Gusto ko din sana humingi ng advise,
Yung car ko kse may warranty pa yung aircon, and lately napansin ko na bigla biglang humihina yung buga ng hangin sa vent, pag dinikit mo palad mo sa kanya malamig kaso yung hangin pahina ng pahina dahan dahan hanggang wala nang lumalabas na hangin.
Ginagawa ko, OFF ko sha ng 3 mins tapos pag bukas, NORMAL na ulit sha.
Nagtataka ako kse di naman laging nangyayari, siguro sa 7 days, mga 2 days nangyayari ang ganito pero once na OFF-ON ko na, okay na sha.
Kapag nangyayari ito, wala naman traffic at di naman tanghaling tapat, basta basta nagsusumpong.
Nagexperiment ako at ginawa ko na pag upo ko sa car, todo #4 agad ang fan speed, temp is coldest. Then after 1 minute nilalagay ko na sa #1 yung fan speed which is my normal setting kse malamig na sha sa #1. Sa 3 days na ginagawa ko to, di naman nagloloko ang aircon kaya obserbahan ko pa mabuti.
Dadalin ko sha for warranty replacement of parts, pero gusto ko sana itanong muna kung ano kaya ang diperensya nito? Baka kse mamaya kung ano ano palitan nila yun pala di naman yun ang defective, eh kailangan ko yung auto everyday sa work.
Advise naman po dyan
