Tanong ko lang po kung san po pwede makabili ng ABS kit? Lumambot po kasi yun brake pedal ko bigla while driving na yun tipong sagad dapat yun tapak para makabrake pero andun pa din yun braking power. Ito diagnosis ng Hyundai repair sa amin sa Pasig pero sabi nila wala daw piyesa available locally. SAbi nila another alternative is to convert it to a non-ABS system which I am not sure how much. Gusto ko sana pacheck sa ibang mechanic na magaling para makakuha ng second opinion and kung ABS ba talaga yun sira.
If ever ABS nga, meron bang mga brands na marerecommend na maganda at matibay for a Hyundai Sonata GLS 2000? Magkano aabutin if ever?