisahan na rin ako before pero ang important is learn from your mistakes.

    maghanap hanap ka na lang ng recommended shops para gumawa ng auto mo...

    Speedfix is a recommended shop. They are not cheapest shop around but reliable sila.
    Yup tama ka, ganyan din sinabi sakin ng dad ko, atleast may natututuhan ako.

    Pumunta ako sa Speedyfix kanina, unfortunately, close sila kasi Sunday. Ipon muna ako uli para kung sakali man ipagawa ko na, di ako mapasubo. thanks!

  6. Join Date
    Nov 2006
    Posts
    96
    #6
    Eto na mga napagawa ko sa auto ko:

    1. Top overhaul - singil sakin mga 7000+! (imagine?!) Kasama na daw dun machine shop, at kung anu-anong parts na sinabing bibilhin.
    2. Thermostat - 650 (nung tinignan ng pangalawang mechanic na tumingin ng auto ko, I found out na di rin pala nilagay yung thermostat na binili ko!)
    3. Hose - May butas na daw yung hose na nagco-connect sa radiator at makina, pinalitan nya yung hose ko, nilagyan ng coolant yung radiator, magkano siningil? 750 for the labor! May commission pa daw kasi yung mga gasoline boys na kumontak sa kanya. Dun yun sa may Caltex Greenhills.

    Pag iniisip ko, sa tatlong buwan mula ng mapasakin yung koste (Mitsubishi Galant SS 96) magkano na nagastos ko.. And to think na parang wala namang nangyayari. Kaya this time, try ko sa Speedyfix. Sana bigyan ako discount.

  7. Join Date
    Jun 2007
    Posts
    1,189
    #7
    change engine ka nalang hehe
    pero honestly mahirap talagang makahanap na suking repair shop pagbaguhan
    trial and error ang mangyayari e, kaya malaki rin ang tulong ng forums like tsikot
    try mo rin yung mitsu club forums kasi naka mitsu ka e, baka marami rin silang opinions

  8. Join Date
    Nov 2006
    Posts
    96
    #8
    Quote Originally Posted by washburn View Post
    change engine ka nalang hehe
    pero honestly mahirap talagang makahanap na suking repair shop pagbaguhan
    trial and error ang mangyayari e, kaya malaki rin ang tulong ng forums like tsikot
    try mo rin yung mitsu club forums kasi naka mitsu ka e, baka marami rin silang opinions
    thanks!

  9. Join Date
    Dec 2005
    Posts
    417
    #9
    Coming from experience na din, minsan kase kahit reliable ung shop kung medyo may edad na din ung kotse, kapag napalitan mo ung isang pyesa, may susulpot na naman na iba. Mahirap pa nyan sa case ko kase 3rd owner na ko, hindi ko alam naging maintenance history nung 1st and 2nd kung original parts ba ginagamit nila or what. Nasiraan na lang ako minsan, nung nakita yung nasirang part e replacement lang pala e dapat original sya kase major part ng engine. Ayun, hindi lang damage sa kotse kundi damage sa wallet inabot ko. In the end, binenta ko na din yung kotse kase ayoko na abutan ng susunod na sira. Ipon ipon na lang para makabili ng mas modelo kundi man brand new...

  10. Join Date
    Apr 2007
    Posts
    42
    #10
    expect mo na yan sa mga used na oto. sakin rin dami na napalitan sa 2nd hand car ko but after mapalitan mga major parts konting maintain na lang gawa ko. dati umabot din ako sa point na gusto ko na ibenta car ko dahil sa dami ng gastos. sinabihan lang ako ng mekaniko ko na swerte makakabili ng car ko dahil dami na naayos. t'yaga lang brod.

  11. Join Date
    Dec 2006
    Posts
    273
    #11
    Ok lang bumili ng 2nd hand car, basta kilala mo yung may-ari na inalagaan nyang mabuti ang sasakyan nya.

  12. Join Date
    Nov 2003
    Posts
    3,848
    #12
    i don't think we'll be that cheap pero give us enough time to check the car and we should be able to pinpoint the problem for you.

  13. Join Date
    Aug 2006
    Posts
    2,320
    #13
    Probably its electrical problem din, ganyan kasi yung other car namin na 10 year old na Lancer. Nagluko ang aircon ang daming pinalitan yung pala loose lang doon sa connectors ng mapalitan yung connector tumino. Nag-oover heat dati ang dami din pinalitan yung pala plug connector lang ng radiator thermostat ang naglo-loose kaya minsan ayaw gumana yung auxialiary fan.

  14. Join Date
    Oct 2006
    Posts
    222
    #14
    Ibalik mo lang sa pinag pagawaan mo. ireklamo mo... back-job yan ksi kung di ka mag v-voice out lagi ka nlang gaganyanin.

    sabihin mo d ka satisfied yun lang naman yun e

  15. Join Date
    Apr 2005
    Posts
    3,001
    #15
    be patient. what you need is a good mechanic and a good idea on what needs to be repaired. then you decide if it's worth all the trouble.

    kaya ng speedyfix yan!good luck bro!

  16. Join Date
    Jul 2007
    Posts
    63
    #16
    isang tip dyan hangga't maaari e bantayan yung gumagawa, kasi minsan hindi inaayos yung trabaho nila kapag hindi nababantayan. tulad nung pinagawa kong oil leak. pinalitan ng gasket hindi ko binantayan. nung ginamit ko na mas lalong lumala ang tagas. ibinalik ko tapos nakita nila punit yung inilagay nilang gasket. ayun bili ulit sila ng bago tapos binantayan ko na yung paggawa nila.

    dapat talaga tinututukan yang mga mekaniko na yan lalo na kung bago ka pa lang dun sa shop nila. yun nga lang nakakaubos ng oras. pero ok lang kesa naman maubos pera mo kakapagawa.

  17. Join Date
    Aug 2004
    Posts
    248
    #17
    taga saan ka po ba sir? para makapagrecommend kami kung sinong talyer or mechanic ang pwede mo puntahan.

  18. Join Date
    Nov 2006
    Posts
    96
    #18
    thanks guys sa mga nag-reply. binalik ko na sa dating nag-top overhaul. as of now, nandun parin auto ko. talagang pinakita ko na sa kanila na hindi ko nagustuhan gawa nila at hindi na nila ako maloloko ngayon, dahil kahit papano, marami rami narin akong alam. yup, nasa plano ko narin na dalhin sya sa Speedfix, alam kong mapagkakatiwalaan sila coz before ko ipa-backjob oto ko, dinala ko muna Speedfix, inasikaso ako mabuti saka sila mismo nagsabi na backjob yun at tinuruan nila ako kung ano-ano prob ng car, so nung binalik ko sa dating gumawa, parang nagulat sya na marami na ko alam. hehe! I cant wait to visit Speedyfix, papa tune up ako sa kanila pag nagawa na oto ko. Tama, konting tiis pa, siguro naman after dis, konti na lang papagawa.

  19. Join Date
    Nov 2003
    Posts
    3,848
    #19
    goodluck dealing with the other shop

  20. Join Date
    Jul 2007
    Posts
    63
    #20
    galing talaga ng mga taga tsikot.com daming natutulungan :D isa nako dun

Page 1 of 2 12 LastLast
car problems. Need help! please!